Chapter 14: A Mother's Favor

Start from the beginning
                                    

            Hindi talaga lubusang maintindihan ni Monic ang takbo ng pag-iisip bilang isang ina ng dati niyang kaibigan. Kasi siya, matagal na niyang binuo ang kanyang isipan na hindi niya gagawin sa sariling anak ang pagbabalewalang ginagawa sa kanya ng kanyang mga magulang.

            Bakit, Yvette?

            Biglang naputol ang malalim na pag-iisip ni Monic nang makarinig siya ng ingay mula sa itaas. Ingay na para bang may mabibigat na lalagyang nahulog.

            Kinabahan si Monic, pero buti na lang ay marunong siyang humandle ng kaba. Pinanatili niyang kalmado ang sarili bago hiniga nang maayos at iniwan si Alannah sa sofa. Agad siyang pumanhik sa ikalawang palapag at hinanap ang pinanggalingan ng ingay—na ‘yung kuwarto pala na nagsisilbing bodega.

            Nakabukas ang pinto ng kuwarto kaya sumilip siya roon. Nakita naman niya ang ina ni Marky na nagliligpit ng mga nagkalat na gamit sa sahig. May mga kahon sa tabi nito na malamang, nahulog at siyang nag-sanhi ng ingay kanina.

            “Tita Malou? Ayos lang po kayo?” Tanong ni Monic sa matanda.

            “Ay,” nagulat ito sa bigla-bigla niyang pagsasalita, pagkatapos ay natawa. “Nako, oo. Nahulog ko lang itong isang karton.”

            “Tulungan ko na po kayo.” At dali-dali ngang tumulong si Monic sa pagliligpit.

            Workaholic. That was another thing na napansin ni Monic sa ina ni Marky. Gaya ng naisip niya noon, nakasanayan nga nito na kumilos nang kumilos. Kahit Linggo pa na araw ng pagpapahinga ay hindi nito pinapalagpas.

            “Kailangan ko nang magbawas ng kalat dito eh,” dahilan pa ng matanda pagkalagay ng isang kahon sa sulok. “Pinagalitan kasi ako ni Marky nung makita niya ang kuwarto na ‘to. Ang dami na raw masyadong tambak.”

            Loko ‘yon. Pagalitan ba raw ang mama niya? Isip ni Monic, at tinuloy-tuloy na ang pagtulong sa paglilinis at pagbabawas ng kalat doon sa kuwarto.

            “Si Marky po ba ‘to?” Hindi makapaniwalang tanong ni Monic nang buksan ang isang photo album na kanyang nahalungkat mula sa isang kahon.

            “Huh?” Naguguluhang tinignan siya ng matanda, at natawa nang makita ang tinititigan niyang album. “Saan diyan?” Lumapit ito sa kanya at naki-silip. “Ah oo! Si Marky nga ‘yan. Kasing edad niya si Alannah diyan. Ang payat niya no’n, ‘no?”

            Sobra! Gusto sanang isagot ni Monic pero natawa na lang siya. Ngayon lang siya nakakita ng lumang litrato ni Marky eh, at hindi niya inaasahang maaaliw siya nang ganon. Grabe. Who would have thought na ang payatot na ito noon ay magkakaroon ng magandang katawan ngayon?

            Binrowse niya pa pati ang ibang photo album na nahalungkat niya, kasabay ng pagkukuwento ni Malou tungkol sa bawat litratong nakikita nila. Nagsimula sila sa nakakatawang toddler pictures ng dati niyang nobyo, dumaan sa malungkot na parte kung kailan pumanaw ang ama nito dahil sa isang aksidente, hanggang sa maging mga litrato na iyon ni Malou sa Singapore kung saan ito nagtrabaho bilang domestic helper nang halos isang dekada.

            Oh. Natigilan naman na si Monic nang mapunta sila sa album na puro litrato nung high school at college days nila ni Marky. Sa bawat kuha, makikita ang naging usad ng relasyon nila. Mula pagiging magkaklase hanggang sa pagiging malapit na magkaibigan nila nung high school kasama si Yvette, at mula naman nang maging manliligaw niya ito hanggang sa maging sila na noong college days nila. Ang saya-saya lang nila noon. Malapit at sweet sa isa’t isa. Tapos...

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now