Kabanata 12

101 5 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Alam Mo Rin Ba

"I didn't know Kuya Zion has allergies..." Boses ni Olivia ang bumasag sa katahimikan.

Bumukas muli ang pinto at iniluwa si Dreau at Chance na kalmado lang na pumasok.

"Yow! You like hanging out in the hospital now?" Dreau snickered.

Wala akong narinig na tugon mula kay Zion na ikinatungo ko lalo. Kanina pa siya walang imik at nakasandal lang sa kama at nakahalukipkip habang nakikinig sa mga pinsan niya.

"Anong pakulo 'to, Zion?" Si Chance na namulsa sa gilid niya.

"He has allergies daw, Kuya. The doctor will be here soon." Worry was very evident in her face.

Kasabay noon ay ang pagpasok nga ng doctor dala ang isang nurse na agad nagcheck sa mga aparatus sa gilid.

"Is he going to die, doc?" Umangat ang tingin ko sa bulgar na pagkakatanong ni Dreau.

Natatawang umiling ang Doctor sa kan'ya bago bumaling kay Zion na nangunot ang noo sa pinsan.

"Like I said earlier, Mr Galvez, the symptoms shows that you are sensitive to one of the chemical components of vinegar that you had consumed which causes you to have an allergy-like reactions." Pormal na ani ng Doctor.

"What do you mean, doc?"

"How come? The last time I took vinegar, I never had a reaction like this... it must be something else." Si Zion.

"You must have consumed too much at this time, Mr Galvez. It might be because you had only taken a drops. You can only tolerate small amount of vinegar the reason why you didn't experienced any side effects before. Your case was called Pseudoallergy. Though not a true allergy, a vinegar sensitivity may cause many of the same symptoms as other food allergies like you just had."

Nang maliwanagan kaming lahat kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng katawan ni Zion ay nagpasya ang mga pinsan niyang umuwi muna dahil isang gabi lang naman siya rito. Ani Dreau ay kaya na niya ang sarili niya kaya hindi na nila kailangang bumisita pa ulit.

I gave an apologetic face at his cousins, feeling guilty and sorry before they went out of the room. Marcus smiled warmly and pat my head gently. Yumuko ako sa kahihiyan.

"It's not anyone's fault. Hindi rin naman namin alam..." Ang huling sinabi niya sa'kin bago lumabas rin.

I fidgeted with my fingers when silence filled the room after. Nasa sulok lang ako ng kwarto at kanina pa nakatayo simula nang madala siya rito.

I hesitantly took a step forward, unable to look at him. Though I can feel his eyes on me. Tumungo ako. Gamit ang likod ng kamay ay pinunasan ko ang mata nang manlabo ito.

I felt terrible and at fault. Kung hindi ko siya pinakain ng lumpia ay hindi mat-trigger ang allergy niya at aabot sa ospital.

"Hindi ko sinasadya... h-hindi ko alam... kasalanan ko..." I can't construct a proper words to say even though I have a lot in mind. Naghahalo at nag uunahan ang mga salita.

I have come to realize that I was always causing trouble to him. Kaya hindi na ako magtataka isang araw kung magalit siya at hindi na ako kausapin.

"K-Kung hindi kita pinilit na kumain ng mama lumpia, h-hindi ka sana—" I was cut off when his chuckle reverberated.

"I liked your mama lumpia." He said, amused.

"Kahit na! Tumanggi ka sana kung hindi pala pwede sayo..." Huminahon ang boses ko nang medyo napalakas iyon ng una.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now