Chapter 60: Imperial Palace

6.1K 357 6
                                    

Sophia's POV

"Welcome to the Prince's Palace, Baron Klein, and Lady Sophia," bungad sa 'min ng head butler.

Tumabi ako kay Klein habang nasa likuran ko naman si Mileya na bitbit ang bagahe ko.

"His Highness is waiting at his office. This way, please." Umuna ito sa paglalakad upang gabayan kami patungo sa nasabing opisina. Nagkatinginan kami ni Klein sa isa't isa saka sumunod dito.

Habang tinatahak namin ang daan, pasimple kong tinawag si Zero Two sa aking isipan.

"Yes, master?" he answered back.

"Bring ten soldiers with you, then investigate this Palace."

"Copy."

Madali silang nagsilabasan mula sa anino ko at saka nagsipag takbuhan sa iba't ibang direksyon. Some soldiers attached themselves to the shadows of servants and employees of the Palace.

"Zero One," I called for my General rank shadow mage.

"Yes, master?" she answered back.

"Bring some mage with you. Specify the location of an artifact that has the similar energy as you."

"Okay, master."

Hindi ko na nakita kung ilan ang sinama niyang shadow mage dahil napakabilis nilang magsiliparan palayo.

Hindi rin nagtagal ay narating namin ang harap ng opisina ni Lawrence. May dalawang royal guard ang nakabantay, pinagbuksan nila kami ng pintuan. Naiwan sa labas ang butler pati si Mileya. Kami lamang ni Klein ang pinayagang makapasok.

Naabutan namin siyang nakaharap sa trabaho. Inaasikaso nito ang dalawang nagtataasang mga papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya.

"I greet the future sun of Asterin Empire, His Highness, Crown Prince Lawrence," magalang na bati ni Klein upang ipaalam dito ang presensya namin. Nanatili akong tahimik sa aking kinatatayuan saka siya ginaya sa pagyuko.

Napansin naman nito ang aming presensya kaya agad siyang huminto sa ginagawa. Nilapag niya ang hawak na quill saka tumayo para kami ay lapitan.

"I am pleased you're here, Baron Klein."

"Here is my foster daughter, Sophia."

"I hope you are doing well these days, Your Highness," pagbati ko.

"Thank you for your concern, Lady Sophia. Will you allow me to express my appreciation for your attendance?"

Tinanggap ko ang alok nito at hinayaan siyang halikan ang likod ng aking palad.

"The royal family's designer will arrive soon to have her measurements." Tumayo siya ng tuwid para ipaalam ito kay Klein.

"It's an honor, Your Highness. Thank you for letting my daughter borrow him." Itinapat niya ang palad sa kaliwang dibdib saka binaba ang paningin.

"This is nothing but a responsibility of mine. Come with me, I prepared everything for your arrival."

Pinauna namin siya sa paglalakad, sumunod kami sa kaniyang likuran.

Sa paglabas namin ng pintuan, wala na do'n ang butler pati si Mileya dahilan para makaramdam ng pagkabalisa si Klein. Kinurot ko ito sa balikat upang makuha ko ang atensyon niya. Nang lingunin niya ako ay saka ko siya sinamaan ng tingin. He let out a sigh then fixed his posture.

Hindi rin nagtagal ay narating namin ang aming patutunguhan. Pinagbuksan kami ng pintuan ng royal guards na nakabantay sa tapat ng entrance.

"Here they are," bungad ng Prinsipe sa mga taong naghihintay sa loob.

Ways To Escape DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon