Kabanata 13- AGAHAN

1.1K 124 67
                                    

Soliman

"Mauuna na akong umalis." Mataas na ang sikat ng araw at makakahalata ang nasa palasyo na nawawala ako. "Maari bang ipagkatiwala ko sa inyo ang mga aklat?"

Maari mo bang itago, Tala?

Napabuntong hininga si Tala na ikinalingon ng kanyang mga kapatid.

"Akin na," wika niya at inilahad ang mga kamay.

Maingat na inabot ni Carol ang isang librong hawak nito at ako naman ay ibinigay kay Tala ang nasa akin.

"Marahil ay kailangan mo ng lagusan?" pahiwatig ni Sidapa.

Tumango ako sa kanya. "Maraming salamat sa inyong tulong."

Kailan tayo pupunta ng gubat? Narinig kong tanong ni Tala sa aking isipan.

Hindi ko siya sinagot. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tumalim ang kanyang mga mata. Nagpigil ako ng ngiti at baka makahalata na ang mga kasama namin.

"Hihilingin kong itago ninyo ang inyong mga nalaman," paalala ko sa kanila.

"Makakaasa ka," sagot ni Bunao. Tumango ang iba bilang pagsang-ayon.

Isang lagusan ang lumitaw sa aking harapan. Tinanguan ako ni Sidapa na pumasok na.

Tumingin muna ako kay Tala at nag-iwan ng isang ngiti.

"Luh... bakit kinikilig ako for them?" narinig ko pang wika ni Jelie bago ako tuluyang pumasok sa lagusan.

Sa aking silid ako lumabas mula sa lagusan.

Pagkasarado ng lagusan ay biglang bumukas ang aking pintuan at nagulat pa si Faustino nang makita akong nakatayo sa gitna ng aking silid at nakabihis.

"Hindi ka marunong kumatok?" may inis na tanong ko.

"Akala ko ay tulog ka pa," sagot niya.

"Marami akong trabaho—"

"Nariyan si Dalisay at nais kang makita."

"Marami akong trabaho," giit ko.

"Kung maari raw ay makasalo ka niya sa agahan. May iminumungkai siya na sa tingin ko ay nararapat mong pakinggan."

Bigla ay umakyat ang galit sa ulo ko at isang matalim na kulog at kidlat ang nakita at narinig ng buong Biringan.


Ano na naman? Maaraw na kanina a! Narinig kong tanong ni Tala sa isip ko.

Wala naman, may sinasabi lamang si Faustino sa akin.

Na ikinagalit mo?

Maari mo ba akong samahan sa agahan?


"Soliman?" putol ni Faustino sap ag-uusap namin ni Tala sa isip.


Nagkakape muli kami, sagot ni Tala.

Narito si Dalisay at—

Isasama ko si Jelie, mabilis na sagot ni Tala.

Maari bang pakibilisan?


Hindi na muling kumibo si Tala. Napabuntong hininga ako.

"Marami akong gagawin, Faustino. Kung nais mo ay ikaw ang making kay Dalisay at mukhang naipaliwanag na sa iyo ang nais niyang sabihin.

The Book of GoddessWhere stories live. Discover now