Chapter 72: The Truth

5.3K 326 18
                                    

Sophia's POV

Nakaupo siya sa ibabaw ng lumang kama, at mayroong kadena sa kanang paa. May nakalapag na pagkain sa tabi nito, mangkok ng sopas, isang tinapay, at baso ng tubig na hindi pa nagagalaw. Maputla ang itsura, at ang kasuotan niya ay katulad pa rin no'ng huli ko siyang makita.

Hindi ko akalaing dito kami magtatagpo, kaya pala wala akong balita tungkol sa kaniya, dahil nakakulong siya rito.

"Ikaw pa rin ba 'yan, Elizabeth?"

Mahina siyang natawa bago sagutin ang aking tanong. "Ano sa tingin mo? Akala mo ba'y kakayanin ng katulad ni Beatrice ang sitwasyon ko?" She looks at me as if she's mocking me.

Hindi ako makasagot sa kaniyang tinuran. Napatakip ako ng ilong nang makalanghap ako ng masangsang at mabahong amoy. Hinanap ko ang pinanggalingan nito, namilog ang mga mata ko sa nakita. "What the heck?"

Napahakbang ako paatras. Ang bangkay na nakikita ko sa sulok ay sina Marquess Philip at ang personal aide ni Lawrence. Dilat pa ang mga mata nito, at tuyot ang kanilang balat. Mukha itong naging biktima ng soul-eating demon beast.

"Master..." nahihirapang tawag sa 'kin ni Zero.

Nilingon ko siya noong bumagsak ito sa sahig. "What's happening to you?" Taranta ko siyang pinatong sa palad ko.

Nakabaluktot ang katawan niya, para itong namimilipit sa sakit. Unti-unti rin siyang naging usok, at parang tinatangay ng hangin, sinundan ko 'yon ng tingin kung saan ito patungo.

Nahagip ng paningin ko ang bulto ng pamilyar na tao. Nakatayo siya sa tapat ng pintuan ng nakayuko at natatakpan ng buhok ang mga mata.

"Anong ginagawa mo—ack!" Napaluhod ako sa sahig nang sumikip ng matindi ang puso ko. Nag-iinit ang aking kaloob-looban, at tinakasan ng lakas ang aking katawan.

"Hahahahaha!" Umalingawngaw sa silid ang malakas na tawa ni Elizabeth. Para siyang takas sa mental dahil galak na galak pa ito sa nangyayari. "Sa huli, isa ka rin sa mga pinaikot niya! Hahahahaha!"

I clenched my fists, then glared at him. His red eyes met my gaze, I could tell that this person in front of me wasn't the same as the one I knew. "Y-you're not Lawrence... Who are you?"

He brushed his hair up with his fingers. Nakangisi ito habang nakatitig sa 'kin. "Eliz, huli ka na. Ngayon mo lang napagtanto?" mapang-asar nitong tugon sa tanong ko. "I am very much disappointed, you've become weaker than I thought."

Kailan pa? Kailan pa siya nasa katawan ni Lawrence? Nakahihiya man aminin pero sa pagkakataong 'to, naging pabaya na naman ako.

He chuckled. "It was fun seeing you clueless and defenseless every time you're around me. You know? I'm supposed to take things slowly, yet here we are … hindi na naman umayon lahat sa gusto ko."

Bumaba ang tingin ko sa hawak niya na bagay sa kaliwang kamay. Kapit nito ang isang sword pendant, nagliliwanag ito ng kulay puti. Katulad pa rin ng dati ay hinihigop nito ang kapangyarihan ko.

Sh*t! Kailangan ko makuha ang pendant na hawak niya para sirain ito. Kung hindi ay tuluyan nitong aangkinin ang natitira ko pang lakas.

"Master!"
"Help us! Master!"

Natulala ako nang marinig ko sa aking ulo ang sigaw ng pamilyar na boses. Is that Zero Two and Zero One? Nasa loob sila ng pendant na 'yon!

"Master... H-huwag mong hayaan na magtagumpay siya..."

Naagaw ni Zero ang atensyon ko nang kinausap niya ako sa pamamagitan ng telepathy. Makikita sa ekspresyon nito na hindi rin maganda ang kalagayan niya.

"O-oras na makumpleto ang pagiging isa ng dalawang kapangyarihan... H-hindi na ikaw ang kikilalanin na pinuno—"

Hindi ko na narinig pa ang pagtatapos ng sinasabi niya dahil tuluyan na itong naglaho. Pero … naintindihan ko pa rin ang nais nitong iparating. Mapapalitan ang pinunong sinusunod ng mga shadow knight kapag hinayaan kong magtagumpay siya sa binabalak niya.

