Kabanata 15- ANG DIYOSA AT ANG PINUNO

1.3K 120 14
                                    

Soliman

"Ano ang nagyari, Tala?" hindi ko napigilang itanong habang palayo kami sa silo.

"Nais mo bang malaman ang pinaikling dahilan o—"

Natawa ako ng bahagya. "Huwag mong lagyan ng kulay ang katotohanan. Ano talaga ang nangyari?"

Napabuga ng hininga si Tala. "Napansin ko na nag-iiba ang kulay ng kanyang mga mata kaninang kumakain tayo. Hindi mo ba napapansin iyon?"

"Hindi ko siya tinititigan ng matagal."

"Hay..." napabuntong hininga si Tala na parang may mali sa ginawa ko. "Nagiging itim pansamantala ang mga mata niya ngunit nagbabago sa isang kisap-mata. Pumipikit siya ng mariin upang maitago iyon. Nang palabas kami ng palasyo ay hiniling ko sa taga-bantay na magbukas ng lagusan patungo sa silid ni Faustino upang makakalap ng kasagutan sa mga katunungan ko ngunit hindi kami dinala sa silid ng lagusan kung hindi sa silo kung saan nang-uusap si Dalisay at Faustino."

Natahimik si Tala pansamantala.

"Pinag-uusapan nila si Jelie at ang kapatid niya. Namatay ang kapatid ni Jelie dahil may engkanto na nagbigay ng tatlong bagay rito at ang kinuhang kapalit ay ang kanyang lakas. Akala nila ay si Jelie iyon. Sabi raw ng ama ni Jelie ay iisa lamang ang kanyang anak. Iyon ang narinig ni Jelie kaya nagkagulo."

Napatingin si Tala sa akin pansamantala at nang makitang nakikinig ako sa kanya ay nagpatuloy siya. "Binalak nilang patayin ang taga-bantay ng tarangka ngunit bakit?"

"Taga-bukas siya ng tarangkahan. Nag-iisa na lang buhat sa kanyang angkan. May mga kandado na ang tangingin susi ay siya. Kailangang bantayan si Jelie."

"Mabuti kung mahiram ko pa iyon kay Sidapa dahil sa nangyari," ani ni Tala. "Ano ang ibig sabihin nito, Soliman. At huwag mong lagyan ng kulay ang katotohanan."

"Ako ang pinuno ng Biringan kahit hindi sumasang-ayon ang mga itim na engkato ay nasa akin ang kapangyarihan. Hindi nila ako madaling magagapi ngunit maari nilang hadlangan ang aking mga layunin. At mukhang ang taga-bantay ng tarangka ang kanilang pakay."

"May laban ba ang mga itim na engkanto—"

"Kung hahamunin nila ako ng laban sa lupain ng mga hari. Doon ay iisa kami ng katayuan, ngunit tanging dugong bughaw lamang ang may karapatang hamunin ang pinuno."

Hindi muling kumibo si Tala.

"Ihahatid na kita papunta sa inyong kubo."

Isang tango ang isinagot niya sa akin. Nakakapagtakang hindi niya ako sinalungat.

Sinalubong kami ni Mayari at Hanan nang makarating kami sa kanilang kubo.

"Ano ang nangyari at bakit nararamdaman namin ang kamatayan?" nag-aalalang tanong ni Mayari kay Tala.

"Nahanap na ang kumitil sa buhay ni Julie na kapatid ni Jelie," paliwanag ni Tala.

"At?" naghihintay na tanong ni Hanan.

"Nakawala si austino ngunit hindi ninyo gugustuhing malaman ang nangyari kay Dalisay," paliwanag ni Tala. "Maraming salamat sa paghatid," baling niya sa akin.

Huwag kang pupunta sa gubat ng wala ako, dagdag niya sa aking isipan.

"Hanggang sa muli, mga binibini," paalam ko sa tatlo.

Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin ko kay Tala na mukhang si Jelie ang pakay ng mga itim na engkanto. Nais nilang paslangin ito upang huwag mabuksan ang kailangan niyang mabuksan— ang kulungan ni Malakas. Naroon ang sagot, nasa kulungan na iyon.

The Book of GoddessWhere stories live. Discover now