Kabanata 21- ANG PAGHAHANDA

1.2K 119 22
                                    

Soliman

Sumama ang mga kaibigan ni Tala sa pagpunta namin sa lupain ng itim na engkanto. Si Jelie ay tahimik lamang sa tabi ni Sidapa habang tinitingnan ang buong palasyo rito.

Madilim ang paligid sa lupaing ito at wari mo'y ang lupa ay namamatay na at nalalason.

"Jelie," tawag ko sa taga-bantay. Hindi ako sanay na tahimik ito. "Nais mo bang maglibot sa iyong tahanan?"

"Ang aking tahanan ay kung saan naroon si Dodong." Napabuntong hininga siya. Halos nag-aalala sa kanya ang lahat nang maging tahimik ito mula noong nalaman niya ang kanyang pinagmulan.

"Hindi ko maintindihan kung ano talaga ako," ani niya.

"Isang kang taga-bantay ng tarangka," wika ni Sidapa.

"Pero sabi ninyo, mangkukulam ako," katwiran ni Jelie.

"Mahalaga pa ba iyon?" tanong ni Bunao sa kanya. "Piliin mo kung ano ang gusto mong itawag sa iyo."

"Pwedeng Kristine Hermosa?" tanong ni Jelie. Doon kami natawa sa kanya. Ayos lamang siya.

"May kapatid pa ba ako sa ama?" tanong ni Jelie sa akin. Si Tala ay tahimik na nasa aking tabi maliban sa ilang ngiti na binibigay sa tuwing nagkakabiruan.

"Wala na," sagot ko.

Napabuntong hininga si Jelie. "Hindi ko alam kung matutuwa ako sa katotohanan na iyon dahil wala ng masamang dugo ang naiiwan o malulungkot dahil wala na akong kamag-anak."

"Gusto mo sa iyo na lang ang mga kapatid ko?" tanong ni Jake kau Jelie.

"Patay na mga kapatid mo. Gusto kong maging kapatid sila Tala."

"Choosy ka pa," biro ni Jake dito.

Nanatili kami ng isang gabi sa palasyo ng itim na mga engkanto bago kami bumalik sa aking tahanan. Sa pagbalik namin ay nagtipon ang mga taga-lupa sa silid-aklatan.

"Saan na tayo ngayon nito?" tanong ni Mayari kay Tala.

"Kailangan na nating mahanap si Ama," wika ni Tala.

"Nararamdaman kong walang direktang daan patungo kay Ama," ani ni Hanan.

"Di ba ang sabi ninyo ay si Malakas ang huling nakakita kay Bathala?" wika ni Jake.

"Mayroon bang nagsabi niyon? Nakalimutan ko na," sagot ni Carol.

"Pero 'di ba ang sabi ay nasa Kanlaon si Malakas? Bakit hindi tayo pumunta doon?" muling tanong ni Jake.

"May bantay na naga ang kulungan ni Malakas." Napatingin sila sa akin.

"Teka nga, ang Naga ay nasa Bicol pero ang Kanlaon ay nasa Negros," wika ni Jelie. "Ano ba talaga, besh?"

"Oy, may nakikinig sa Sibika at Kultura," biro ni Jake kay Jelie.

"Mahilig ako sa history, pero parang nahihilig ako sa anatomy these days," sagot ni Jelie na ikinatawa na naman ng mga taga-lupa. Si Sidapa ay napapailing na lang sa asawa na bumalik na ang sigla.

"Ang naga ay isang fire breathing dragon," paliwanang ni Hanan.

Napanganga na ang karamihan sa kanila.

"Dragon? As in dragon? Dragon?" pag-uulit ni Jelie.

"Oo Jelie, dragon," nayayamot na sagot ni Tala.

"Hindi pala ninyo alam kung ano ang naga," napapailing na wika ko.

"So, paano na?" tanong ni Carol.

"Kailangan nating mapalaya si Malakas pero si Jelie lang ang makakapagbukas ng kulungan niya," paliwanag ko sa kanila.

"Hindi ba pwedeng mag-portal na lang tayo papasok sa Kanlaon—"

"At masunog tayo ng nagbabagang magma?" ani ni Amihan. "Buhay ang Kanlaon. Active 'yon."

"Hanapin natin ang anak ni Malakas at Maganda." Napatango ako sa mungkahi ni Tala. "Iyon ang pinapahiwatig ng tatlong libro sa atin."

"So nasaan siya?" naguguluhang tanong ni Jelie.

"Baka nasa libro ang sagot," ani ni Carol. "Nandito na rin tayo, hanapin na natin sa mga libro ang sagot."

"May isang suliranin lamang," pigil ko sa kanila. Muli ay napatingin sila sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. "Hindi ako maaring pumunta ng Kanlaon."

"Okay lang, kami na lang," sagot ni Jake.

Umiling ako at tumingin kay Tala.

"Ohhh," wika nilang lahat.

"Magpaiwan ka," saad ni Tala na hindi papatinag.

"At hayaan kang mag-isa?"

"Sweet sana pero parang wala kaming bilang kung makapagsabi kang mag-isa si Tala," sabat agad ni jelie.

"Muntik ka ng mapahamak noon, Tala," paalala ko sa kanya. Hindi ko pinansin ang patuyang sinabi ni Jelie.

"At taglay mo ang marka ko. Maamoy ka ng naga at ikaw ang uunahin."

"Hindi ko maintindihan kung bakit—"

"Mabango sa pang-amoy ng naga ang dugo ng engkanto," paliwanag ni Mayari kay Jelie at sa iba pang hindi nakakaalam. "Maamoy niya ang amoy ng pinuno ng Biringan kay Tala."

"Ama ko ang pinag-uusapan dito, Soliman," giit ni Tala. "Kung gusto mong manatili ako dito, pakawalan mo ako."

Napalunon ako ng laway ng wala sa oras. Naroon ang determinasyon sa mga mata ni Tala.

"Ikaw ang aking kabiyak. Ako ang iyong hari—"

"Huwag mo akong gamitan ng ganyang pananalita," banta ni Tala sa akin. "Hindi ako kailanman luluhod sa iyo."

"Shit... sayang, 'di mo mae-experience," sabat ni Jake. Maagap na pinagbawalan ito ng Adarna at ng mga kaibigan niya.

Isang malakas na kulog at kidlat ang namutawi sa langit na halos magliwanag ang buong palasyo dahil sa talim nito.

Napasigaw ang mga taga-lupa sa pagkakagulat.

Hanggang ngayon ay hindi ako mahalaga kay Tala.

Iniwan ko silang natahimik sa silid-aklatan.

Iniwan ko sila at nagtungo sa gubat sa hangganan ng lupain. 

The Book of GoddessWhere stories live. Discover now