Chapter 47: Hunting Event

7.5K 466 29
                                    

Sophia's POV

Naabutan ko siyang napapaligiran ng noble ladies. Halata sa mukha niya ang hindi pagkatuwa sa mga ito.

"Francisco," tawag ko rito.

Pare-pareho silang natigilan. Natulala ang mga kababaihan nang makita ako.

"Sir, will you accept my handkerchief?" May lumapit sa 'king noble lady habang bitbit ang kaniyang dilaw na panyo.

"Sure." Tinanggap ko iyon saka nginitian ang dalaga. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at kaakit-akit na tingin bago ako talikuran.

"Please accept this!"
"Also mine!"
"Here."
"I wish for you to have a safe return, Sir."
"I hope you will remember me."
"This is for you."

Sunod-sunod lumapit ang mga kababaihan para ibigay sa akin ang kanilang embroidered handkerchief-to wish me luck and a safe return.

Nakaramdam ako ng mga matatalim na titig sa aking likuran. Ito ay galing sa mga kabalyero na wala pang natatanggap na ni isang panyo.

"Mas malakas pa dating mo sa babae," he said to annoy me.

"Kapag inggit, pikit," asar ko pabalik.

"Tss."

"Here's yours." Inabot ko kay Francisco ang panyo na isa sa mga hawak ko. Tahimik niya lang itong tinanggap saka tinali sa hawakan ng espada niya. I randomly pick mine, para itali sa wrist ko.

Binigay ko kay Zero One ang mga natitirang panyo, para i-distribute sa mga wala pang natatanggap. Nagkaro'n ang mga ito ng malawak na ngiti sa labi at saka nahihiyang nagpasalamat sa kaniya.

"Now that I think about it. Are you not aware that Beatrice is the Crown Princess?" I asked him because of curiosity. Bigla kasi ulit sumagi sa isip ko 'yong nangyari sa ceremony.

"I do know," he answered.

"Then why did you treat her like that?" I am referring to the scene he caused to humiliate her.

"It's like you still can't figure me out. You know I dislike people like her."

I tilted my head. "What do you mean by people like her?" I am confused by his statement.

"Magsisimula na," paalala sa 'kin ni Francisco. Hindi niya nasagot ang tanong ko.

TUMUNOG ang kampana, senyales na kailangan mag-ipon sa gitna ang mga manlalaro. Nagtungo si Francisco sa harapan dahil high-ranking officer siya. Nanatili naman ako sa pinakadulo ng pila. Ipinaliwanag ng host ang magiging puntos sa bawat hayop na maaari naming hulihin sa pangangaso. He began on weak ones to wild animals. Weak ones like rabbits, deers, wild boars, etc. And, tough ones like tigers, lions, black bears, etc.

"...and that's all you need to know," pagtatapos ng host sa paliwanag. Umatras ito saka magalang na humarap sa Crown Prince at Crown Princess.

"Hinihiling ko ang inyong mga kaligtasan," Beatrice declared openly for everyone.

Karamihan sa mga kabalyero ay natigilan sa kagandahan niya.

Humarap si Beatrice kay Lawrence para ibigay ang kaniyang panyo. Tinanggap din ito ng Crown Prince saka hinalikan ang likod ng palad niya.

Nang pinatunog nila muli ang kampana-senyales ng pagsisimula ng paligsahan-nagsimula na kaming maglakad papasok sa kagubatan. Hindi ko kasama si Francisco dahil kailangan niyang samahan si Lawrence.

Humiwalay ako sa mga kabalyero na patungo sa isang direksyon. Gumawi ako sa kaliwang bahagi. Habang binabaybay ko ang daan, sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng usa. Nakatago ito sa likuran ng malaking puno, tanging ibabang bahagi lang ng katawan nito ang nakalabas. Balak ko sanang umabante upang hulihin iyon kaso naunahan ako ng kung sino. Nagpakawala siya ng pana sa direksyon ng usa at natamaan niya ito. Nilingon ko ang aking likuran dahil do'n nagmumula ang pinakawalang atake.

"Sorry dude, sa 'kin ang huling 'yon," he playfully said.

Natatandaan ko ... siya 'yong knight na hindi kasama sa giyera laban sa Diamante. Kung ganoon ay maayos na pala ang kalagayan niya.

Nang talikuran niya ako, pasimpleng bumalik sa anino ko ang mga shadow soldier na nagbantay sa kaniya.

