CHAPTER 32

2.9K 111 33
                                    


"Mom, sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Me and Vianca are in a relationship." Amin nito sa donya.

"What?!" Gulat at di makapaniwala sa narinig.

"Girlfriend ko na po si Vianca at mahal na mahal ko ito." Pagdidiin ng binata.

"Totoo ba ito Vianca?!" Ako naman ang binalingan ng tanong nito.

Napayuko ako dito at tumango.

"Tatapatin na kita Vianca, gusto kita bilang nurse ng anak ko. But hindi kita gusto bilang nobya niya!" Para akong nagulantang sa sinabi nito.

Kakatapos lang ng problema namin ni Top. Bagong pagsubok na naman kaya ito sa aming relasyon?

"Mom? Huwag mo naman sabihin yan. Via is a perfect girl for me. She's good in my health too. I think, kaya kong labanan ang sakit ko dahil sa kanya." Pagdidepensa ni Top sa akin.

"It's a BIG NO NO!!!" Mariin na sabi nito. Mas lalo akong napahawak sa kamay ni Top. Patay! I am not ready for this. Hindi ko man lang naisip na baka hindi ako magustuhan ng mommy ni Top na si Donya Teodora.

"Can you just be happy for me? Na kahit ganito ako ay may nagmamahal pa rin sa akin?" Makikita mo sa mga mata ng binata ang hinanakit sa mommy nito.

"My answer is final!!! Ayoko maging nobya mo si Vianca!!!" Napataas na ang boses ng mommy nito. Magsasalita pa sana si Top nang muling nagwika ang donya.

"Asawa pwede pa!" Saad nito.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Tama ba ang narinig ko? Samantala, napakunot naman ang noo ni Top sa kanyang mommy.

Ngumiti ang donya sa amin.

"It's a prank!" Wika nito pagkatapos.

"Mom!" Nakahinga naman ng maluwag si Top. "Akala ko talaga totoong ayaw niyo sa relasyon namin." Napayakap tuloy si Top sa kanyang mommy.

"Pasensya na kayo mga anak, nawiwindang kasi ako sa kwento ng Penthouse 3. Nakaka-stress ang mga ganap doon eh. Kaya sinubukan ko lang kung kaya ko bang umarte tulad sa kanila." Pag-amin ng donya. Napangiti naman ako sa narinig. Gagi! Kdrama lovers pala si Donya Teodora.

"Kayo talaga mom. Tinakot mo ako eh." Paglalambing ng binata sa mommy nia.

"So kailan pa naging kayo?" Tanong nito sa amin.

"Before kami pumunta ng palawan." Sagot ni Top.

"Ano? Nagpalawan kayo na di niyo ako sinama?" Tanong nito sa anak.

"Mom, syempre bonding namin yun mag syota." Wika naman ni Top.

"Nakakainggit naman kayo. Bakit si Daddy Fernando mo di man lang ako pinapasyal sa iba't ibang lugar? Dati-rati ang hilig niyang dalhin ako sa mga romantikong lugar. Ngayon hindi na. Masabihan nga mamaya yun na ipasyal naman ako." Natawa naman si Top sa tinuran ng mommy niya. Parang nagtampo bigla kasi ito sa asawa.

"Mom, ang importante andyan si Daddy for you always." Sagot naman dito ni Top.

"Sabagay, wala naman akong mahihiling pa sa pagmamahal ng daddy mo. Sa iyo lang kami nagkulang anak." Wika naman nito na nagpabago sa mood ni Top.

"Mom, huwag na nga natin yan pag-usapan!" Napataas ang boses nito sa ina. Nahalata naman ng donya ang pagbabago ng mood ng anak kaya bago pa masira ang magandang atmosphere sa paligid ay nagsalita na ako.

"Donya Teodora, baka gusto niyo po kaming saluhan ni Top kumain?" Anyaya ko sa Donya. Napangiti naman ang donya sa akin na parang nagpapasalamat.

Kinurot ko naman sa tagiliran si Top at pinanlakihan ng mata sa asal nito sa donya. Huminga naman ito ng malalim.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now