Kabanata 10- ANG TUNAY NA KULAY

1K 103 9
                                    

Tala

"Saan ka galing?"

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin kay Faustino. Maging ang mga kapatid ko ay natigil sa pagsasalang ng takuri sa sig ana ginawa nila sa gitna ng mga kubo namin. Napatingin si Bunao, Jake, Sidapa at Zandro kay Faustino.

"Kasintahan ba kita para magpaalam pa ako sa'yo?" masungit na tanong ko na unang-unang tumawa si Jelie.

"Nasaan si Soliman?"

"Aba'y malay ko. Nakikita mo ba kaming nag-uusap?" Humalukipkip ako at sinalubong ang tingin ni Faustino.

"Binabalaan kita—"

Umikot ang mga mata ko at umalis habang nagsasalita si Faustino na ikinagalit nito. Agad itong sumugod ngunit nasangga ko ang espada niya ng sibat ng liwanag. Napasinghap si Mayari at Hanan at agad na tinutukan ng palaso si Faustino.

"Huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap ka," wika ni Faustino sa nagngangalit na mga bagang.

"Hindi ikaw ang pinuno para sundin ko."

"Isusumbong kita kay Soliman," sigaw ni Jelie. Parang natauhan si Faustino at biglang humakbang palayo sa akin. Inilagay ang espada sa lalagyan at saka yumuko.

"Paumanhin—"

"Napapadalas ang paghingi mo ng paumanhin. Lumalabas na ba ang tunay na kulay?" patuyang tanong ko. sInismiran ko si Faustino at naglakad papunta sa aming kubo na magkakapatid.

"Umalis ka na rito Faustino. Hindi namin magiging kargo kung ano ang gagawin sa iyo ni Tala sa susunod," narinig kong wika ni Bunao sa labas.

Napahinga ako ng maluwag nang maisarado ko na ang pintuan. Napasandal ako roon at kinalma ang sarili. Kailangan maging maingat kami kay Faustino.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahinang katok.

"Tala," tawag ni Mayari.

Isang hinga pa ng malalim ang aking ginawa at pinagbuksan ko si Mayari ng pintuan. Hindi lamang pala si Mayari ang naroon kung hindi sila Hanan, Carol, Anya, Amihan at Jelie.

"Pasok kayo. Umalis na ba ang ulupong?"

"Pinaalis n ani Bunao. Ano ang nangyari bakit gano'n si Faustino?" tanong ni Mayari. Sinenyasan ko sila na pumasok sa kubo. Hinintay ko silang maupo bago ako nagsalita.

"Kailangan ni Soliman ng tulong," mahinang wika ko sa kanila. Namilog ang mat ani Jelie.

"Bati na kayo?" ang una nitong tanong.

"Umayos ka nga. Iyon talaga ang una mong naisip na itanong?" naiinis na tanong ko dito.

"Ay sorry naman. Naki-chismis lang. Go girl, ano ang kailangan niya?" Umayos ng upo si Jelie at naging seryoso ang mukha.

Hay Ama, kapag ikaw ay hindi pa namin natagpuan sa lalong madaling panahon ay baka isa na akong baliw sa muli nating pagkikita dahil sa kabiyak ni Sidapa.

"Nais kong kumalma kayo at kayo na ang magpaliwanag sa inyong kabiyak mamaya. Ito ay isang lihim na hindi dapat malaman nino man lalo na si Faustino. Maliwanag?"

Tumango si Anya, Caroline at Jelie. Pinakatitigan ko si Jelie at itinaas nito ang kanang kamay bilang panunumpa.

"Ganito... bukas bago magbukang liwayway, kailangan nating magtungo sa silid-aklatan. Hindi tayo dadaan sa palasyo, kailangan natin ng lagusan patungo roon. Nakabantay sa atin si Faustino sa pakiwari ko."

Tumango muli ang mga kasama ko at taimtim na nakinig.

"Kailangang sunduin ni Sidapa ang lahat at dalin sa silid-aklatan upang hindi tayo makitang patungo roon." Tiningnan ko si Jelie at muli siyang tumango.

"Pati si Soliman," dagdag ko na ikinasinghap ni Jelie.

"Ay sorry. Continue," wika nito.

Natatawang nagtakip ng mukha si Anya at Carol.

"Nais ni Soliman na makausap muli ang tatlong libro. Iyon muna ang kailangan ninyong malaman."

"Tungkol ba ito sa propesiya?" tanong ni Carol. Napatingin kami sa kanya. "Sinabi sa akin ng libro ngunit hindi ko na binanggit lahat ng sinabi nila."

Napahinga ako ng malalim at tumango kay Carol.

"Hindi niya alam kung sino ang pagkakatiwalaan niya sa palasyo kaya humihingi siya ng tulong sa atin."

"Nauunawaan namin, Tala," wika ni Hanan.

"May naisip ako," simula ni Jelie na ikinatawa agad ni Carol at Amihan. "Teka, hear me out."

"Ano 'yon?" naiinis na tanong ko. Kalokohan na naman itong itatanong nito.

"'Di ba ang sabi ng tatlong libro, 'Uusbong muli ang mga puno at halaman at babalik ang mga namatay na hayop na nababasa na lamang sa alamat.'?"

"Oo, iyon nga ang sinabi nila," sagot ni Carol.

"Babalik ang namatay na hayop na nababasa na lamang sa alamat," pag-uulit si Jelie sabay tingin kay Anya.

Napatingin din kami kay Anya.

"Nababasa ka sa alamat, Anya. Ikaw ang Adarna," pagdidiin ni Jelie.

"Kung magbubuklod ang tatlong kaharian ng Biringan," mahinang wika ni Carol.

"Maaring maibalik ni Soliman ang Adarna?" patanong na wika ni Amihan.

Natahimik kaming lahat at napaisip. Malaking palaisipan ang iniwan ng tanong ni Jelie.

"Saka na natin pala isipin. Mahirap isipin ang sagot," natatawang wika ni Jelie.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Muli ay pinapaalala ko, ang napag-usapan natin ay ilihim ninyo lamang."

"Okay," sagot ni Jelie at Carol.

Tumango si Amihan at Anya bilang sagot.

Isa-isang lumabas ng kubo sila Jelie, Carol, Amihan at Anya. Naiwan si Mayari at Hanan upang makausap ko.

"Ano pa ang napag-usapan ninyo ni Soliman?" mahinang tanong ni Hanan.

"Na siya marahil ang pakay ni Sitan noon sa Tarangkahan."

"Maari," sang-ayon ni Mayari. "Hindi ako nagtataka kung ikinulong siya ni Carolina noon."

"Alam ni Carolina na siya ang tinutukoy sa propesiya ng Biringan. Hindi niya marahil mapatay si Soliman kahit tinangka niya." Ang pilat sa mukha ni Soliman ay patunay na may nangyari sa kanya sa loob ng bilangguan.

"May gumagabay kay Soliman?" ani ni Hanan.

"Marahil ay mayroon nga. Ang tinig na kanyang naririnig siguro."

"Ano man ang kakaharapin niya, hindi niya kakayanin ang mag-isa," saad ni Mayari.

"Kaya nga narito tayo," makahulugang sagot ko na ikinangiti ng dalawa kong kapatid.

"Masaya ako at nakinig ka na sa paliwanag niya," ani ni Hanan.

"Pero hindi ibig sabihin ay magbabati kami," sagot ko na ikinalukot ng mukha nilang dalawa. Nais kong tumawa ngunit pinanindigan ko ang katigasan ng ulo ko. Sabagay, ito yata ang nagustuhan ni Soliman sa akin. 

The Book of GoddessWhere stories live. Discover now