Chapter 30: Prince's Feelings

10.7K 550 109
                                    

Lawrence's POV

"ELIZABETH!" Habol hininga akong bumangon mula sa aking higaan. Malamig ang mga namuong pawis sa noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang aking panaginip. Kung saan pinatawan ko raw siya ng kamatayan sa gitna ng publiko … at pinanood ko lamang siya na pinugutan ng ulo.

"My only sin is loving you more than myself." Those were her last words. 

Napakalinaw ng pangyayari na parang totoo. Malungkot ang expression niyang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Mas lalo lang bumigat ang dibdib ko.

"Your Highness, it is time for you to wake up," said my butler after knocking on the door.

Hinila ko ang tali upang patunugin ang maliit na kampana, hudyat na sila ay may pahintulot pumasok sa silid ko. Binuksan ng head butler ang pinto at saka naman pumasok ang servants. Sila ay may kaniya-kaniya ng bitbit na kagamitan para sa aking paliguan.

"What would you like to eat for breakfast, Your Highness?"

"Light meals will do."

"As per the order," he respectfully responded before leaving me here.

I stand to walk towards my bathroom. The maid helps me to remove my pajamas. They prepare milk baths with scented petals. I enter the bathtub with heavy shoulders.

Hindi ko na napapansin ang oras. Wala ako sa sarili hanggang sa bihisan nila ako. Sa ilang araw mula nang mawala si Elizabeth, ang hirap kumilos. Noong binalita ng Duke na hindi siya nasa mabuting kalagayan, sana pala ay pinilit kong pumunta. Kahit na hindi pa sila pumayag.

Kailan nga ba ako nagsimulang makaramdam na espesyal siya sa 'kin? Kailan nagbago ang pagtingin ko kay Elizabeth?

"Today is an important day, Your Highness. Get a hold of yourself. You must look dignified in front of your soldiers," my aide said with a worried look.

"You don't need to remind me. I know how to act professionally."

Maluwag itong napabuntong hininga. Alam kong napapabayaan ko na ang duties ko. Pinipilit ko namang kumilos ng tama. Kaso sa bawat sulok ng palasyo ay may ala-ala niya.

"WE GREET THE FUTURE SUN OF ASTERIN EMPIRE!" they said in unison.

Nahagip ng mga mata ko ang isa sa mga nakakatandang kapatid ni Elizabeth, si Francisco White. Nasa unahan ito kaya madali ko siya nakita. Diretso lang ang tingin nito at walang mababakasang emosyon.

"Good day, everyone. I am here to present my speech to you. We all know about the hardships of knights who fight for the safety of our country. They fight against internal and external threats to maintain peace. But our main goal is to ensure national unity. I need your help and cooperation to achieve national security."

Lahat sila ay sabay-sabay na inangat ang kanilang hawak na espada. "I will defend the weak. I will defend freedom. I will sacrifice myself for the sake of the country's people. I live with honor!" 

Isa-isa akong lumapit para bigyan sila ng badge. Lahat ay may pare-parehong ranggo kahit nanggaling ka pa sa isang noble family. Pantay ang recruitment dahil bumabase sa skills ang palasyo. Kaya kahit ang mga mahihirap ay may pagkakataon maging knight, hindi nga lang nabibigyan ng pagkakataong umangat sa pwesto. Depende na lang sa laki ng contribution saka nagkakaroon ng exception.

"You are all going to have a year of assessment. Enhance yourselves and be prepared at any moment. Our meeting will end here."

Tumalikod na ako para iwan sila. Sinundan naman agad ako ng assistant ko para sa magbigay ng panibagong report.

Ways To Escape DeathWhere stories live. Discover now