Chapter 29: Killian's POV (Part V)

10.1K 923 398
                                    

Killian's POV

"Here comes the celebrant of today's event. The future sun of the empire, His Highness, the Crown Prince Lawrence! Together with the young lady from the house of Marquess Philip, Lady Beatrice!"

Everyone is looking in their direction, and so do I. Beatrice looks gorgeous today. Even the other guests' concluded the same opinion as mine. She is with the Crown Prince, Lawrence William. I guess this is their way of publicizing their relationship.

I took a glance at Elizabeth to see her reaction. She is holding a glass of champagne while watching them from afar, even until they take the lead on the first music. She never took her eyes away from them.

If I invite Beatrice for the second song, will she also take notice of me?

"Greetings, milady. May I have this dance?" I offer my hand to Beatrice. She gladly accepted it, then we danced in the center of the platform.

Beatrice trying to start a conversation with me, I act like usual. But my consciousness is with someone else. I can't take her off inside my head.

I really can't understand myself. Why do I feel this way?

I simply glance in her direction, but her eyes are fixed with something else. For me to see who or what she is looking at, pinaikot ko si Beatrice para magkapalit kami ng pwesto. There I saw Lawrence, obviously looking for Elizabeth. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng inis. Na para bang ayoko silang magkita. I greeted my teeth to suppress my anger.

"Is there something wrong?" asked Beatrice.

I guess she felt the sudden changes in my mood.

"Sorry, I should excuse myself," bulong ko kay Beatrice. Pinilit kong hindi ipahalata ang galit sa boses ko.

"Why? W-wait—"

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita, iniwan ko siyang nakatayo sa gitna. Dire-diretso lang ang lakad ko papunta sa pwesto ni Elizabeth.

A nobleman's trying to interrupt me. "Duke—" Pero hindi ko hinayaang pigilan niya ako.

Nang marating ko ang lokasyon, wala na siya sa kinatatayuan niya. "So fast. Where the hell is she?"

Lumingon-lingon ako sa paligid, hanggang sa nakita ko ang natatanging bukas na pinto patungo sa likod ng palasyo. I activated my Observation Qi, to sharpen my sight.

There I saw her aura, she was walking alone. Medyo malayo na rin siya rito sa palasyo. Sinundan ko ang dinaanan niya. Kahit malayo ay nakikita ko siya. She stopped in one location, but to my surprise, bigla ko na lang hindi makita aura niya. Lakad takbo kong tinungo ang direksyon nito. Nahinto ako sa isang lugar na walang kaliwa-liwanag. Palinga-linga ako, para ma-check kung saan siya nagtatago.

Dahan-dahan akong humakbang paharap. Inangat ko ang aking paningin sa kalangitan para gamitin ang buwan upang maging mga mata ko. Habang nakatanaw, nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran. Pinalakas ko ang ihip ng hangin, upang sadyain na guluhin ang pustura ng taong sinundan ako papunta rito. Nagsilabasan mula sa taguan ang mga alitaptap dahil sa aking pag-abala.

Ang liwanag ng buwan ay tumutok sa isang lokasyon, kung saan siya nakatago.

Madali kong hinarap ang kinaroroonan niya. Hindi ko binigyang pansin ang pagkadapa ni Beatrice sa lupa. Nakatutok lang ang atensyon ko sa pakay ko. Nakatayo siya't namimilog ang mga matang nakatitig sa 'kin.

"At last, nagpakita ka rin."

"Bakit ka umiwas—ack!"

Naalarma ako sa pag-ubo niya. May naamoy akong dugo na nahalo sa simoy ng hangin. Habang nakatakip siya sa bibig gamit ang sariling palad, tinuro niya ako sa aking kinatatayuan.

She glared at me. "Panira ka ng atmosphere! Bwisit ka!"

This time, napaluhod siya sa lupa dahil sa panghihina. Madali akong lumapit sa kinaroroonan niya. Nanginginig ang mga braso nitong nakaalalay sa lupa para hindi siya matumba.

When I lifted her like a bride, hindi siya nagreklamo. Patuloy lang ang pag-ubo nito hanggang sa makabalik kami ng palasyo. Kumalat na ang dugo sa dibdib niya.

"Elizabeth!" Mabilis nakalapit ang pamilya niya sa kinatatayuan namin.

Sumunod naman ang isang doktor para pakiramdaman ang pulso ni Elizabeth. Nailing siya sabay sabi, "Ilang minuto na lang ang itatagal ng buhay niya."

"Ano ang nangyari sa anak ko!" galit na sigaw sa 'kin ng Duke.

I give him my bored look. Do I also need to act dumb or something? "Naabutan ko siyang ganito ang hitsura," sagot ko.

"Sa palagay ko ay nilason siya. Her pulse and heartbeat are irregular. It is even hard to feel. Her body temperature drops. Her skin color is abnormal. These are the symptoms of poisoning. She has trouble breathing. She is already vomiting blood, ibig sabihin kanina pa kumalat ang lason sa katawan niya, " the doctor explained.

"Investigate this matter, here and now!" utos ng Emperor. Dahil dito ay nagkagulo ang mga bisita.

Natigilan ako nang maramdaman ang pag-ubo niya sa dibdib ko. Pinunas niya pa 'yong labi niya sa coat ko. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang patagong ngisi niya. This brat!

"Hindi halata, naka-maroon ka naman ... ." pabulong niyang sabi, sapat para marinig ko. Ipinikit niya ang mga mata saka muling sumandal sa 'kin.

Huminga na lang ako ng malalim para mabawasan ang inis na nararamdaman ko. Pagdating sa kaniya ... natutunan kong magpahaba ng pasensya.

Nangunot ang noo ko nang hawakan ni Lawrence 'yong kamay niya. Mas lalo kong naramdaman 'yong pagkulo ng dugo ko. Masama ko siyang tinitigan.

Patamaan ko kaya siya ng kidlat?

Ibubulong ko na sana ang mahika, nang bawiin ni Elizabeth 'yong kamay niya sa pagkakahawak nito. Naistatwa ako nang yakapin niya ako sa leegan.

"Bago ako mabura sa mundo, iiwanan muna kita ng problema," bulong niya at saka humagikhik.

Bumagal ang function ng utak ko, at mas bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Nahihirapan akong huminga.

Bumalik lang ako sa katinuan nang maramdaman ang malalim niyang halik sa aking labi. Natutugunan ko siya kahit tulala ako dahil sa gulat. I licked her lips and explore her mouth. Nalalasahan ko pa ang dugo sa loob ng labi niya.

Marami ang napasinghap. Maging si Lawrence, hindi makapaniwala sa nakikita. I smirked. Tumagal ng ilang segundo ang palabas, bago siya tuluyang bumitaw at mawalan ng malay.

Hindi ko binigyang pansin ang ingay sa paligid dahil tanging siya lang ang nakikita ko. Nilapit ko ang mukha ko sa gilid ng tenga niya. "Galingan mo sa pagtatago. Hindi ka makakawala sa 'kin."

You need to take full responsibility for what you did. You better prepare yourself, my love.

Ways To Escape DeathWhere stories live. Discover now