Chapter 40: Asterin Wins

8.5K 480 20
                                    

Third Person's POV

"Should I join you?" Lawrence said while smirking. He sat down on the vacant chair, opposite the King. Francisco stayed by his side together with other elite knights.

"Prince Lawrence, you surprised me," the King sarcastically said. Lihim niyang hinawakan ang sariling sandata upang maghanda sa kung anuman ang pwedeng mangyari.

"You know I love surprises, King Diamante. Lalo na sa mga ayaw kusang sumuko," sagot nito habang nakangiti. Ngiting hindi ka makakaramdam ng tuwa, kundi takot.

Nakakabinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng silid. Walang sinuman ang nagbabalak na magsalita. Pare-pareho silang naghihintay kung sino sa dalawang maharlika ang magsisimula ng gulo.

"Your Highness, hawak na po namin ang magpapatunay sa kanilang mga illegal na gawain," balita ng kapapasok lang na knight officer.

Nang marinig iyon, madaling nagsipag luhuran ang mga nobleman sa harap ni Lawrence. Nakayuko ang mga ito habang nanginginig dahil sa nararamdaman na konsensya.

"I will cooperate with you. Huwag niyo lang akong patayin," makasarili nitong suhestiyon.

"Ako rin," pagsang-ayon ng isa at sinundan din ng iba pa.

Sa limang nobleman na naroroon, apat silang nagmamakaawa sa harapan niya.

Hindi satisfied ang Prinsipe sa kanilang mga sinabi. Para rito ... hindi sila naiiba sa mga dapat parusahan sa huli. Alam din nila ito sa kanilang mga sarili.

Makikitang natataranta sila, ang mga ito ay hindi nagtangka na silipin ang kaniyang reaksyon. Kahit na hindi sila tumingin, ramdam naman nila ang kilabot sa presensya nito.

Ang nobleman na nanatili tahimik sa kinauupuan ang sunod na nagsalita. Siya lang ang natatangi na hindi natinag simula nang sila ay dumating. Para bang inaasahan na nito ang araw na 'to.

"I already given to you the evidence. You can do whatever you want from me but please, let my daughter live."

Nakaramdam ng amusement si Lawrence nang marinig ang kaniyang kahilingan. Sa tono pa lang ng pananalita nito, halatang handa na siya sa mangyayari.

"I will-" hindi niya natuloy ang sasabihin nang gumawa ng eksena si King Diamante.

"You traitor!" Sinakal ng Hari ang nobleman na nakaupo malapit sa pwesto niya.

Walang nagtangka na pumigil sa hari, hangga't walang utos mula sa prinsipe. Nanatili lamang si Lawrence sa kinauupuan niya habang pinapanood ang drama na nagaganap. Walang emosyon na makikita sa mga mata nito.

Nakakapit ang lalaki sa kamay na nakasakal sa leeg niya para piliting alisin iyon. Hindi niya sinasadya matulak ang hari ng malakas. Namilog ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Para bang hindi nito inaasahan ang ginawa. Nakasandal sa pader ang nobleman habang nakaalalay sa sarili para makatayo ng maayos.

"No wonder you're the son of a prostitute! You bast*rd. Wala kang utang na loob!" galit na galit na sigaw ng Hari.

"Mukhang nakakalimutan mo yata ang presensya ko, Haring Diamante," singit ni Lawrence sa kanila. Bago pa makalingon ang hari, madali niyang winasiwas ang kaniyang espada para pugutan ito ng ulo.

"Ah," reaksyon ng Hari. Ang mga dugo na lumalabas mula sa leeg nito ay parang fountain. Bumagsak ang katawan nito at saka gumulong ang ulo malapit sa paanan ni Lawrence.

Natulala ang lahat sa bilis ng pangyayari. Sa sobrang smooth ng atake, hindi nila makita ng malinaw ang pagwasiwas nito sa sandata niya. Natulala ang noblemen, pawang mga naputulan ng dila. Wala silang salitang mahagilap para magmakaawa sa Crown Prince.

Ways To Escape DeathWhere stories live. Discover now