Chapter 24: Elf Tribe

10.8K 529 9
                                    

Sophia's POV

After days of rest, bumalik na sa normal ang kondisyon ko.

Mileya stayed by my side to assist me in everything. Sa una medyo nakaramdam ako ng ilang kasi nasanay akong sina Melrose at Trisha ang kumikilos para sa 'kin.

Hindi naman siya mahirap kausap, bawat tanong ko ay madali niyang nasasagot sa abot ng makakaya. Nalaman ko sa kaniya...nasa loob pa rin pala kami ng Imperyo. May parte ang bansa na kung saan nakatago sa mata ng mga normal na tao. Dahil mas mataas ang kaalaman ng mga elf pagdating sa magic, nagawa nilang protektahan ang lokasyong ito laban sa mga balak manghimasok.

Pili ang mga binigyang pahintulot na makita sila. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ginagamit na basehan para makatanggap ng permiso. Nakasikreto sa iba ang proseso at tanging ang pinuno lang ang nakakaalam.

Hindi ko tuloy makuha ang impormasyon kung paano sila natagpuan ni Francisco. Ayoko rin namang ipilit pang alamin. Gusto kong respetuhin si Klein pati na rin ang mga panuntunan niya.

Naging buo ang pagtitiwala ko sa kanilang tribo dahil sa God's to sworn oath. It is an unbreakable promise. Whoever dares to break the promise can cause misfortunes or death. They swore to remain their loyalty and serve the Dark Priestess.

Mileya said she was young back then when she first met me. They admire me as their only King and Queen. At that time, humans and other species were still living freely together. Walang diskriminasyon sa pagitan ng mga ito. Nakilala pa nga ang kontinente sa pagkakaroon ng kind nature and honest citizens. Sa dahilan ng pagbabago? 'Yon daw ang hindi nila matandaan. Kung paano at kung ano ang nangyari sa nakaraan para umabot sa puntong sila ngayon ay nagtatago.

Nang marinig ko 'yon, napagtanto kong may parte sa ala-ala nila ang burado. Ngunit nakasisiguro akong may nalalaman diyan si Klein. Gaya nga ng sabi niya, tanging siya at si Felixandreo lang ang nakakaalam ng dahilan sa pag-alis ko sa mundo na 'to. Sigurado akong may koneksyon din 'yon sa pagiging mortal na tao ni Felixandreo.

Hindi ko pa natatapos basahin ang diary ng dating Dark Priestess. Kung sana ay hawak ko 'yon ngayon, baka may makuha akong kahit konting clue.

"I wonder if my shadow soldiers could get through this..."

"I'm afraid they cannot. You must summon them from outside," said Klein.

He just got here on where I currently am. Nakatayo ako ngayon sa tapat ng matayog na puno, ang natatanging daan upang makalabas pasok dito sa lugar.

"Why is that?" I asked.

"By locating you, they might destroy the defense barrier to intrude here by force."

I give him an awkward smile. "Hehehe, I see…"

Nalipat ang tingin ko sa mga elf na may kanya-kanyang ginagawa.

"It's best for you to know nothing about what occurred in the past. Ikaw lang din ang mahihirapan."

Hindi nakakatulong ang paalala niya. Na-curious lang ako lalo. By looking at him and his expression, sure akong hindi ko talaga siya mapipiga.

Napansin ko sa personality ni Klein...mahusay siyang makisama. Although nando'n pa rin talaga 'yong respeto sa bawat kilos niya sa harap ng presensya ko.

"Just spill everything," I said.

"I cannot. Nangako akong hindi kita sasagutin sa mga tanong mo tungkol sa nakaraan."

I snorted. "Aalamin ko rin naman."

"Hindi ka talaga matahimik."

Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Ngumiti lang ito habang napapailing.

"Living from a different world makes you become an open person."

"What are you tryin' to say?"

"You never tell anyone your worries before. Mas prefer mo sarilinin lahat kasi ayaw mo kaming mag-alala para sa 'yo."

Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Sandali akong tumahimik at napaisip. Sa mundong pinanggalingan ko, nasanay akong kumilos mag-isa dahil wala namang kikilos para sa 'kin. Natutunan ko lang ang pakiramdam ng makatanggap ng tulong mula sa iba, noong pinatuloy ako ni madam professor sa tahanan niya. Hindi ko man siya matagal na nakasama, ramdam ko naman ang paggaan ng buhay ko dahil sa suporta niya.

Nang mag-transmigrate ako sa mundong 'to. Naging madali ang pag-aadjust ko sa tulong ng pamilyang White. Swerte dahil natikman ko ang pagiging buhay mayaman. Hindi nga lang nila alam na ibang tao na ang naglalaman sa katawan ni Elizabeth.

Kung hindi lang dahil sa suporta nila, baka ay naghihirap ako ngayon. Kita mo ngang nag-effort pa silang mailayo ako sa kapahamakan.

"I am not the same person you used to know. As you can see, hindi ko kayang mag-isa. I know I need help if I want to get ahead in life... I hope you don't mind if I ask you for it?"

Nagliwanag ang expression niya sa sinabi ko. Tumikhim muna ito bago inayos ang kaniyang pustora. Pilit niyang itinatago ang saya na nararamdaman niya.

"Nothing can be done about it. I am this type of elf you could rely on," he calmly said.

I chuckled. "Heh..."

Binigyan ko ito ng mapang-asar na tingin dahilan para mamula ang pisngi niya.

"Mileya, guide her into our private training grounds." He suddenly gives an order to my assistant.

"Yes, Lord Klein."

"Since you were already in good condition. You must start to train your skills," tukoy niya sa 'kin.

"Are you going to teach me personally?"

"Who else can? Ako lang ang nabubuhay na pamilyar sa kapangyarihan mo," he proudly said with a straight face.

I could easily tell, he's forcing himself to look dignified and at the same time, I do feel his desire to talk in a boastful manner.

"I am one of a kind—"

"Yeah, yeah, yeah," response ko habang sinusundan na ng lakad si Mileya.

Magrereklamo pa sana si Klein sa pagtalikod ko kahit hindi pa siya tapos magsalita.

Narinig ko ang mabigat na pagpapakawala niya ng buntong hininga. Saglit kong nilingon ang aking likuran para i-check kung nakasunod ba siya sa 'min.

"Bakit hindi pa siya sumunod sa 'tin?" tanong ko kay Mileya.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita na wala roon si Klein sa kaninang kinatatayuan niya. Nahinto rin si Mileya para bigyang pansin ang kuryosidad ko.

"Para maghanda," sagot niya.

"Ah..."

Ipinagpatuloy namin ang pagtahak sa daan patungo sa paroroonan. Hindi rin nagtagal ay narating namin ang private training grounds na tinutukoy nila. Nasa kalagitnaan kami ngayon ng bamboo forest.

How could he call this place a private area? This is an open area.

"Is this supposed to be the private training grounds?" I purposely emphasized the last word of my sentence.

"Don't mind his nonsense words. Lord Klein just wanted to sound cool," she said with a poker face.

Napatampal na lang ako sa aking noo at mahinang natawa.

"Pero...dito siya madalas nagti-training kaya hindi lumalapit ang ibang elf sa lokasyong ito. Ayaw ni Lord Klein ng istorbo," Mileya continued, "I should excuse myself, Lady Sophia. The Lord will be here any minute from now"

"Okay."

Pinagmasdan ko ang likuran niya hanggang sa hindi na siya matanaw ng aking paningin. Gaya nga ng sabi niya, ilang minuto lang ay dumating din si Klein na walang bitbit na kahit ano. Nagbago lang ang kasuotan nito, perpekto para makakilos ng malaya sa pagsasanay.

"Handa ka na ba?" he asked.

"Anytime."

Ways To Escape DeathWhere stories live. Discover now