Kabanata 21

89 6 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Cruel

Ikalawang araw ko na sa trabaho pero ngayon ko lang naikot ang mata sa kagandahan ng mamahaling restaurant na pinasukan ko habang nagpapahinga at wala pa gaanong customer.

Ang kulay kremang pader na may nakasabit na mga paintings ay nagpadagdag sa eleganteng itsura at ambiance ng restaurant. Mula sa magandang pagkakadesenyo ng mesa hanggang sa mga platings. All of it were screaming elegance and class. Wala na akong masabi pa.

Full time ang in-apply-an ko habang hindi pa nagpapasukan. Pumayag naman ang employer ko na magpart time ako kung sakali. Alam niyang nag aaral pa ako. Iaayos ko nalang ang schedule para hindi ako mahirapan isiksik ang trabaho.

Itong restaurant ay hindi mga ordinaryong tao lang ang pumapasok tulad ng sa mga fast food. Minsan ay nagugulantang nalang ako tuwing makakakita ng artista o di kaya ay mga kilala sa industriya.

Ang mga kasama ko ay parang mga sanay na habang ako ay sinasanay pa ang sarili na hindi mangisay sa harapan ng tao. Baka iyon pa ang magpatalsik sa'kin dito.

Tumunog ang pinto sanhi ng panibagong dating. Iginiya siya ng nag aasikaso ng mga reservations na nasa may pinto ang babae papunta sa upuan nito. Nang senyasan akong lumapit na ay kinuha ko menu sa counter saka naman naglakad palapit.

Huhulaan kong isa siyang model.

Pinaskil ko ang ngiti at sinimulan na ang trabaho. Bumalik ako sa counter dala ang order. Nagsimula ang sunod sunod na pagpasok ng marami nang malapit ng sumapit ang tanghali kaya nagpapabalik balik ako upang gawin ang tungkulin.

"Belize, pakihatid nga ito sa table three. Kanina pa ito dito at hindi pa nakakabalik si Frankie."

Inayos ko muna ang nalalaglag na buhok na humaharang sa mukha ko saka kinuha ang order. Buti nalang may dala akong hair pin. Naka full blast naman ang aircon pero nararamdaman ko na ang pawis na namumuo sa noo ko.

Umikot ako sa may dulong gilid ng restaurant at nang makita ang hinahanap ay lumapit ako.

"Oh, finally! Magrereklamo na sana ako kasi ang tagal dumating ng order ko!" Salubong ng isang pamilyar na mukha at boses nang makita ang paglapit ko.

"Pasensya na po..." Paghingi ko ng paumanhin.

Inilapag ko ang mga pagkain isa isa ngunit tulad ko ay nakilala rin ako ng babae. Doon ko lang napagtanto na may kasama pala siya.

Itinago ko ang gulat nang magsalubong ang mata namin ng kasama ni Honey. I found Zion in his suit and tie outfit, looking so formal and gorgeous. And he's giving me his ever so dark stare with a mixture of confusion in his eyes. Nangungunot ang noo niyang bumaba ang tingin sa uniporme ko pabalik sa mukha ko. He frowned at me, unpleasant.

"Oh! You're that girl in the province!" Pag aagaw ng pansin ni Honey. Hindi makapaniwala sa nakikita.

Nagd-date ba sila?

Hindi naman siya gusto ni Zion...

Bumalik ako matapos mailagay lahat ng kailangan nila. Lumipat ako sa isa pang mesa nang may dumating na panibago. I kept myself busy, trying not to give a glance at the near table but I always fail to do so.

Hindi naman sila sweet tignan pero nakakapagselos ang naabutan ko kanina. Wala pa kaming matinong pag uusap ni Zion kaya hindi ko rin alam kung ano kami para sa kan'ya.

Umiwas ako ng tingin nang tumayo silang dalawa palabas ng restaurant. Sumimangot ako sa nakita at hindi na makangiti nang maayos sa bagong customer.

Bahala nga siya.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now