CHAPTER 14

4.8K 125 45
                                    


Tahimik ang mansyon nang ako ay magising kinaumagahan. Agad akong naghilamos at nag-ayos ng sarili bago ako lumabas ng kwarto.

Tinungo ko ang kusina upang magluto ng almusal namin ni Top. Nagtimpla na rin ako ng mainit na inumin para sa amin. Pinuntahan ko na ito sa kwarto upang gisingin at yayaing mag-almusal nang matapos ako sa pagluluto.

Ngunit wala akong nabungaran na tao sa kanyang kwarto.

"Nasaan si Top?" Takang tanong ko sa sarili.

Tinungo ko ang sariling banyo nito ngunit wala pa rin ito dito.

Hinanap ko sa bawat sulok ng bahay ngunit hindi ko makita ang binata. Kinabahan naman ako dahil nawawala yata ito.

"Asan kaya nagsuot ang lalaking yun?" Tanong ko ulit sa sarili.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko na nasa aking bulsa. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Sh*t!" Napamura na lang ako sa hangin. Ang mommy ni Top ang tumatawag. Ano ang sasabihin ko kung magtatanong ito kung nasaan ang binata?

Kahit kinakabahan man ay sinagot ko pa rin ang tawag nito.

"Hello po Donya Teodora?" Saad ko ng masagot ang tawag mula sa kabilang linya.

"Hija, I am calling you to say na nasa kanyang opisina si Top. Tinawagan ako nito na pupunta daw siya ng opisina ngayon. Tinanong ko naman kung nagpaalam siya sayo at ang sabi niya ay hindi. Baka nag-aalala ka sa kanya kaya minabuti ko nang tawagan ka." Balita naman ng donya sa akin. Buti naman at walang masamang nangyari dito. Kung pumunta ito ng opisina ngayon ibig sabihin bumalik na ito sa kanyang normal na pag-iisip di gaya ng kagabi.

"Ganoon po ba? Salamat naman po dahil kanina pa ako naghahanap sa kanya dito sa mansyon. Hindi ko alam kung saan ito nagsuot. Buti na lang po at napatawag kayo sa akin." Kwento ko naman dito mula sa kabilang linya.

"You can rest for today at least, hija. Alam kong mamaya pa ang uwi nun. Don't worry kasama naman ni Top ang pinsan niya kaya just relax at hintayin mo na lang makauwi ang alaga mo." Bilin nito sa akin.

"Sige po donya." Saad ko dito bago ito nagpaalam sa kabilang linya.

Parang di naman ako sanay na maglakad-lakad dito sa mansyon nang hindi nakikita si Top. Lagi kasi itong nakabuntot sa akin kapag nandito siya sa bahay. Pero ngayon, literal na mag-isa ko dito sa mansyon.

"Bakit kaya hindi ito nagpaalam sa akin? Nakakatampo naman ang ungas na yun." Saad ko sa aking sarili. Buti naman at gumising ito na hindi ang baby Top. At least nagawa nitong pumasok sa trabaho. Balita ko kasi ay naglileave ito from work. Syempre hindi alam ng mga tao sa opisina niya ang pinagdadaanan ng boss nila. Kaya, sana wag naman itong sumpungin ng kondisyon niya doon.

Kinuha ko na lang ang checklist na ibinigay sa akin ni Dr. Raul para sagutin ang mga obserbasyon ko sa binata sa nakaraang araw. Inabala ko muna ang sarili ko dito.

HATING GABI na nang may marinig akong kotse na parating. Hindi pa rin ako makatulog dahil hinihintay ko pa si Top umuwi. Agad kong tinungo ang gate upang pagbuksan ang sasakyan. Nakilala ko naman agad ang kotse ni Top.

Nagulat ako ng makita kong isang babae ang nagmamaneho ng kotse nito. Hindi ko ito kilala. Umibis ito ng kotse at binuksan ang pinto sa passenger seat at isang bulto naman ng lalaki ang nakita ko. Hindi ko rin ito kilala.

"Sino kaya sila?" Takang tanong ko sa sarili.

Umibis na ito sa kotse at hinila palabas ang kanina ko pang hinihintay na si Top.

Amoy alak ang tatlo. Pero sa tingin ko mas lasing na lasing si Top sa kanila.

Inakbayan ng dalawa si Top papasok sa bahay habang ako ay nasa likuran nila.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now