Chapter 67: Cold as Ice

5.8K 308 19
                                    

Third Person's POV

"Sinasabi mo bang … paniwalaan ko 'yang rason mo?"

Sophia felt chills, down her spine. Malamig ang boses, titig, at ekspresyon na makikita sa mukha ng binata. Ang kaninang puno ng emosyon, tuluyan na naging blangko. Hindi niya malaman ang tumatakbo sa isipan ni Killian, nakakaramdam tuloy siya ng pagkabalisa dahil dito. It's like she wants to hide and run away from his sight.

"I thought you knew me well..." He looks to his side, to avert his attention. "I've believed, and always thought of that."

Killian walks towards her, slowly. Huminto siya sa harapan ng dalaga, at saka inilapit ang ulo sa gilid ng mukha nito. "...but I was mistaken," he whispered to her ear.

Napaawang ang ibabang labi ni Sophia. Bumagal ang tibok ng puso nito, sinabayan pa ng parang tinusukan ng libo-libong karayom.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa paligid. "Clang!" Tanging ingay lamang ng pagbagsak ng kutsilyo sa sahig ang nakapag pabalik sa katinuan niya.

Kahit na hindi niya ito tingnan ng direkta, nakikita ng dalaga sa peripheral vision ang mababang tingin ni Killian sa kaniya. "Kung hindi man 'yon, alin? Hanggang ngayon ba … tingin mo pa rin sa 'kin, isa sa mga karakter ng kwento na nabasa mo?"

Doon na napalingon si Sophia sa gawi niya. "H-how? Paano mo nalaman ang tungkol sa libro?"

"You assumed, wala akong alam?" He scorned. "Did you have fun?"

"Fun … in what?"

"Seeing me, a prideful man, getting anxious every time you head to places that might cause you danger."

Sunod-sunod pumasok ang mga alaala sa isipan niya. Noong panahon na siya ay nasa panganib, ang lalaki ay hindi nahuhuli sa pagligtas dito. When her power berserk because of awakening, Killian is there to help her stabilize; the same occurred in the Diamante Kingdom, currently known as Staves. Noong araw na siya ay dinukot at pinahirapan ni Elizabeth, he saved her from near death.

"...ready to give you his all, just to support your goals."

Napatakip ng bibig si Sophia saka humikbi, at napaisip, "Ano itong nagawa ko? Sa kabila ng mga mabubuting bagay, at sakripisyo na ginawa niya para sa akin ... naging sarado ang utak ko dahil lang sa alaala na hindi naman kumpleto. This isn't like me at all!"

"Why did I allow myself to look like a fool, hm? Having my eyes set only for you, I bet it was amusing, isn't it?" he mumbled.

"Killian, that's not it..."

"Then, what?" pasigaw na tanong nito saka mahigpit na hinawakan ang parehong balikat ng dalaga. "You didn't even ask how I felt, after learning that you were the one who gave me this curse." Nakababa ang tingin nito sa sahig, wala siyang ibang maramdaman kundi ang pamamanhid, habang ang puso niya ay parang dinaganan ng mabigat na bagay.

Inangat niya ang kaniyang mukha upang salubungin ang mga mata ni Sophia. "How shall I deal with your wickedness?" he said, coldly. "What kind of punishment should I execute you?" The man reached her left cheek, he caressed it with his backhand, slowly tracing down to pinch her chin. "Tell me, Sophia. Should I make my infamous reputation a reality? Just like how the novel (Beatrice's Love) narrated my personality?"

Parang naputulan ng dila ang dalaga, hindi niya magawa iboses ang saloobin. Magulo, at sumasakit ang ulo nito dahil sa sitwasyon. Pinili na lamang niya ang manahimik upang maiwasan na makapag bitaw pa ng maaari niyang pagsisihan sa huli.

"Bakit kailangan ko pa nga bang hingin ang opinyon mo?" Pagak siyang natawa.

Hinanda ng binata ang sarili na lisanin ang lugar. Nagliwanag ang kinatatayuan nito, at may mga kuryente rin ang unti-unting lumalamon sa ibabang parte ng katawan niya. "...I have my ways to make your life miserable."

'Yon ang mga huling salita na narinig ni Sophia bago tuluyang naglaho si Killian.

Ilang minuto lang ang lumipas nang may sunod na dumating. Bumungad sa taong 'yon ang dalaga na parang istatwang nakatayo sa gitna ng silid, tulala at parang may tinatanaw sa kawalan.

"Sophia..." Lawrence called as he immediately moved his pace forward to her. When he patted her right arm, she momentarily noticed his presence.

"Lawrence," she mumbled.

Marahil sa pagod at panghihina, hinayaan niya ang sarili na mapasandal sa dibdib ng Prinsipe, ginawa niyang pang suporta sa sarili ang kaniyang noo.

"From higher classes of nobles, middle-class areas, and commoners' towns, magkakaroon ng malawakang pagtugis sa 'yo. It was my father, Emperor's royal declaration. Any minute from now, the knights will come to inspect this place. Sa ngayon, tanging ang Imperial Palace lang ang safe zone para sa 'yo."

She simply nodded her head in response. "Hm."

Lawrence touched the back of her head, sighing. "I will take you with me to my palace."

Hearing this offer, the lady didn't feel a second thought to accept it. "Kailangan ko munang makahinga. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko," she thought.

"Zero Four," tawag ni Sophia gamit ang isipan.

Ang Shadow General Elf na si Zero Four na kasalukuyang pinangungunahan ang paglilinis ng Cold Palace. Nahinto ito sa ginagawa na pagpupunas ng malaking bintana nang marinig nito ang boses sa isipan. "Yes, Master?" he replied using telepathy.

"All of you, return now." The order was amassed to everyone.

Nahinto ang shadow servants at maids sa kanilang pinagkakaabalahan. Lahat ay napalingon sa isang direksyon, saka madaling tinungo ang lokasyon niya.

Nasaksihan ni Lawrence ang sunod-sunod na aninong pumasok sa anino ni Sophia. Nang matapos ang proseso ay sandali siyang nataranta noong bumagsak bigla ang kaharap. Mabuti na lamang ay nasalo niya kaagad ito bago pa man tumama sa sahig ang ulo ng dalaga.

"S-Sophia?" Mahina niyang tinapik ang pisngi nito. He observes her complexion, she's pale and has trouble breathing. Her body temperature isn't normal.

Pinunit ni Lawrence ang dala niyang eternal scroll, and it only takes minutes nang marating nilang pareho ang pribadong silid sa kaniyang palasyo.

He immediately put her on his king-size bed, then called Bea—one of his trusted knights—to ask for assistance. She is the only girl knight that he appointed to his side.

Bea Lark, twenty-six years old, currently residing in a middle-class area, and the closest cousin of Lawrence. Sa hindi malamang dahilan, mas pinili nito ang maging kabalyero kaysa mamuhay bilang isang prinsesa.

Siya ay naging kahihiyan sa pamilya dahil labag sa panuntunan ang nais niya. Kaya naman ay inalis ang pangalan niya sa ilalim ng William Royal Family. They even remove her noble status, and surname.

"I greet the future sun of Asterin."

"Bea, please take care of her," he said.

Nilingon ni Bea ang tinutukoy nitong babae na walang malay sa ibabaw ng kama. Base sa malalamig na pawis nito sa noo, at pamumula ng pisngi. Madali niyang napagtanto na si Sophia ay kasalukuyang nilalagnat. She bowed her head before answering back, "Yes, I will, Your Highness."

Ways To Escape DeathWhere stories live. Discover now