Kabanata 4

111 4 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Don't Really Like

"Magandang umaga, Belize! Ngayon ka lang yata nagawi ulit rito, ah!"

Ngumiti ako saka kumaway kay Aling Berta, ang caretaker sa resort. Palagi kasi akong narito dati dahil nangunguha kami ni Maggie ng mga shells na naaanod sa dalampasigan na pwede pang gawing palamuti para maibenta.

Tinutulungan niya lang akong kumuha at gumawa pero hindi siya nagbebenta. Nagpapalibre lang siya tuwing marami ang nabebenta ko.

"Magandang umaga rin po, Aling Berta! Napag utusan lang ni mama kaya napunta ulit ako rito." Tumigil siya sa paminsan minsang pagpupulot ng mga dahon saka bumaling sa'kin.

"Ganoon ba?" Tumango ako."Sayang naman... may ipapagawa sana ako..."

Nakuha noon ang buong tenga ko. Hindi ko naman sinabing tatanggi ako sa grasya 'di ba? Nandito na ako kaya bakit palalampasin ko pa 'to.

"Mamaya pa po ako uuwi. Uh, ano ba 'yon Aling Berta?" Ngumisi ako.

She gave me a knowing look. Umayos ako ng tayo.

"Wala na kasing libreng magt-tour sa mga bagong dating dito... Nahuli ng dating kaya kanina pa nag aantay ang turistang iyon, oh." Tinuro niya ang nag iisang lalaki sa may cottage na kumukuha ng litrato.

Tumango ako.

"Nakakahiya naman kung mag aantay siya ng matagal. Nautusan lang rin ako. At total ay nandito ka na rin at maraming alam sa lugar na 'to..." Nagliwanag ang mukha ko nang makuha ang gusto niyang sabihin.

Mabilis akong tumango tango.

"Sige, po!" Masigla kong ani."Iiwan ko muna 'to dito, ha?" Tukoy ko sa dala kanina na wala ng laman.

Matapos kausapin si Aling Berta ay dumiretso ako sa lalaki. Sinigurado kong presentable ako sa paningin at hindi magmukhang kahina hinala ang edad.

Buti nalang at palagi akong napapadpad dito kaya alam ko ang mga pasikot sikot at mga lugar na madalas puntahan ng mga dumadayo.

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon ng lalaki. Maputi siya at mukhang mayaman. Taga Maynila ba siya? Makinis ang kutis at parang palaging babad sa aircon.

Ngumiti ako ng presentable nang lumingon ito.

"Magandang umaga! Welcome to Isla Mujeres! Ako ang magiging tour guide mo ngayong araw. I'm Aisla Belize. You can call me either the both. Ready na po kayo?" Palakaibigan kong pakilala.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo. He looks like he's on his twenties. Iyong kaedad ng sinasabi ni Maggie na nagbigay raw ng bulaklak sa'kin sa pageant.

"You got a beautiful name..." Bigla niyang utas. Ibinaba niya ang camera at inayos ang hinahangin na buhok.

"Salamat,"

"I'm Anthony. Nice to meet you, Ms tour guide." Naglabas siya ng isang ngiti kaya sinuklian ko iyon at tinanggap ang kamay niya.

"Ako rin. Tara na?"

"Sure,"

Hindi ko alam kung saan mag uumpisa kaya ang mga nadadaanan nalang namin ang ipinapakilala ko sa kan'ya. Nakikinig naman siya pero kadalasan ay hindi nahihiwalay ang atensyon niya sa camera.

"May falls rin dito. Nasa bandang dulo ng resort na 'to. Kung gusto mong tignan ay h'wag kang mahiyang magsabi."

"Wait. Do you know how to use this?" Ipinakita niya ang camera.

"Camera? Oo naman!" Cellphone lang ang alam kong gamitin... madali lang naman yata iyong nakasabit sa leeg niya.

"Great. Uh, uupo ako roon. Kunan mo 'ko. Medium shot lang..." Aniya.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now