Kabanata 19- Hari at Reyna ng Biringan

1.3K 134 21
                                    

Soliman

Tatlo laban sa dalawa. Sa bagay, duwag nga pala si Gener. Bibigyan ko ito ng tatlumpung minuto— hindi mali, labin limang minuto bago ito tumakbo palayo sa laban.

Sinalubong ko si Kudlapi— ang pinuno ng itim na engkanto sa gitna ng lupain ng mga hari. Tinawag ko ang kapangyarihan ng lupa at napasunod ang mga ugat na mistulang patalim na kusang sinusundan ang bayat tapakan niya.

"Bumabagal ka yata," tuya ko nang hindi siya makalapit sa akin ngunit ako ay nakakabitaw ng mga sibat mula sa mga ugat ng puno galing sa lupa.

Si Tala ay hinarap si Faustino. Nag-aalala ako sa aking kabiyak at hindi maalis sa akin na tingnan siya mula sa gilid ng aking mga mata.

Gamit niya ang sandata ng liwanag ng kanyang mga kapatid. Hindi gaya ng engkanto na hindi na kailangan ng pagsamba para magkaroon ng kapangyarihan, si Tala ay diyosa na nangangailangan ng papuri upang lumakas sa laban. At sa panahong ito na hindi na sila sinasamba, hanggang saan ang itatagal sa pakikipaglaban ng mahal ko?

Tala, tawag ko sa kayan.

May ginagawa ako, masungit na sagot niya.

"Saan galing—"

"Ang aking kapangyarihan?" putol ko sa sasabihin ni Kudlapi. "Ako ang hari ng tatlong kaharian," wika ko. Isang matalim na kidlat ang namutawi sa kalangitan. Napasigaw pa nga ang taga-bantay ng tarangka at nagtutungayaw.

"Ang lapit ng kidlat, hayop." Hindi nagugustuhan ni Kudlapi ang tinig ni Jelie. Napapatingin ito ng matalim kapag nagsasalita ang apo niya.

"Jelie," sigaw ko. "Umawit ka lang."

Napatingin sa akin ng masama si Kudlapi at nagtangkang sumugod ngunit lumitaw ang mga mineral ng lupa at naging panangga ko.

"Anong kanta?" sigaw na pabalik ni Jelie.

Napalingon ako kay Tala na nanggigigil kay Fauntino. May kaunti siyang sugat sa braso at ang kinang ng kanyang mga sandata ay nababawasa.

Kailangan ni Tala ng tulong.

Kailangan niya ng may sumasamba sa kanya.

"Tala," malakas na sagot ko.

"Ni Sarah G?" tanong pa nito.

Malay ko kung sino ang umawit no'n.

"Ay sige, bet," narinig kong sagot ni Jelie. "Anya, sabayan mo ako. Patulugin mo sila."

Napangisi ako... ito ang laban na gusto ninyo, ito ang makukuha ninyo.

Tila ako'y nakalutang na sa langit

Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti

At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

At kung umabot tayo hanggang dulo

"Manahimik," sigaw ni Kudlapi.

"Who you?" sigaw pabalik ni Jelie bago nagpatuloy sa pag-awit. Natatawa akong nakatingin kay Kudlapi habang nawawala sa konsentrasyon sa pakikipaglaban.

Tala, tala, tala

Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala

Ang mga sandata ni Tala ay muling kuminang. Napatingin siya sa akin ng kandali, sapat upang matapunan ko siya ng isang kindat. Umikot ang mga mata niya at tumingin sa gawi nila Jelie na umaawit at sumasayaw sa gilid. Napangiti ng kaunti si Tala at sumugod kay Faustino. Isa talaga siyang mandirigma na tinuruan ng kanyang ama.

"Anya, umawit ka," wika ni Jelie.

At ang Adarna ay umawit nga kasabay ng taga-bantay ng tarangka at ang taga-bantay ng libro ng Ada.

Napaluhod si Gener sa dulo ng lupain nang marinig ang awit ng Adarna. Maging ang mga kawal nila ay napaluhod rin. Napatakip sila ng tainga at nagsimulang umagos ang dugo mula rito.

"Mandaraya!" sigaw ni Kudlapi.

