Chapter 14: A Mother's Favor

Magsimula sa umpisa
                                    

            Fulfilled. Somehow, ganon ang naramdaman ni Monic.

            “Tsk tsk, ano ‘yang pinabili mo kay Tita Nix mo ha?” Paninita ni Malou sa apo nang makalapit ito sa kanila, tulak-tulak ang push cart na may lamang tatlong malalaking grocery bags.

            “Nako, hindi niya po ‘yan pinabili. Nilibre ko lang po talaga siya.” Depensa ni Monic. “Ako na po.” At siya naman ang umako sa pagtutulak ng push cart.

            Napangiti ang matanda kasabay ng pag-akay sa apo. “Nag-thank you ka na ba kay Tita Nix, Alannah?”

            Napatigil sa pagkain ang bata at tumingala kay Monic. “Thank you po, Tita Nix!”

            “You’re welcome.” Nakangiting sagot ni Monic sabay abot sa mukha nito upang punasan ang dumi sa sulok ng mga labi nito. “Tara na?”

            At tumuloy na sila sa pag-alis.

                                                            ***

MATAPOS MANANGHALIAN, NAPATULOG ulit ni Monic si Alannah sa sala. Pero hindi lang ‘yon—dahil pati siya ay nakatulog din.

            What the hell, Monic?! Gustong pagalitan ni Monic ang sarili. Isa kasi sa pinaka-ayaw niya ay ang may makakitang natutulog siya. Nahihiya siya dahil pakiramdam niya, ang panget-panget niya habang natutulog.

            Pasado alas-kuwatro na. Pero tulug na tulog pa rin ang batang natutulog sa kandungan niya.

            Tumingin si Monic paligid. Hindi niya maramdaman kung nasaan ang lola nito. Nasa kainan kaya at nagme-meryenda? Nasa kusina at naghahanda ng kung ano? O nasa taas at natutulog?

            Ah, ewan.

            Sobrang tinatamad si Monic kumilos. Bumalik siya sa relaxed na pagkakasandal sa sofa at tinitigan ang batang natutulog sa kandungan niya. At ganon ulit ang nararamdaman niya—awa at pagka-ilusyonada.

            Kahit papaano, naiintindihan niya ang posibleng nararamdaman ngayon ni Alannah sa kasalukuyang estado ng pamilya nito. Halos ganon din kasi ang sitwasyon na kinalakihan niya. ‘Yung tipong may mga magulang na suwerte na niyang makasama nang isang beses sa isang buwan at sa mahahalagang okasyon. Mas masuwerte nga lang ang tingin niya kay Alannah kasi kahit papaano, todo effort ang ama nito sa pagbibigay ng atensyon. Eh siya? Parehas siyang binabalewala ng kanyang ama at ina.

            Pinaglaruan ni Monic ang buhok ni Alannah habang iniisip ang ina nito. Si Yvette. Nagawa rin kasing ikuwento sa kanya ng ina ni Marky ang pagpapabaya nito sa anak hanggang ngayon. Ang huli raw na pagkikita ng mga ito ay nung umuwi si Marky galing ibang bansa, wala pa namang isang buwan ang nakalilipas. Pero gaya raw ng nakasanayan nito, dadalaw lang ito sa anak kung kailan lang nito nanaisin—mga isang beses lang sa loob ng tatlong buwan—tapos saglit lang. Ayun bang dadaan lang ito sa bahay ng mag-lola at pagkarating, magbibigay lang ng pasalubong tapos aalis na.

            “Wala siyang amor sa bata.” Alaala ni Monic sa pagtuloy ni Malou sa kuwento nito kahapon. “Hindi ko nararamdaman ang pagiging ina niya kay Alannah.”

            Huminga nang malalim si Monic. Hindi niya maintindihan si Yvette. Lumaki ito nang walang mga magulang, tapos halos iparanas din nito iyon sa sariling anak?

            Nasabi rin ni Malou na malamang, binubunton ni Yvette kay Alannah ang sama ng loob sa pagpapahiya rito ni Marky sa biglang pag-urong sa kasal. Pero tama ba ‘yon?

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon