Kabanata 33

127 8 3
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Natatakot

"Am I going to meet Lolo and Lola?"

Nag aagahan kami nang mapuno na naman ng kuryusidad si Lascaux. Now, that he met one of Zion's family, he started asking questions.

"Hm. You will meet them next week."

Ngumuso si Las at sandaling natigil sa pagkain. He diverted his gaze at his father who got his attention already.

"What is it, son?"

Lascaux briefly glanced at me.

My forehead creased.

"Aren't you scared anymore, Mama?" May pag aalala na tanong nito na ikinatigil ko sandali.

What does he mean?

Lumipat na rin sa'kin ang mata ni Zion. Pagtataka at kalituhan ang nakapaskil sa mukha. He knotted his brows together.

"What's to be scared about?" Marahan niyang tanong sa anak namin. Hindi natatangal ang mata sa'kin.

"Mama told me before that she's scared to meet Lolo and Lola again because you were not in good terms..." Inosente niyang pagsasalita.

Nahulog ang puso ko sa pambubuska ni Las sa harap ng Papa niya. My mouth parted in surprise. Naalala niya pa iyon?

Nanuyo ang lalamunan ko sa tingin ni Zion. Hindi ako pwedeng magdeny sa harap ng bata lalo na't naaalala pa mismo nito ang mga sinabi ko.

Naalala kong nagtanong ito tungkol sa pamilya ng ama niya at dahil puno ng katanungan ang isang tulad niya tungkol kay Zion ay napunta roon ang pag uusap namin.

Tumikhim ako upang tanggalin ang bara sa lalamunan. Ngumiti ako ng maliit kay Las na malungkot ang mata.

"We're g-good, baby." Sumulyap ako kay Zion na agad iniwasan ang mata ko. His jaw ticked harshly."Papa and I are in good terms now. We can meet them together."

Hinaplos ko ang pisngi nito upang hindi na siya mag alala pa.

Are we going to pretend for our son?

Wala na ba talagang pag asa na maayos ang lahat ng gusot?

I can vouch for my son.

Masasaktan ako ng tuluyan kung magpapanggap kami sa harap ni Las. I had the slightest thought that maybe... because Lascaux happened... we can be what we used to before.

Kung may pagpapanggap man sa trato niya sa'kin simula nang magkita sila ni Las... ako ay totoo ang lahat ng pinapakita ko. Siguro nga ay para sa anak namin ang lahat ng ginagawa niya. The last time I checked, he loathes me. So, should I expect nothing from him?

The truth is, I never entertained anyone because I'm so hanged up with him. With what we had before. Nag aantay na bumalik siya sa buhay ko muli. Kasi wala pa ring nagbabago. He still have space to fit in my life. I reserved it for him. Even though everyone's trying to knock and sit on the throne.

Nauna akong tumayo nang tumunog ang doorbell ng bahay. My way to escape from the topic. Nagpatuloy naman sa pagkain ang walang muwang na si Las habang sinusundan ako ng tingin ni Zion.

I regained my posture and inhaled. Binuksan ko ang pinto. Binati ako ng nakangising pamilyar na mukha ng babae na akma pang pipindot muli sa doorbell.

Nalaglag ang ngiti nito nang ako ang makita sa likod ng pinto. Mabilis na pumasada ang mata niya sa kabuuan ko. She had an envelope in her hands. Sa kabila ay nakasabit ang mamahaling handbag.

Years must have passed but I remember every bits of her.

Honey brought her smile back. Now being sarcastic. Nakitaan ko ng gulat at halong inis ang mata niya.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora