Kabanata 4- ANG UNANG DIGMAAN

1K 103 4
                                    

Tala

"Ang sakit ng katawan ko."

Mukhang nasobrahan yata sa pagsasanay sila Jelie at puro sugat ang mukha nito na hindi ikinatuwa ni Sidapa ngunit himalang nanahimik.

Nakapalibot kami sa apoy na ginawa ni Bunao at doon naisipang maghapunan. Kalmado na ang panahon at mayroong bituin sa langit. Nawala na ang ulap na naghahatid ng ulan.

Mukhang masaya na si Soliman.

"May nahanap ako sa library kanina," wika ni Carol. Nakasalang sa apoy ang hawak niyang patpat na naglalaman ng ilang pirasong karne ng baboy.

"Parang journal pero may prophecy na sinabi," pagpapatuloy niya.

"Kanino journal?" tanong ni Amihan.

"Hindi ko alam e. Walang pangalan."

"Ano ang nabasa mo?" walang ngiting tanong ni Bunao na nag-iihaw ng isda.

"May anak si Malakas at Maganda," sagot ni Carol na ikinabigla naming lahat.

"Sigurado ka?" tanong ko. Tumango si Carol at maging si Adarna.

"Ang sabi sa nakasulat ay ganito." Naglabas ng pirasong papel si Carol at binasa sa amin ang isinulat niya roon.

"Ang unang mga tao na nalikha ay magkaka-anak at mananatiling tao hanggang dumating ang araw na kakailanganin ang kanyang lakas. Itatago siya ng kapalaran at mananatiling nakatago hanggang ang huling taga-bantay ng tarangka ay magpakita at maging karapat-dapat."

Natahimik kaming muli. Napadukmo si Jelie sa balikat ni Sidapa.

"Bakit ang laki ng tungkulin ko?" tanong ni Jelie. "Nakaka-pressure."

"Hindi ko alam na nagkaanak sila," ani ni Sidapa. Tumango kaming tatlong magkakapatid at sumang-ayon.

"Kami rin ay hindi namin alam ang bagay na iyan. Nasaan ang anak nila?" tanong ni Mayari.

"Walang naisulat," sagot ni Carol.

"Kung naisulat ang bata, marahil ay importante siya sa magiging laban," saad ni Hanan.

"Iyon din ang naiisip ko. Naisulat siya sapagkat kakailanganin siya. At mahahanap lamang siya kapag naging karapat-dapat na ang taga-bantay ng tarangka."

Nabauntong hininga muli si Jelie. "I am trying really hard," mahinang wika niya.

"Mayroon pang nakasulat doon," wika muli ni Carol. Nangiti ng kaunti si Adarna at umabot ng isda na ipinamamahagi ni Bunao.

"Ang huling digmaan," pagpapatuloy ni Carol.

Napatigil sa paglalakad si Bunao. Ramdam ko na naalala niya pa ang nangyari noon. Iyon ang araw na nakulong siya.

Nag-iwas ng tingin si Mayari at Hanan kay Carol. Mukhang hindi lang ako ang hindi makalimot sa nangyari.

"Masyadong masakit ang mga nangyari noong huling digmaan," wika ni Mayari pagkatapos mamayani ang katahimikan.

"I'm sorry, nabasa ko ang nangyari sa iyong kasintahan."

Tumango si Mayari at inihagis ang patpat na hawak sa apoy. Pinanood niyang magliyab ang patpat na parang binabalikan niya ang lahat.

"Mortal ang kasintahan ko noon," mahinang wika ni Mayari. "Isa siyang kawal ni Rajah Sulayman."

"Ikatlong Sulayman," nakangiting wika ni Hanan na ikinangiti ko rin. Ngunit nawala iyon kaagad dahil alam ko na biro naming tatlo iyon.

"Dahil sa nagkakalituhan noon kung si Rajah Sulayman o si Soliman ang pinag-uusapan namin ay minabuti naming 'Ikatlo' na lamang ang itawag sa dating hari ng Maynila," pagpapatuloy ni Mayari.

"Hindi gaya ni Rajah Matanda at Lakan Dula na buong galak na niyakap ang mga dayuhan, si Rajah Sulayman ay hindi bulag at nais mag-aklas. Ngayon alam nating hindi talaga si Bunao ang totoong Lakan Dula ng mga panahong iyon. Maraming digmaan ang naganap sa pangunguna ni Rajah Sulayman at kasama niya si Tupas, ang aking kasintahan."

Pasimpleng nagpahid ng luha si Mayari bago nagpatuloy.

"Hindi lamang iisang araw naganap ang huling digmaan. Nagsimula iyon sa digmaan sa Macabebe Pampanga. Tinawag iyong Labanan sa Ilog Bangkusay. Unti-unting sinakop ng mga dayuhan ang lupain ng Maharlika. Sa unang digmaan sa pampang ng Maynila binawian ng buhay si Tupas. Napilitang sumang-ayon ni Rajah Sulayman sa kagustuhan ng dahuyan pagkatapo noon."

Pinilit ngumiti ni Mayari kahit na nagdadalamhati pa rin ang kanyang damdamin.

"At hindi ka na nagmahal muli?" tanong ni Jelie.

Umiling si Mayari at tumitig muli sa apoy. "Hindi na muli ako pinahintulutan ng tadhanan na magmahal. Sa mahabang panahon, namuhi ako s amga tao. Niyakap nila ang bagong relihiyon at kinalimutan kami. Hindi iisang beses kong naisip na iwanan na lang lahat."

"What made you stay?" tanong ni Carol.

Huminga ng malalim si Mayari at saka ngumiti kahit na may luha na nagbabadyang malaglag mula sa mga mata. "Ang pangako ko kay Tupas na mabubuhay ako dahil iyon ang pinaglaban niya."

"Ang lungkot naman," ani ni Amihan.

"Mapalad si Adarna na nagkaroon ng huling pagkakataon," makahulugang sagot ni Mayari at naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking balikat.

"Sa ibang araw na ang sa akin. Hindi ko nais na mag-iayakan tayo rito," wika ni Hanan. Kumuha siya ng pagkain at nang-alok sa aming mga kasama.

Si Mayari ay nakatingin sa akin na may pakiusap ang mga mata. Umiling ako sa kanya upang tigilan niya ako.

Ang kanyang kasintahan ay pumanaw na minamahal siya. Namatay na lumalaban at hindi basta na lang tumalikod sa laban. 

The Book of GoddessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