Demure Bitch 6

Magsimula sa umpisa
                                    

"Problema na namin 'yun, Ma---"

"Huwag ako, Jeimx. Hindi man kami nakasal ng Papa mo pero pinangakuan niya ako at hindi niya tinupad. Kayo pa kayang walang relasyon, baka isang araw---"

"My story is not the same as yours, Ma. Hindi ako si Papa. At wala akong Papa---"

"Eh, kung ganoon paano ka nabuo? Ikaw talagang bata ka!"

Napakamot na lang ang binata ng ulo saka pinalibot ang kamay nito sa bewang niya.

Nakita niyang napatingin doon ang ginang at napataas ang kilay.

Naiilang na umiwas siya ng tingin.

"Magpahinga na muna kami, galing pa kami ng mahabang biyahe." Paalam nito sa ina at saka inalalayan siya papunta sa ikalawang palapag.

"Saan siya matutulog kung ganoon?" Pahabol na tanong ng ginang.

"Sa silid ko, Ma."

Kumunot ang noo nito.

"At ikaw?" Tanong nito sa anak.

"Sa kwarto ko rin, Ma. Kailangan ko siyang bantayan, she's pregnant."

Akmang aangal siya kasi kaya naman niya ang sarili pero nagsalita ang ginang.

"Sigurado bang wala talaga kayong relasyon?" Seryosong tanong nito habang nakamasid sa kanila.

Nagkatinginan sila ng binata sa gulat pero siya rin ang unang umiwas ng tingin dahil sa pagkailang. Naramdaman pa niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi.

Bakit ba ilang na ilang siya sa binata?

"Wala nga, Ma. Magpahulay na 'mi." Magpanhinga na kami. Sagot nito sa ina at saka tuluyan na silang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nito.

"Anong mag..magpaluhay---haluy...puhalay?" Kandautal na tanong niya dahil hindi niua matama-tama ang sinabi.

Jeimx can't help but to chuckle on her cuteness.


"Ang cute mo." Biglang nausal ng binata.

Sabay silang natigilan at umiwas ng tingin. Lihim na pinapagalitan ni Katarina ang sarili. Kung bakit kaunting galaw o salita ni Jeimx naiilang siya.

Epekto ba 'yung ng pagbubuntis niya?









JEIMX sighed upon staring at Katarina who immediately fell asleep the time she lay on the bed. Ni hindi pa nga ito nakapagbihis at kailangan niyang bihisan ang dalaga.


Kumuha siya ng tshirt niya at bagong boxer. Lumapit siya sa kinaroroonan nito.

"Kat, bibihisan kita." Sabi niya kahit hindi siya nito naririnig dahil tulog.

Napalunok siya at dahan-dahan na tinaas ang pang-itaas na damit dito. Sinisiguro niyang hindi magising ang dalaga.

Bahagyang napaawang ang kanyang labi ng makita ang umbok sa tiyan ni Katarina. That bump proves that she's very pregnant, with his baby.

He can't help but to touch her tummy. May kung anong kumilito sa tiyan niya ng mahawakan iyon.

He can't help to chuckle in happiness. Magiging tatay na talaga siya, at magiging asawa na rin ni Katarina. Pero ang labis na ipinagtaka niya kung bakit ilang na ilang sa kanya ang dalaga? Wala naman siyang nagawa ditong ikakailang nito, 'di ba? Bukod doon gusto niyang komportable sila sa isa't-isa para naman matiwasay ang pagsasama nila.

"Anong ginagawa mo? Ngano imo mana siyang gihukasan?!" Bakit mo siya hinubaran?! Bulong na asik ng Mama niya at pinalo siya sa paypau na dala nito. Agad siyang napatayo ng tuwid at umiwas sa palo nito.

"Ma, ano ba! Magigising si Katarina." Bulong niya rito.

Sinamaan siya nito ng tingin.

"Pinalaki ba kitang ganyan, ha? Maghuhubad ng babae na tulog? Naku, naku! Kung nangangati ka na, magkamay ka muna, anak. Jusko!"

Napahilamos siya sa sinabi ng ina. Bahagya niya itong hinila kung saan malayo-layo kay Kat para hindi ito magising sa bulungan nila.

"Ma---"

"At mukhang hinawakan mo pa ang suso---"

"Ma, hindi. Gusto ko siyang bihisan dahil hindi pa siya nakapagbihis. Baka matuyuan siya ng pawis kawawa ang mag-ina ko." Paliwanag niya.

Natahimik ang ina at tinitigan siya ng mariin. Mukhang tinatantsa kung nagsisinungaling ba siya.

"Ma...I respect Kat, okay?"

"Totoo ba talagang wala kayong relasyon? Baka naman imbento niyo lang ang one night stand na 'yan."

He sighed.

"Ma, hindi ako magsisinungaling sa 'yo."

"Eh, bakit parang iba ang tinginan niyo? Parang may something! Palaging namumula si Katarina tuwing kausap ka at ikaw, halos hindi mahiwalay ang tingin sa kanya." Giit pa rin nito.

Agad siyang natigilan sa sinabi ng ina.

"She's blushing?"
Alam niyang naiilang sa kanya ang dalaga pero hindi niya alam na namumula rin ito.

Tumikwas ang kilay ng ina.

"Sa lahat ng sinabi ko 'yun lang nag napansin mo?" Ngumisi ito at napailing.

Umamba na itong aalis pero lumingon muna ito sa kanya bago nilisan ang kanyang silid.

"Ngayon, kampante na akong magpapakasal kayo."

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon