Kabanata 11

97 3 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Breath

Wala pa akong tagpo sa buong buhay ko na kinabahan sa isang tao. O sa ganitong sitwasyon.

Umiling ako sa sarili. Bumuga ako ng hininga saka pinulot ang tray sa counter.

I took a little steps to the door where they were at the moment. Binagalan ko pa ang lakad sa hindi malamang dahilan. Tinignan ko ang mga pagkaing dala bago sumilip sa likod ng makapal na kurtina.

They're busy and I'm sure if I go out, all their attentions will be on me. Lalo na ang kay Zion na kanina pa umiikot ang mata. Kung dadaan pa ako sa sala para hindi lang mapansin ay magtataka naman si mama.

Ano pa nga bang magagawa ko?

Humakbang ako palabas ng sliding door. I was right when I say that Zion's going to see me 'cause I already met his eyes as soon as I came out for the second time today.

"Wow! Para sa'min iyan, Belize?" Boses ni Dreau ang pumukaw sa'kin.

Nabuwag ang laro nila at nagsilapitan rin ang iba na pawisan pero hindi naman madungis tignan. One of them who I heard was Beaux, silently grab the food on the tray. He has that snob aura with a little look of a badboy. Masyadong nakakaagaw ng pansin ang kumikinang na maliit na hikaw sa gilid ng labi. The other one was Chance, if I heard it correct, Olivia and Zion's eldest, who's sporting a serious face. Iyong tipong nakakasindak lapitan hindi tulad ng kapatid niya.

Tumango ako at ibinaba ang lalagyan sa mesa.

"Thanks!" Si Marcus na agad tumalikod matapos kunin ang isang bowl ng mga prutas.

Ang huling lumapit ay si Zion na nagpamulsang naglalakad. And again, I got conscious at the same time nervous when our eyes met. Pinulot ko ang juice upang ibigay kay Olivia at para makaalis bago pa man ito makalapit.

"Oh, thank you. You're so thoughtful! My friends never done this to me..." She said, more like realizing something to herself. I returned her smile.

Bumalik ang tingin ko sa unahan. I saw his pair of curious eyes, not moving from where he stands.

"I used to pair orange juice with cake..." Napabaling ako kay Olivia nang magsalita itong muli. She look at me apologetically and smiled a little.

Napakurap ako. I forgot that she's used to be treated like a princess. Base sa kwento niya kanina ay ganoon nga.

Mukhang nahihiya pa siyang mag utos sa'kin.

"Sige..."

Sa kabila ako dumaan papuntang kusina at pinagalitan ang sarili ng tahimik. Ano bang ginagawa mo, Belize? Hindi ka naman ganito dati!

Nang makauwi sa araw na iyon ay nilunod ko ang sarili sa pag iisip ng posibleng rason kung bakit parang naiilang na akong kausapin siya. Siguro dahil matagal na noong huling pagkikita namin?

Maybe time really changed everything of we were before he left. O baka bumabalik lang ang pakiramdam noong hindi pa kami masyadong nag uusap. Siguro ay babalik naman lahat sa dati.

Hindi naman kami ganoon ka close para damdamin ko 'to. Hindi ko lang maintindihan ang sarili minsan.

Tinignan ko kung paano kaalaga si Olivia sa kapatid niya habang nasa hapag silang lahat. Kita naman mula rito sa kusina ang kaganapan doon, kung paano sila magtawanan.

"Akala ko sasama si Rouxe dito? Nagbago ang isip?" Tanong ni Marcus kay Beaux na galing kay Irina ang matalim na mata. Kanina ko pa kasi naririnig ang kapatid niya na nagrereklamo sa pagkain.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now