"Ang bilis mo Ferm" ani Christelle sa tabi ko pero hindi ko na siya pinansin dahil sa pagbabasa ko ng libro.

Tutok na utok ako sa pagbabasa nuong marinig kong magiritan ang mga kaklase ko. Automatic atang napakunot ang noo ko. Dang! Ano nanaman bang problema nila?

Nakita kong may nakatayo sa harap ko lalo akong napakunot ng noo.

Onti-onti kong itinaas ang paningin ko at nakita ko duon ang isang taong hindi ko ineexpect na tatayo sa harapan ko.

Nakangiti siya sa akin na parang tanga. Oo, tanga talaga dahil hindi ko alam kung bakit nagngingiti siyang aso habang nakatingin sa akin.

Rinig na rinig ko ang iritan ng mga kaklase ko lalo na nuong pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok na mahaba. What's with this guy?

Imbis na pansinin ko siya ay ibinaba ko uli ang tingin ko sa libro at nagpatuloy sa pagbabasa.

Isang bagay na natutunan ko. Kapag hindi mo pinansin ang isang bagay ay titigil din iyon pero mukhang nagkamali ata ako ngayon. Bigla niyang hinanggit ang librong hawak ko. Nagsinghapan ang mga kaklase ko at maging si Christelle eh naririnig ko na ang pag'O-Omg'

"Hindi mo man lang ba ako papansinin?" nakangiti niyang sabi sa akin.

Imbis na salubungin ko din ng ngiti ay sinimangutan ko lang siya at hinanggit 'yung librong hawak niya pero too bad at naiiiwas niya uli iyon sa akin. This time eh talagang gusto kong balatan siya ng buhay. May sa lahi ba ang Creole na magnanakaw? Nuong una ay kinuha nung Clef na 'yon 'yung notebook ko ngayon eh nasa harapan ko 'tong Hilton na 'to at inaagaw ang libro ni Nicholas Sparks. Mahilig din ba siya sa romance kaya't gusto niya 'yung kunin sa 'kin?

"I'm Hilton Reyes" aniya habang nakangiti pa rin sa akin.

"Alam ko. Give me back my book" masungit kong sabi sa kanya.

Nakita kong lalo siyang napangiti dahil sa pagsasalita ko. Nagpailing-iling siya sa akin, "Nah. Not until you give what's mine?"

Kung may iiirap pa ako ay gagawin ko sa lalaking iyon. Anong sinasabi niyang what's mine? Sa pagkakatanda ko ay wala akong kinukuha sa kanya.

Sa sobrang asar ko eh tumayo na ako duon sa kinauupuan ko. He's taller than me I think 5'11 ang isang 'to dahil 5'6 lang naman ako so basically nakatingala ako sa kanya ngayon. I know that everyone's looking at us pero wala na rin siguro akong pakialam dahil iniiistorbo niya ako.

"Akin na 'yan!" banta ko sa kanya at inagaw ko ulit ang Safe Haven kong libro pero iniwas niya ulit 'yon sa 'kin at itinago sa likod niya. Halos lahat ay nagsisinghapan.

Playful smile is written all over his face and I just anted to punch him so hardly.

"Akina sabi 'yan!" anas ko sa kanya ng muli kong tangkaing kunin 'yung libro ko pero umiwas lang siya sa akin.

"Pinuntahan pa kita dito tapos 'yan lang ang sasabihin mo sa akin?" aniya bago ko naramdaman ang kamay niya sa braso kong dapat ikukuha ko sa notebook ko. Nanlaki ang mata ko ng iikot niya ako dahilan para makulong ako at mapalapit sa kanya. In just one swift move eh napaggdikit niya ang katawan namin na parang nagsayaw lang kami. Hinawakan niya ako sa likod ng bewang ko at tinitigian niya ako. Those brown eyes.

"Gusto ko lang naman kunin ang ninakaw mong puso ko kahapon" aniya na nakapagpatahimik sa buong classroom.

Ninakaw kong puso niya? Ano daw? Parang naginit 'yung pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya agad ko siyang itinulak palayo bago ko pa siya masapak. Wala pa ring gumagalaw sa mga classmates ko, nakita kong laglag ang panga ni Chriselle duon sa upuan niya hanggang sa may marinig kaming halakhak sa pintuan ng classroom namin. Pare-parehas kaming tumingin duon at gusto ko nalang sumakit ang ulo dhail nakita ko ag tatlong kamember nitong lalaking pangahas na 'to sa harap ko.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now