Kabanata 9

108 6 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Future

Napapikit ako nang tumama ang malamig na tubig sa mukha ko galing sa sinasaboy ni Father sa maraming tao bilang pagtatapos ng misa ngayong araw.

We all bowed down before heading outside the church. On my both sides were my parents. Minsan lang ito mangyari at sinusulit ko na dahil wala silang dalawang trabaho pareho at day off.

Sundays will always be a family day to me. My father works under the Montesford Construction Company. Bukod kasi sa pinapaaral ako ng pamilyang iyon ay binigyan rin ng mag asawa ang Papa ko ng magandang trabaho at pinasok doon bilang isa sa tauhan nila. Hindi lang naman kami ang tinutulungan nila. Halos lahat ng nangangailangan sa bayan namin ay nabibigyan ng pagkakataon dahil sa kanila.

Kaya naman ay malaki ang pasasalamat at respeto ng marami sa pamilyang Montesford dahil malambot ang puso nila sa mga tulad namin. They are indeed the hope for the poor. Hindi naman sa umaasa nalang kami sa kung anong ibibigay nila. Tumitingin sila sa kung gaano ka karapatdapat na mabigyan ng ganoong oportunidad. Kapag nakita nilang pursigido ka at may pangarap sa buhay ay hindi sila magdadalawang isip na tumulong.

They make sure that you are worth the chance they give. In my case, the couple saw my potential and drive to study and work hard so they never hesitate to give me a scholarship. Tulad rin ng pangako ko, hindi ko sasayangin ang pagkakataong iyon.

Masaya kaming kumakain sa isang karinderya nang umagang iyon. I can't help but smile at my parents in front of me. Nagsusubuan pa ng lugaw na parang hindi na sila matanda para roon. Itlog at ilang parte lang naman ng manok ang laman pero kung magsubuan akala mo mahirap kainin ang inorder namin.

"Nina! Ano ba naman iyan ang aga aga, ha!"

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Hindi ko pa naisusubo ang panibagong kutsara ay nakita ko ang Mama ni Maggie na nang aasar kaagad ang ngiti sa magulang ko at si Maggie mismo na nakabusangot sa likod niya.

"Oh! Mary, galing rin kayong simbahan? Bakit gan'yan ang mukha ng inaanak ko?" Natatawang puna ni mama kay Maggie.

Inusog ko ang upuan nang humalo sila sa amin. Tumawa lang ang mama ni Maggie. Lumapit ang isang babae para kunin ang order nila.

"Ayaw yatang mabawasan ang sungay niya kaya nakikipaghilaan sumama sa simbahan! Hay, naku! Buti pa itong magandang dalaga mo. Mabait na masunurin pa! Itong akin ay madalas sakit sa ulo!" Aniya na kulang nalang ay itakwil si Maggie sa sobrang konsimisyon.

Natawa ako saka sumulyap sa kaibigan na hindi na maitsura ang mukha. Sa tabi ko ito umupo at nanghahaba ang nguso. Wala siyang suot na kahit anong make up ngayon na parang tinatamad talaga ito ngayong araw ngunit marami pa rin ang napapalingon sa kan'ya.

I envy how confident and how he carry herself simply beautiful.

"Tuwang tuwa ka naman na pinupuri ka? Inuuto ka lang niyan. Ginagawa ka lang pang asar sa'kin. Tsk." Bulong bulong niya na parang bubuyog.

As if I didn't knew that already!

"H'wag mo masyadong higpitan. Alam mo naman ang kabataan ngayon, mga rebelde na. Baka matulad ang anak mo... magsisi ka rin sa huli," si Papa na hindi na napigilang magsalita.

Kaya ba sakto lang rin ang paghihigpit nila sa'kin?

"Sige ka, mama. Baka bukas wala ka ng anak kapag pinilit mo pa akong magsimba ng sobrang aga pa. Hindi ka naman mauubusan ng upan sa simbahan. Marami kayang nagd-donate doon." Maggie interfered.

"Aba't! Tinatakot mo ba ako ha, Maria Genillyn!" Buti nalang at nasa pagitan nila ako kung hindi ay baka kanina pa nagsitilapon ang mga plato at kutsara sa mesa.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now