Tumigil ako para harapin siya. Kung nasa labas lang siya ay siguro nasapak ko na siya.

"I won't. Magtataxi ako" I plainly said to him. Siguro naman ay malinaw na sa kanyang ayaw kong sumabay sa kotse niya. Kung pipilitin niya ako eh wala na akong magagawa kundi ang wasakin ang salamin ng kotse niya.

Akala ko ay susuko na siya sa akin pero nakita kong may binubot isya sa taas ng kotse niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano iyong hawak niya.

"Notebook ko 'yan! Ibalik mo sa 'kin 'yan!" nawawalan ng pasensya kong sigaw sa kanya.

Nakita ko ang pagismid niya sa akin at ang pagtago niya nung notebook na hindi naman niya pagmamay-ari, "Not until you hop in inside my car"

Kung pwede lang akong tubuan ng sungay ay siguro tinubuan na ako ngayon. Nagtatalo sa isip ko kung sasakay ba ako sa lalaking ito na hindi mapagkakatiwalaan o hahayaan ko nalang ang libro kong mapasakamay ng isang demonyong tulad niya. Sa bandang huli eh binuksan ko rin ang pinto ng kotse niya at pasalampak na umupo sa tabi niya sa driver's seat. Ilang taon ko ring isinulat ang mga naroon, it's like a journal to me at hindi ako makakapayag na hindi ko 'yun makuha sa kanya.

He's so cruel and I want to be rude on him.

Wala pang isang minuto eh pinaandar niya agad ang sasakyan niyang vios. Pinakatitigan ko ang journal na nakaipit sa taas ng kotse niya, pinagiisipan kung pano ko ba 'yun makukuha. Sana ay naging handa ako at dinala ko ang tinatago kong kutsilyo sa kwarto namin ni Chriselle para mas madali kong magawa ang plano ko.

"Hindi mo makukuha 'yan" usal niya habang nakatingin sa daanan.

"Akala ko ba ibabalik mo sa 'kin 'yan kapag sumakay ako?"

"Not that easy Fem" diretso niyang sabi.

Napataas ang kilay ko dahil sa pagkakasabi niya ng pangalan ko, "It's Ferm not Fem"

"Whatever it is"

"Yeah, whatever Clef" panggagaya ko sa kanya. Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. Kapag kasama ko ang lalaking ito ay nagiging madaldal ako. Puro irap ang natamo niya habang nagdridrive siya sa kanyang vios. I should be glad dahil ihahatid niya ako hanggang terminal ng bus pero hindi ko 'yun magawa dahil nakakairita 'yung presensya niya.

Tumingin nalang ako sa labas at ninamnam ang view ng Quezon City. Wala ata akong nakita kundi ang mga bus at alikabok duon kaya mas gusto ko sa Laguna. Tahimik.

"What's your department?" narinig kong tanong niya.

Hindi ko siya sinagot sa tanong niya, ano bang pakialam niya sa akin at tinatanong niya iyon.

"Music? Instrumentalist? What instrument?" tuloy-tuloy niyang tanong sa akin.

Nuon ay napatingin na rin ako sa kanya, "How did you know?"

Nagkibit-balikat lang siya sa akin, "I just know"

Kung hula 'yon ang galing niya namang manghula, "Piano" matipid kong sagot sa tanong niya. Kung gusto niyang magkaroon ng makakausap ay sana hindi nalang ako ang niyaya niyang ihatid dahil hindi naman ako katulad ng iba na sobrang daldal. Hangga't gusto ko ay isang word lang ang isasagot ko sa kumakausap sa akin.

"You joined audition for music fest?"

"No" at wala akong balak sumali duon. Why is it a big deal to them? Minsan naririndi na rin ako dahil palaging yun ang naririnig ko. Sabagay magiging judge sila sa audition kaya siguro ay curious siya.

"Why?" tanong niya uli sa akin.

Tinignan ko siya at sinabi 'yung salitang makakapagpatigil sa kanya sa pagsasalita, "Not your business" kung hindi niya ibabalik ang aking notebook ay mabuting huwag nalang siyang madaldal. Baka sakaling mapasalamatan ko pa siya dahil sa paghahatid niya sa akin. I don't even know why bakit ako pumayag na magpahatid sa kanya siguro ay wala ako sa katinuan kanina.

Soul LibrettosOù les histoires vivent. Découvrez maintenant