Kabanata 2- PAGSASANAY

1.1K 114 9
                                    

Tala

"Grabe, ang sakit ng ulo ko." Panay reklamo si Jelie buhat ng bumangon ito. Kung bakit ba naman kasi ininom ang alak na akala mo tubig lang ang iniinom kahapon.

"Magsasanay tayo," wika ko na ikinatingin niya sa akin.

"'Di ba pwedeng bukas na lang?" tanong nito.

"Bisita ka ba dito?" balik na tanong ko. Hinawakan ako ni Hanan sa hita upang pigilang magsalita.

"Tala—" babala ni Sidapa.

"Ano? Gagawin ninyong bata si Jelie at ayaw magalusan? Matanda na iyan, dapat alam na niya ang ginagawa niya."

"Magkape ka muna." Binabaan ako ng isang tasa ng kape ni Mayari at pinanlakihan ng mata. Tumayo ako at iniwan sila sa kubo kung saan kami nagtitipon para kumain.

Nakakapikon...

'Tala," tawag ni Soliman sa akin nang makasalubong niya ako sa daan.

"Isa ka pa!" bulyaw ko dito. Nawala ang ngiti sa mukha ni Soliman.

Napataas ang isang kilay ni Faustino dahil sa pananalita ko. Napabunting hininga ako at itinuro ang kubo.

"Nandoon sila. Ginagawang sanggol ang taga-lupa."

Mabilis akong lumakad palayo kay Soliman.

Bakit ba kasi ako pumayag na magtungo rito? Hindi tama.

"Ano ang problema mo?" tanong ni Soliman. Sinunda pala niya ako.

"Puntahan mo na sila."

"Naroon si Faustino upang sunduin sila. Ano ang ikinagagalit mo sa ganitong kaagang oras?"

Napahinto ako at huminga ng malalim.

"Aalis na ako," wika ko. Sa isang iglap ay nasa harapan ko si Soliman na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Hindi iyan ang kasunduan."

"Ano ang kailangan mo sa akin? Hindi ako ang kailangan mong sanayin."

Hindi kumibo si Soliman. Napangiti ako ng mapakla. "Asa pa akong magsasalita ka. May mga bagay na hindi nagbabago, ano?"

Nilagpasan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi mo ba kayang isang-tabi ang alitan nating dalawa?" Sinundan muli ako ni Soliman sa paglalakad.

"Alitan? Iyon ba ang tawag mo sa nangyari?" sarkastiko kong tanong.

"Tala, mahigit apat na daang taon na—"

"At wala akong narinig na paliwanag sa mahabang panahon na iyon."

"May magagawa ba kung magpapaliwanag ako? May magbabago ba?"

Muli akong huminto sa paglalakad. Ngayon ay lumingon ako kay Soliman na abo't langit ang poot na makikita sa aking mga mata.

"Wala ngunit marahil ay mauunawaan mo kung bakit ako namumuhi sa'yo." Hindi ko nilagyan ang harang ang galit sa aking mukha. Nakatitig si Soliman sa akin at kitang-kita niya ang galit na dinala ko sa mahabang panahon.

"Isa kang duwag, Soliman."

Tuluyan akong nagpatuloy sa paglalakad ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi ako sinundan ni Soliman.

Naabutan ako ng buong grupo na nagsasanay sa pana. Ginawa kong punterya ang isang larawan ni Soliman at hindi iyon nagustuhan ni Faustino. Lahat ng palaso ay nasa mukha ni Soliman.

"Kalaki ng galit kay Soliman," narinig ko pang wika ni Carol.

"Isang kalapastanganan ang iyong ginagawa," wika ni Faustino.

"Wala akong nabasang batas para dito."

Biglang may espada na dumaan sa mukha ko ngunit nasangga iyon ng espada na hawak ni Soliman.

"Ibaba mo 'yang espada mo," sigaw niya at biglang kumulog at kumidlat na ikinatalon nila Jelie, Carol at Adarna.

"Isang lapastangan—"

Biglang kumidlat muli at ngayon ay mas malapit sa amin ang yanig ng lupa dahil sa kulog.

Nagyuko ng ulo si Faustino sa akin. "Patawad," wika niya sa nagngangalit na mga bagang.

"Kaloka, biglang kumidlat," ani ni Jelie.

"Nakakabit sa mood ng pinuno ang weather nila dito," paliwanag ni Carol kay Jelie.

"Ay!" saad ni Jelie.

Huminga ng malalim si Soliman upang kalamhin ang sarili.

"Hindi sila kaaway," wika nito kay Faustino na may pagbabanta. "Ilang beses kong kailangang sabihin."

"Patawad muli."

Ang sinasabi ni Faustino ay hindi tugma sa kanyang mukha. Mukhang nais niya akong patayin ano mang oras na mapapag-isa ako.

Gamit ang aking sinag ay humulma ako ng espada.

"Woaah," wika ni Jelie.

Sinenyasan ko si Faustino na pumagitna sa patag na lugar na nakakita na ng maraming pagsasanay. Ngumiti ito at itinaas ang espada.

"Faustino," babala ni Soliman dito.

"Magsasanay lamang kami," ani ko.

Kung ako ang pinuno ng biringin ay marahil na umuulan ng kudlat ngayon sag alit na nararamdaman ko. Gusto kong sumabog sa galit dahil sa isang iglap, nagbabalik ang lahat ng sakit.

Nanlilisik ang mga mata ni Faustino na sumugod ngunit dahil sa kalakihan nito at katangkaran ay mabagal siyang gumalaw. Umikot ako upang mailagan ang espada niya. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang matamaan ko siya. Natanggal ang kapa ni Faustino at napunit ang tatak ng pagkakakilanlan nito.

"Tama na 'yan," sigaw muli ni Soliman at sa pagkakataon na ito, ang kidlat ay pumagitna sa amin ni Faustino at gumalaw ang lupa.

"Faustino, inuutusan kita bilang iyon pinuno ngunit nais mo akong suwayin?"

Napayuko si Faustino kay Soliman.

"Patawad," wika nito.

"At ikaw Tala... isa kang panauhin dito."

Ngumiti ako ng bahagya. "Ipatapon mo ako palabas ng Biringan," naghahamong wika ko na ikinatawa ng bahagya ni Hanan at Mayari.

Isang malakas na kidlat muli ang lumitaw at tumama iyon sa puno na malapit sa akin. Napakurap si Soliman at tiningan ang puno na nagliliyab sa tabi ko.

Napabuntong hininga siya at sinenyasan si Faustino. Sumunod sa kanya ang tauhan niya na umalis. Doon biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Huwag mong sabihing tumatangis ang kalooban niya?

The Book of GoddessWhere stories live. Discover now