Chapter 04: Breaking Off

13.7K 842 104
                                    

Sophia's POV

"Milady, the Crown Prince is here. Wake up, milady." Istorbo sa 'kin ng kung sino.

I groaned. "I need to sleep, just five more minutes ..."

"No more five minutes. The Crown Prince is here!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

"What? I thought it would take days before granting my request?" gulat kong tanong sa aking sarili. I just sent the letter yesterday. What is he doing here? At saka madaling araw pa lang! Is he that excited to annul our engagement?

According to the memories of Elizabeth, it's hard to keep in touch with him. He often ignores her letters and disregards all of them. That's why she stopped sending letters anymore, and barged in herself, uninvited to the Imperial Palace.

"Milady, we have to fix your appearance!" Natataranta si Melrose maging ang mga katulong niya sa pag-aasikaso.

"Why would I? He is not even worth the time!" I walked myself out of the bedroom but they quickly grabbed my arms to pull me inside the bathroom.

"Please, milady. Just let us do our job to make you look presentable," pagmamakaawa nila sa 'kin.

"Argh! Parang kailan lang takot pa kayo sa 'kin," biro ko sa kanila. Wala na akong nagawa kundi hayaan silang gawin ang gusto nilang gawin. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na ako sa haba ng oras ng pag-aayos. Nakakatamad tuloy tumayo dahil inabot na kami ng lagpas isang oras, magpaganda lang.

After they finished their job, I did not bother myself to look in the mirror. Halata sa aura ko na wala ako sa mood, kaya nag-aalinlangan tuloy bumati ang servants na nadadaanan namin.

He's waiting inside the office of my father. Hindi na ako kumatok, diretso akong pumasok sa loob. Bumungad silang dalawa sa 'kin ng magkaharap sa isa't isa. Hindi ko alam ang dahilan pero napansin kong masama ang timpla ng mukha ng Duke, habang taimtim namang umiinom ng kape si Lawrence sa harap niya.

Saglit akong natigilan sa aking kinatatayuan para pagmasdan ng mabuti ang itsura nito. Teka nasaan ang hustisya? Para siyang nagliliwanag at may pa-sparkle sparkle pa sa paligid. Is this the power of being a male lead?

Malamig niya akong tinitigan sa mata na para bang sinusuri nito ang reaksyon ko. Pasimple kong pinunasan ang gilid ng labi ko para alamin kung naglaway ba ako dahil sa pagdi-daydream.

Mabigat akong napaupo sa katapat na sofa saka hinagis sa ibabaw ng lamesa ang envelope na naglalaman ng mga papeles. He takes a sip from his cup of coffee before staring at the Duke. Mahahalata sa tingin pa lang ang gusto niyang ipaalam.

"Father, I can handle this," sabi ko saka tipid siyang nginitian. Sandali itong natulala bago tumikhim at umiwas ng tingin.

"Then, I shall take my leave." Tumayo ito ng tuwid saka tinungo ang direksyon ng pintuan. Bago ito tuluyang makalabas, hindi nakaligtaan ng mga mata ko ang expression nito. He's still wearing his cold expression but he is forcing himself not to smile. I've come to realize what was that meant.

Komportable akong naupo saka hinintay na magsara ang pintuan ng silid. Lawrence is staring at me silently, it's like he has no intention to do what he must.

"There's the quill for you to use to sign the cancellation of our engagement. What are you waiting for?" I glared back at him.

"Ano na naman ba ang binabalak mo? Are you that hopeless just to gain my attention?"

"Ha! What's with the sh*t? Why don't you try to review the papers to verify if it is fake or not?"

He is irritating me so much. Is he that confident just because hinahabol-habol siya ni Elizabeth, since childhood until she died? I bet he knew she committed suicide but never give a f*ck about it.

"Since when have you become so unladylike?" he said before taking the envelope to view the papers.

Hindi ko na siya sinagot, sasakit lang ang ulo ko sa stress na dulot niya. Ang dali mag-shift ng mood ko today. Pinikit ko muna ang mga mata ko para kumalma. Guluhin mo na talaga ang lasing, huwag lang ang kulang pa sa tulog.

"Why?" he asked out of the blue.

"What do you mean, why?"

"Why all of a sudden?"

I slightly opened my eyes. He's currently looking at my direction while holding the papers. "You don't even love me once and I also no longer love you. Make sense?" diretsahan kong sagot sa tanong niya.

Hindi ko maintindihan ang reaksyon na pinapakita niya. Madali siyang tumayo para lumapit sa kinauupuan ko. Laking gulat ko sa mga sumunod na nangyari.

He is now kissing me while the assh*le is in tears! Tinulak ko siya palayo para distansyahin ang sarili. Natulala si Lawrence at naistatwa sa kinatatayuan niya. Mukhang hindi niya rin inaasahan ang nagawa niyang aksyon.

"What the heck! Anong problema mo?" sigaw ko.

I feel my heart racing but I knew these feelings weren't mine.

I remembered all the hardships of Elizabeth to gain his attention. She has done everything for him, without thinking about the consequences. She even turned a blind eye to the criticisms she received from other nobles.

"Sign the annulment!" Kinuha ko 'yong papeles at quill para iabot sa kaniya. Hindi ito nakasagot pero ginawa naman niya kaagad ang gusto ko. Mabilis ko rin itong binawi dahil baka ano pang kabaliwan ang pumasok sa utak niya. Mahirap na at baka magbago pa ang isip nito.

"I know I can't change the wrongdoings I have already done. I am sorry for making you uncomfortable all these years and for making Beatrice's life miserable. But I hope you understand that I was in love with you truly, Your Highness." Tulala lang siyang nakinig sa mga binitawan kong salita.

"I wish you all the happiness," pagpapatuloy ko. These words were not mine but from Elizabeth. I bowed my head to pay my respect to him, before leaving him standing alone in the office. When I opened the door, bumungad sa paningin ko si Duke White na naghihintay. Tipid akong ngumiti bago ko binigay ang document sa kaniya.

"Are you okay?" he asked using his usual tone and expression.

I heavily sighed. "Of course, Father. Ikaw na po bahala sa prinsipe," I said. Tumango lang ito bilang pagsang-ayon.

Nag-aalala na pinagmasdan ako ni Melrose. "Lady Elizabeth ..."

Lakad-takbo kong tinungo ang aking kwarto. "I want to be alone," walang lingon kong bilin sa kaniya.

The moment I stepped inside my bedroom, I immediately locked the door and covered myself under the blanket. Sumasakit ang lalamunan ko at nahihirapan din akong huminga. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Maririnig din ang malakas kong paghikbi. Hinayaan ko ang sarili kong ilabas ang mga naipong bigat sa aking dibdib. Hindi ko binigyang pansin ang mga tao sa labas ng aking kwarto. Ang importante ay mapagaan ko ang aking kalooban.

Normal lang ... makaramdam ng ganito, lalo pa't malinaw sa 'kin ang mga alaala ni Elizabeth. Sa aming dalawa, ako ang naglakas-loob putulin ang koneksyon ko sa lalaking sobra niyang minamahal.

Kaya ba hindi mo 'to magawa Elizabeth? Dahil hindi mo kakayanin? Hindi naman ako IKAW pero ako ang nahihirapan para sa 'yo.

Ways To Escape DeathWhere stories live. Discover now