Sa bawat kumpas ng aking kamay ay sumusunod ang mga bakal na mineral sa ilalim ng lupa. Nagiging patalim ito ano man ang aking naisin. Nakakabato pa ako ng mga sibat kay Faustino kung minsan.

Walang hangganan ang aking kapangyarihan dito sa Biringa. Hangga't nakatapak ang mga paa ko sa lupa, maabot ko ang kalikasan at magagamit ano man ang aking naisin. Ito ang kapangyarihan na kinatatakutan ko noon ngunit ngayon ay kailangan ko ng gamitin. Kailangan ako ng Biringan.

"Soliman, pahingi ng espada," wika ni Tala sa akin.

Sa kanyang harapan ay lumitaw ang isang espada. Napangisi siya kay Faustino.

"Mukhang masasanay akong may sa paglitaw-litaw ng mga sandata na nais ko." May tuwang wika ni Tala.

"Sabihin mo lang ako."

Samantala, si Kudlapi ay unti-unti ng nauupos dahil sa mga sugat na hindi niya mapigilang umagos ang mga dugo. Si Gener ay parang multo na tinakasan ng dugo sa mukha sa pinakadulo ng lupain. Malapit na itong umatras sa laban at sa oras na tumapak siya sa labas ng lupain ng mga hari, si Sidapa ang makakaharap niya.

Patuloy ang paglabas ng mga patalim sa tinatapakang lupa ni Kudlapi hanggang sa hindi na niya naiwasan ang isang malaki at matalim na bundok na bakal na sumulpot sa kanyang harapan. Tinamaan si Kudlapi sa tiyan. Natusok siya ng tumataas na bundok ng bakal hanggang sa pawian siya ng buhay ay maghiwayan ang katawan sa dalawa.

Si Fauntino ay nakaluhod na sa harapan ni Tala at ang espada na nakatali sa latigo ng liwanag ay nakasaksak sa kanyang puso.

Tanging si Gener ang naiwan na buhay.

Unti-unti kong inutusan ang lupa na pumatag upang magkaharap kaming tatlo nila Gener.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Tala.

"Ayos lang," sagot niya.

Nagsimulang lumakad si Tala patungo sa kinaluluhuran ni Gener.

"Napag-utusan lang ako," mabilis na wika nito.

Hinila ni Tala ang latigo na hawak at lumipad ang espada na nasa dulo nito na nakasaksak sa dibdib ni Faustino patungo kay Gener.

Nagtatakbo si Gener palabas ng lupain ng mga hari, patungo sa kanilang kawal na ang ilan ay naging bato na, at ang karamihan ay nakaluhod o nakadapa at nagdudugo ang tainga.

Itim na usok ang pumaligid sa sandatahan ng mga itim na engkanto. Sa usok na iyon maririnig ang sigaw ng pagmamakaawa ni Gener.

Napalingon ako kay Sidapa na nababalutan ng kanyang itim na enerhiya. Si Jelie ay tahimik na nakatingin sa harapan kung saan sumisigaw ng pagmamakaawa ang kanyang ama.

Sa pagkawala ng itim na usok ay lumitaw ang mga naiwan na itim na engkanto. Nakaluhod sila sa aking harapan at nagbibigay galang. Sa 'di kalayuan sa amin ay naroon ang kalansay ni Gener na hindi pinalad.

"Tapos na," bulong ni Tala sa akin.

"Ano ngayon ang gagawin ko?" bulong ko sa kanya habang tinatanaw ang mga kawal na itim.

"Maging hari ng Biringan," wika niya.

Lumayo si Tala sa akin at tumalikod. Naglakad sila patungo sa kanyang mga kapatid at kaibigan.

"Tala," tawag ko sa kanya. "May kailangan pa tayong pag-usapan na dalawa."

"Ipagpaliban mo at pagoda ko. Hanggang sa muli, Soliman."

Ipagpaliban na naman.

Isang kidlat ang namutawi sa langit at napatingin si Tala sa akin.

"Galit ka niyan?" nakataas ang isang kilay na tanog niya.

"Mag-uusap tayo, aking reyna," wika ko ng mahina upang siya lamang ang makarinig.

Nanlaki ang mata ni Tala nang rumehistro sa kanya ang aking sinabi. Napatingin siya sa mga kawal na ngayon ay nagbibigay galang na rin sa kanya. 

The Book of GoddessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt