Kabanata 2

137 4 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Bayad

"Magandang umaga, Mang Isko!" Maligayang bati ko nang pagbuksan niya ako ng gate.

Natawa siya saka ginulo ang buhok ko nang makalapit.

"Magtatanghali na, hija! Natagalan ka yata?" Aniya habang sinasara pabalik ang gate.

Inayos kong muli ang nagulong buhok.

"May ginawa lang po sa bayan. May bagong bisita po sila?" Nagtataka kong tanong. Dumami kasi ang sasakyan sa loob. Kagabi ay tatatlo lang iyon.

"Nandito ang mga pinsang lalaki ni Sir Marcus. Dito yata magbabakasyon ang mga batang iyon."

Tumabi ako nang may palabas na sasakyan. Sumaludo si manong nang tumigil ito sa harap namin. Nanlaki ang mata ko at agad bumati nang bumaba ang bintana.

"Magandang umaga, po."

"Magandang umaga po, sir!"

Magkasabay naming bati ni manong.

"Good morning," pormal na balik rin niya.

Hindi ko maiwasang mamangha sa makisig parin niyang pangangatawan kahit na ilang taon pa ang lumipas.

Normal pa ba ang ganitong mukha? Ganito ba talaga ang itsura ng mga mayayaman? Alagang alaga ang kutis at pangangatawan?

"Aalis na kami ng asawa ko. Pakibantayan nalang ang bahay, Isko. Mauna na kami." Napabalik ako sa sarili nang marinig iyon.

Aalis na sila agad? Kakarating palang nila kagabi, ah?

Hindi yata sila magbabakasyon rito.

"Copy, sir!"

"Mag iingat po kayo sa biyahe..." Mahina kong bigkas. Ngumiti siya ng magaan bago ko nakitang sumilip si ma'am sa tabi niya at kumaway sa'min.

"We'll see each other again, Belize..."

Nagtungo ako sa malaking bakuran ng mansyon para magdilig ng mga halaman at mamulot ng mga tuyong dahon na nalaglag.

Nang mapalapit sa pool ay umatras ako nang maalala ang nangyari kagabi. Kung dati ay namamangha pa ako sa tubig ngayon ay natruama na yata ako. Ayoko ng lumapit d'yan.

Humakbang ako paatras saka umiling iling sa sarili.

Lumipat ako sa kabilang dako at doon naman naglinis. Naabutan ko si Aling Beth na kapapasok lang at maraming bitbit. Namalengke yata. Iniwan ko ang hose at nilapitan siya.

"Aling Beth! Tulungan ko na po kayo!" Presenta ko saka kinuha ang isang bayong sa kan'ya.

"Hay, salamat naman!" Tumawa ako nang bumuga siya ng hangin.

Nakita ko si mama na nagtatanggal ng mga alikabok sa mga muwebles kahit na makintab naman iyon tignan at malinis.

"Marami kayong lulutuin, Aling Beth?" Ani ko habang inilalabas ang lahat ng pinamili niya.

"Oo. Mamayang tanghali ay babalik na ang mga iyon galing sa pamamasyal nila sa bayan kaya dapat makaluto na ako." Si Aling Beth.

Ah. Kaya pala tahimik ang buong mansyon.

Tumango ako bilang tugon.

Tumulong ako sa pagluluto para isaulo ang lahat ng nakikita kong ginagawa niya. Mga simpleng ulam lang ang kaya kong lutuin kaya tuwing gusto ko ulit matuto ng iba ay nasa kusina ako palagi para magmasid sa kanila. Maraming putahe ang niluto ni Aling Beth kaya naman ay humahalimuyak na ang bango sa buong kusina.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now