"You all did a great job," pabulong kong mensahe sa mga ito.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Tinalasan ko ang senses ko para malaman ang kinaroroonan ng tough ones prey animals.

Hindi rin nagtagal ay nakakita ako ng itim na lobo sa hindi kalayuan. Napansin din nito ang presensya ko pero imbes na tumakbo palayo ay balak pa niyang lumaban.

I take out my dagger then position myself for a fight. This wolf isn't an ordinary one, his size exceeded the normal.

He is drooling while gritting his teeth. He is giving me death stares then slowly walks in my direction.
Namilog ang aking mga mata sa bilis ng kilos nito no'ng siya ay umatake. Ang naging puntirya niya ay ang tuhod ko kaya tumalon ako palayo sa kaniya. Kasalukuyan akong nakalambitin sa matayog na punong kinapitan ko. Nakakapit ako sa sanga ng puno saka ko siya pinagmasdan sa ibaba, gano'n din ito sa 'kin.

Mas nasurpresa ako no'ng may kakayahan din itong tumalon ng pagkataas-taas para abutin ako. Pinalabas ko ang aking shadow whip para lumipat sa kaharap na puno. Nang makahanap ako ng tamang lugar na pagbababaan, I stretched my whip to land in that direction. Pinagmasdan ko ang lobong mabilis na tumatakbo patungo sa 'kin. Mahigpit kong kinapitan ang whip saka bumwelo para itali ito sa kaniyang leeg. He growled loudly then bite the whip to pull me closer to him. Nagpadala lang ako sa pwersa ng pagkakahatak niya habang nakaabang ang kamay kong may hawak na dagger. Nagpadausdos ako sa lupa saka tinarak ang kutsilyo sa kaniyang ilalim, mula sa leeg hanggang sa tiyan. Siniguro ko ring matatamaan ang kaniyang puso upang ito ay hindi na magkaroon ng pagkakataong lumaban pa.

Mula sa pagkakahiga, nilingon ko ito upang alamin ang kaniyang kondisyon. Bumagsak ito sa lupa na wala ng buhay.

Kumuha ako ng panyo sa aking bulsa para punasan ang dugong tumalsik sa aking mukha. Naglabas ako ng tali mula sa spatial ring para gamiting panali sa lobo.

Nang matapos ko itong talian, nanatili akong nakatayo sa tabi nito habang nakapamewang. I am wondering if I could handle his weight. Sinubukan ko itong buhatin para alamin kung kakayanin ko nga ba.

"I forgot. This is sure easy for me to carry this," sabi ko sa aking sarili.

Minsan nakakalimutan kong hindi nga pala normal ang physical strength ko. Binagsak ko ito sa lupa dahilan para maglikha ito ng malakas na tunog. Naubo ako sa alikabok na nagkalat sa paligid. Hinawakan kong muli ang tali para sana ay simulan ang paghila rito-nang matigilan ako sa aking paghakbang.

"Ah," daing ko sa biglaang pagsikip ng aking puso. Unti-unti kong nararamdaman ang aking panghihina. Napaluhod ako sa sahig habang mahigpit na nakakapit sa aking dibdib. Hindi ako makahinga ng maayos, ang bigat ng presensya sa paligid.

Nakaramdam ako ng kaba no'ng maramdaman kong hindi ko magamit ang kapangyarihan ko. Nasisiguro ko na nawalan ako ng koneksyon kay Zero One. Maaaring hindi naging stable ang form niya dahil sa kalagayan ko. Sigurado rin akong hindi naka-conceal ang aking itsura ngayon.

I heard someone steps coming near in my direction. Pinilit kong maupo ng maayos saka inangat ang dagger ko. No'ng nahinto siya sa harapan ko, mas lalo akong nakaramdam ng paghihirap.

Pinagmasdan ko siya mula sa kaniyang paa hanggang sa nahinto ang aking paningin sa bagay na dahilan ng nararamdaman ko. Suot niya ang kwintas na may sword pendant. Nagliliwanag ito ng kulay puti, para nitong hinihigop ang buong lakas ko.

"Aaaah!" Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit. My heart feels like stabbing into pieces.

"Elizabeth?" Mahahalata sa kaniyang tono ang pagkagulat.

Napayukom ako ng aking kamao. Lihim akong napapamura sa aking isipan. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa siya nagpakita?

Hirap man ay nagawa ko pang salubungin ang kaniyang paningin.

"Lawrence..."

Ways To Escape DeathWhere stories live. Discover now