Chapter 57: His Sweet Side

7.5K 460 51
                                    

Sophia's POV

Nagising ako dahil sa mabangong amoy na nalalanghap ng ilong ko. Pagdilat ko ng aking mga mata, nilingon ko ang direksyon ng pinanggagalingan nito. Bumungad sa akin si Killian na naghahanda ng agahan. Katulong niya ang isang matanda na lalaki na sa tingin ko ... siya ang head butler ng mansyon.

Hinilot ko ang aking mga mata upang luminaw ang aking paningin. Duke Adir is wearing white plain long-sleeves, tinupi niya ang manggas nito hanggang siko. He is wearing black fitted slacks and a pair of tan penny loafers. He inserted his long-sleeves in his pants while a gray apron is over his body.

I can't help but stare at him. Letting his hair down and a bit messy makes him look less intimidating. Nagiging maamo ang mukha niya sa ganiyang ayos.

"Do you think she would enjoy my cooking?" Killian asked his butler.

The old man nodded his head in response. "Yes, milord."

"Does the plating looks perfect?" sunod nitong tanong.

"It is, milord."

Hindi siya kumbinsido sa pagsang-ayon nito. Napahawak siya sa baba niya. "You can freely express your opinions, Tristan."

"The arrangement is neat and it is beautifully decorated. Its taste is more flavorful and pleasing than those dishes made from high-class restaurants."

Napahawak si Killian sa batok niya habang nakatitig sa mga nakalapag sa ibabaw ng lamesa. He crossed his arms then taps his foot on the ground. Nangunot ang noo niya ng napansin na medyo tabingi ang paghilira sa isa sa utensils. He leans forward to carefully adjust the mistake.

Mahina akong humagikhik habang pinapanood siya. Napalingon sa gawi ko ang matanda, yumuko siya sa harap ni Killian saka binalita rito ang paggising ko. "The mistress is awake, milord."

Madali ako nitong nilingon saka lakad-takbong lumapit sa aking higaan. "Good morning, Sophia," he said before giving a kiss on my temple.

"Good morning to you too," I answered back.

"What do you wish to do first? Taking a bath or eating breakfast?" Inalalayan nito ang aking likuran para makaupo ako ng maayos.

Sinandal ko ang aking sarili sa kaniya. "You already prepared our meal. Kakain na muna ako bago pa 'yon lumamig."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko upang titigan ang aking itsura. "Namamaga ang mga mata mo pero maganda ka pa rin."

I rolled my eyes at him. "Huwag mo na ako bolahin. Hindi magbabago na kasalanan mo kung bakit ganito ang itsura ko ngayon."

He immediately averted his eyes in a different direction. "I received a call from Klein earlier, he said he has something important to discuss with you so we have to go there today."

I chuckled. "You're pretty good at changing subjects ha?"

He pouted his lips. "Sorry, okay? Paano mo 'ko masisisi? When it comes to you, I became immature and can be swayed easily."

I heave a sigh. "It can't be helped then. What the-?" Namilog ang mata ko nang buhatin niya ako ng pa-bridal style. Napakapit ako sa leeg niya para hindi ako mahulog.

"Enough with the chit-chat. Let's eat," he said. "Tristan, you may leave everything to me. I want to serve my beloved by myself," he continued.

"I will follow your command, milord." The old man named Tristan bowed his head before leaving us alone.

"Killian, you don't have to carry me like this," nahihiya kong sabi.

Binaba niya ako no'ng marating namin ang lamesa. Pinaghila niya rin ako ng upuan para roon ako maupo, I accepted his offer.

"Are you uncomfortable with it?"

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Napayuko ako upang hindi niya ito makita. "It's not that ... baka kasi mabigat ako," I said.

"Ha? What do you mean? Didn't you try to see yourself in the mirror?" he asked with a serious look.

"What about it?"

Naupo siya sa tabi ko. "You're skinny and..." Bumaba ang paningin nito sa bandang dibdib ko. "...there are no fats?"

Hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Did you just insulted me?"

He shook his head then waved his hands to deny it. "N-no! I find it cute actually." Humarap ito sa lamesa saka nilagyan ng steak burritos 'yong plato ko. "How about we begin our meal?" pang-iiba nito ng usapan.

Sumimangot na lang ako saka nilapit ang sarili sa hapag-kainan. Sinuri ko isa-isa ang mga hinanda niya na pagkain. Huevos Rancheros, Potato and Zucchini Frittata, and Steak Burritos. For our drinks, he prepared healthy breakfast smoothies, he used frozen fruit rather than adding ice results in a thick and creamy consistency. The platings are well-served, I like how he decorated it all.

I started savoring the food he served in front of me, which is the burritos. He is intently observing my face to see what would be my reactions.

"This is pretty good," I said surprisingly.

Malawak siyang napangisi. "What else can I say? There's nothing in the world I can't do."

Hindi ko na lamang siya pinansin. Naka-focus kasi ang atensyon ko sa pag-ubos ng aking pagkain para matikman ko naman ang iba pa.

"Here." Nakangiting inabot sa 'kin ni Killian ang plato sa hindi kalayuan.

"Bakit hindi mo ituon ang sarili mo sa iyong umagahan? Hindi 'yong nakatitig ka lang sa 'kin," sabi ko habang nakakunot ang noo.

Nakatitig siya sa 'kin habang ang siko nito ay nasa ibabaw ng lamesa, at ang baba ay nakapatong sa palad.

He patted my head. "Don't mind me, I am just admiring the view of you."

"Anong kabaliwan na naman 'yang sinasabi mo? Here." Nilapit ko sa bibig niya ang kutsara kong may pagkain. Galak naman niyang tinanggap ang alok ko.

Matapos ang agahan, dumiretso kami sa banyo ng kaniyang silid. Natanaw ko ang bathtub mula sa aking kinatatayuan, ang lamang tubig nito ay may nakalutang na scented petals. Lumapit ako roon upang pakiramdaman ang temperatura, sakto lamang ang init nito.

"Did you also prepare this by yourself?"

Nilingon niya ang direksyon ko habang hinuhubad nito ang suot na apron. "Yes. Sometimes I do things on my own 'cause I don't allow any servants to enter here except for Tristan."

"I understand. You may go."

He tilted his head. "Why?"

"What do you mean, why? Go!" Tinulak ko siya palabas ng pintuan.

"Kung papalabasin mo ako. Sinong magpapaliligo sa iyo?"

Padabog kong sinara ang pintuan at siniguro na naka-lock ito. "I can also do things on my own!"

"Eh?" Narinig kong reklamo niya.

Ways To Escape DeathWhere stories live. Discover now