Nanginginig man ang katawan ko at nanghihina ang parehong tuhod, pinilit ko pa ring makatayo ng maayos saka inilabas mula sa spatial ring ang dagger ko. Tinutok ko sa direksyon niya ang talim nito saka sinalubong ang kaniyang tingin.

"I said, who are you!" Halos mapiyok ako sa pagsigaw.

"Nakalulungkot isipin na hindi mo man lang ako maalala..." he said, smirking. "Ako lang naman 'to, ang natatangi mong Grand Marshal."

Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya lalo na noong mas naging matingkad ang pagpula niyon.

Unti-unting pumapasok sa utak ko ang mga nakalimutang alaala ni Eliz, at habang tumatagal, mas nararamdaman ko ang pag-iisa ng katauhan naming dalawa.

Sa apat na Shadow Generals, siya lamang ang umabot sa highest level, Grand Marshal Knight. Nagmukha ulit siyang buhay na tao no'n, at naging puma pangalawang pinuno ng mga shadow knight. Pinagkatiwalaan siya ni Eliz, magkasama nilang pinamunuan ang kontinente hanggang sa ang Priestess ay tagumpay na nakaabot sa lebel ng pagiging isang deity.

"Zero Three..." bulong ko sa aking sarili.

Mas lumawak ang ngisi ng aking kaharap. "Master..."

"Ugh!" Bumigat ang grabidad ng paligid, nakita ko na lang muli ang aking sarili na nakaluhod sa sahig.

Sa repleksyon ng salamin na nakatapat sa 'kin sa hindi kalayuan, nasa bandang likuran ko ang lalaking nakamaskara ng puti, at suot ang cloak na itim.

Nanginig ang kalooban ko noong tinanggal niya ang takip sa mukha. Namanhid ang aking pakiramdam, at nakipag titigan sa repleksyon namin sa salamin. Noong una pa lang ay wala na talaga akong tiwala sa kaniya, pero hindi ko inaasahan na mas malala pa siya sa inaakala ko.

"Felixander..." nagngingitngit ang ngipin na sabi ko. Sinuri ko ang aking kapangyarihan saka nagpalabas ng shadow whip. Hinampas ko ito sa sahig upang liparin ako ng pwersa nito, palayo sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung paano ko natitiis ang matinding kirot ng puso ko. Marahil siguro sa adrenaline rush na nangingibabaw sa 'kin, mailayo ko lamang ang sarili sa kapahamakan.

"I never thought … you're that deity who brought me back into this world, and supporting that piece of sh*t!" Tinuro ko ang direksyon ni Zero Three habang hindi inaalis ang titig ko kay Felixander.

"Huwag mo sa akin ibato ang sisi. Oo nga't ako ang nagbalik sa 'yo sa mundo na kung saan ka talaga nararapat, pero ito ay nakatakda na talagang mangyari ayon sa ating napagkasunduan," walang buhay nitong sagot pabalik. "Kung sana ay pinili mo na lamang na mamuhay ng normal, hindi na sana mangyayari pa ito."

Napako ako sa aking kinatatayuan, saka in-absorb ang mga sinabi niya. Pumasok sa isip ko ang alaala, 'yong dahilan kung bakit pinili ng dating ako na mamatay sa kamay ni Killian.

Para mapigilan ang kasamaan na binabalak ni Zero Three sa mundo, ikinalat ko ang aking kapangyarihan at isinilyo ang mga ito. Kasama rin sa ritwal na mamamatay ako sa kamay ng pinaka malapit sa aking puso. Pagkatapos ay buburahin ang mga alaalang tungkol sa 'kin, at pupunta ako sa ibang mundo. Ngunit ako rin ay babalik sa paglipas ng isang libong taon. Ito ay ang napagkasunduan namin noon ng deity of Fate.

"Ikaw ang God of Fate..." bulong na tukoy ko kay Felixander.

Naiintindihan ko na ngayon ang galit ng royal family sa 'kin bilang Dark Priestess. Sila ay mga inosenteng nadamay at naging sakripisyo para sa kaligtasan ng mundong ito. Si Zero Three ay naging sumpa sa unang Emperor ng Asterin. At sa bawat panganay na lalaking direktang kadugo ng William, doon naipapasa ang sumpa. Sa ganoong sitwasyon ay mananatili lamang siyang tulog, maliban na lang kung babawiin ko muli ang aking nagkalat na kapangyarihan.

"What have I done...?" Ibig sabihin, sa bawat artifact na napo-possess ko … paunti-unti siyang nagigising, at nawawalan ng bisa ang kumokontrol dito. Sa mga panahong iyon ay paunti-unti na rin pala niyang inaangkin ang katauhan ni Lawrence.

"Don't take my actions to heart. Ginagawa ko lamang ang resulta sa naging mga desisyon mo," Felixander said as he faces his right palm in my direction, and a bright light welcomes me that blinded my sight.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon