☪️ CHAPTER 9☪️

Start from the beginning
                                    

"Whaaa Ayaw kong lumaban hindi ako marunong." binatukan naman ako ni nine kaya agad akong napatayo.

"Ano ba?!" sumbong ko to kay kuya.

"Yun lang pala iniiyak mo." pinunasan ko naman ang luha ko.

Palibhasa marunong lumaban kaya chill lang sya samantalang ako hindi, hindi naman ako tulad ni kuya noh.

"May 2 weeks ka pa para magtraining kung gusto mo turuan kita ng mga simpleng self defense." kuminang naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.

"Talaga?!" nabuhayan ang loob hehehe.

"Oo at magsisimula tayo mamaya kaya mag ready ka. Pagkatapos ng class puntahan mo ako sa training room." tumango-tango naman ako.

Kumain muna kami at iniwan ang hugasin mamaya na lang hugasan yan.

Lumabas kami ng aming dorm.

"Sa wakas lumabas na din kayo." pareho kaming nagulat ni nine at tumingin sa kaliwa namin.

Nakita namin si Caden na nakasandal sa pader habang nakacross arm nang nakita nyang nakatingin kami sa kanya ay umayos sya at lumapit sa amin.

"Kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya.

"No." eh? Pero kung makapagsalita ng 'Sa wakas lumabas na kayo' parang kanina pa sya nandito ah.

"Wait... did you cry?" tanong nya sa akin pero tumingin naman ako kay nine sabay tingin ulit kay caden.

"Kasi ano... ahm..."

"Wag kang mag-alala ok lang sya. Umiyak lang sya dahil next next week ay may battle." singit ni Nine.

Tumingin naman sa akin si caden na may pag-aalala sa kanyang mga mata.

(Katahimikan)*

"Sa pagkakaalam ko may kasama ka sa dorm." pagbasak ni nine sa katahimikan.

Buti na lang madaldal sya hehehe di ko alam kung ano ang sasabihin ko kay caden.

Gusto kong sabihin kay caden na tuturuan ako ni nine ng mga self defense kaso baka mag alburuto sya. Kung sasabihin ko sa kanya edi sya na mag iinsist na turuan ako pero hindi sya magiging strick sa akin gusto ko kasi yung nagtuturo sa akin ay strick para matuto ako.

"Pinauna ko na sya dahil sabay kami ni hellia papasok same lang kami ng building na papasukan." napatango naman si Nine.

"Well, tutal nandito naman sya mauuna na ako pretty hellia, basta yung sinabi ko." nakangiteng paalala nya sa akin.

Akala ko nong una nananakit sya pero dahil savior ay hindi ako natatakot at isa pa tuturuan nya ako yehey!!

Nauna na syang umalis sa amin syempre iba yung building na papasukan nya. Napag-alaman ko kasi na may limang classroom building dito. Isang Mafia's building, isang Gangster's building, isang Assassin's building, isang Savior's building at isang lower building which is ang building napapasukan namin ni caden.

"Anong sinabi nya sayo?" napatingin ako kay caden.

Ahm... anong sasabihin ko? Bawal nyang malaman na tuturuan ako ni nine.

"Ahm alin doon? madami kayang sinabi si nine sa akin gusto mo isa-isahin ko?"

"Nah nevermind."

Ok lusot ako hehehe. Syempre pag-inisa isa ko sasabihin ko lang yung kinuwento ni nine about sa uniform.

I'm so smart <( ̄︶ ̄)>.

"Tara na baka malate pa tayo." aya ko sa kanya at naunang maglakad.

Sinabayan nya naman ako sa paglalakad.

"Wag kang gagawa ng gulo hell sa classroom mo. Magkaiba tayo ng floor kaya hindi kita mapagsasabihan." napanguso naman ako.

Alam ko naman ang ginagawa ko noh hindi naman ako gagawa ng ikakapahamak ko.

"Sus hindi ah and besides hindi gumagawa ng gulo ang tulad natin. Tingnan mo ang uniform natin sabi sa akin ni nine parang hangin lang daw tayo sa lahat." nakangiteng sabi ko at huminto pa para ipakita ang suot kong uniform.

"Wag kang magpasiguro hell di mo alam ang mga ugali nila dito kaya sa akin ka lang magtiwala, maliwanang?" tumango-tango naman ako.

Ngumite naman sya sa gesture ko. Kung makapagsalita si caden parang kilalang-kilala nya ang mga istudyante dito hehehe.

Kung hindi ko lagi kasama si caden pagkakamalan kong dito sya nag-aaral pero hindi eh always ko yan nakikita syempre magkapatid kami.

Bumaba na kami ni caden ng dorm at dumiretsyo sa Building namin.

"So, dito na doon pa ako sa next floor mag-iingat ka dito, ok?" hinagod-hagod ang ulo ko.

"Oo na oo na." medyong inis kong sagot at inalis ang kamay nya sa ulo ko ginugulo nya na naman ang buhok ko.

"Hahaha sige." tawa nya at umalis sa harap ko.

Tumingin naman ako sa taas ng pintuan at nakasulat ang section ko.

"Sapphire." basa ko.

Binuksan ko ang pintuan at sa hindi ko inaasahan may malamig na tubig ang bumuhos sa akin.

What the hell men!.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now