Kabanata 24- Si Anagolay

1K 107 12
                                    

Tala

Maghapon kaming hindi lumabas ng silid ni Soliman. Ano man ang hindi ko masabi ay alam kong nararamdaman niya.

Nakahiga kami sa kanyang— sa aming higaan. Hindi pa panahon upang magkasupling kami ngunit hindi na ako natatakot isipin ang hinaharap.

"Tala—" tawag ni Soliman sa akin.

"Patawad, Soliman."

"Sasama ako—"

Tumango ako. Natgil naman si Soliman sa banayad na pagsusuklay ng kanyang mga daliri sa akin buhok.

"Nais mo bang pag-usapan ang nangyari? Bakit kita naabutan na walang malay at—"

"Nais kong isuko ang pagiging engkanto upang masaman kita sa inyong pakikipagsapalarang hanapin ang iyong ama. Hindi ko kaya mawalay sa iyo, Mahal ko. Hindi ko alam na kayang gawin iyon ng mga libro ngunit hindi naman nila nakuha ang kapangyarihan ko. Para kong dinaya ang sarili ko. Engkanto ako na hindi gaya ng pagiging diyos na kayang isuko."

Namuo ang luha sa akin mga mata at pagkakataong ito ay hinayaan ko iyon.

"Huwag kang umiyak," bulong ni Soliman sa akin at hinagkan ang aking sentido.

"Hindi ako nababagay sa pag-ibig mo ngunit nagpapasalamat ako at hindi ka sumusuko sa akin."

"Iyan yata ang hindi ko magagawa. Nakaukit ka sa puso ko, Tala."

Kinabukasan ay tahimik ang mga kasama namin nang dumalo kami sa tanghalian. Nakakapagtaka iyo dahil hindi naman natatahimik si Jelie.

"Sige na, sumbatan na ninyo ako," wika ko na ikinatawa nila. Maging ang dalawa kong kapatid ay ubod lakas na natawa.

"Naluhod na ba ang mga tala?" tanong ni Jake na hindi ko alam kung ikinapula ko sa hiya.

Mas lalo silang natawa.

Inalis ko ang bara sa lalamunan ko bago ko iniba ang usapan.

"Kailangan na nating hanapin si Ama."

"Ano ang plano?" tanong ni Bunao.

"Kailangan nating mahanap si Malakas gaya ng nasabi ko noon upang malaman natin kung ano ang huling nangyari sa kanila. Siya ang huling napabalitang kasama ni Ama noon."

"Gaya ng balita ay nasa Kanlaon si Malakas at nakakulong. Mabubuksan ng taga-bantay ang kandado ngunit kailangan natin ng kasama upang maiangat ang pintuan ng kulungan. Isang nilalang na kasing lakas niya," dagdag ni Soliman sa paliwanag ko.

"Oww... so 'yong anak nga?" sabat ni Jelie.

"Ang bright na ng friend mo, Bunao," biro ni Jake.

"Kailangan nating mahanap ang anak ni Malakas at Maganda," wika ko.

"Saan natin siya hahanapin?" tanong ni Carol.

Walang kumibo ni isa sa amin. Iyon ang malaking tanong, nasaan ang anak ni Malakas at Maganda?

"Si Aunt Golay ba, hindi knows kung nasaan?" tanong ni Jelie.

"Anagolay," pagtatama ni Amihan.

"Bisitahin natin si Anagolay bukas bago sumikat ang araw," saad ko na ikinatango ng lahat.

"Set na pala. Pwede na tayong kumain?" tanong ni Jake.

Tahimik akong kumain at nakikinig sa masayang kwentuhan ng iilan. Si Soliman ay nagpaalam sa akin na magbibilin sa mga tauhan habang wala kami.

Hindi ko alam ang gagawin kung kaya minarapat kong kausapin ang dalawa kong kapatid.

"Ayos ka na ba, Tala?" tanong ni Hanan sa akin.

Nasa hardin kami at nakaupo sa ilalim ng puno ng acacia.

"Hindi ko alam ang isasagot sa tanong na iyan. Ang daming nangyari sa maikling panahon."

"Gaya ng pag-iisang dibdib mo kay Soliman?" may tanong na wika ni Mayari.

"Matagal na panahon na pala akong kasal," paliwanag ko. Sinabi ko sa kanila ang paliwanag ng tatlong bruhang aklat.

"Sayang ang panahon na nagdaan," saad ni Hanan pagkatapos kong magkwento.

Sumang-ayon naman si Mayari sa kanya.

"Pagkatapos ng lahat ng ito, nais kong manuhay ng payapa." Si Hanan ay nakatingin sa malayo.

"Umuulit ang buhay ng tao," pahayag ko. Tumango si Hanan.

"Gaya ng pangako ko, magkikita kaming muli," sagot ni Hanan. "Magkakaroon ako ng pag-ibig na gaya ng sa iyo, Tala."

"Ipapanalangin ko 'yan kay Ama," sagot ko.

Kinabukasan, hindi pa man tumutungtong ng alas tres ng madaling araw ay nakagayak na ang lahat. Ang mag-asawang Jelie at Sidapa ay suot ang kanilang balabal na wari mo ay susunduin na si Anagolay.

"Hindi kaya matakot naman si Anagolay niyan?" may pang-uuyam na tanong ni Bunao sa mag-asawa.

"Maginaw kasi," paliwanag ni Jelie.

"Hindi ka kasi naligo," biro ni Jake dito.

'Sino ba kasi ang may sabing alas tress tayo magkita-kita? Nahiya pa kayo, bakit hindi na lang kagabi?"

Natatawa ang ilan kay Jelie na hindi pala nais gumising ng umaga.

"Tara na at nang matapos na ito," yaya ni Sidapa na mukhang naiinip na.

"Wala bang kape muna?" tanong ni Zandro.

"Kay Auntie na tayo maki-inom ng kape," sagot ni Carol.

"Tara na," wika muli ni Sidapa at nagsimulang lumitaw ang isang lagusan sa harapan namin ngunit maging si Sidapa ay napahinto sa pahakbang sa lagusan. Sa kabilang dako ay isang magulong silid-aklatan ang nakikita namin.

"Si Anagolay—" wika ni Bunao at siyang naunang humakbang sa lagusan papunta sa tahanan ni Anagolay. 

The Book of GoddessWhere stories live. Discover now