CHAPTER 26

2.9K 128 63
                                    


Para akong sinaksak ng maraming beses ng makita kong magkayakap ang dalawa sa kwarto habang hubo't hubad na natutulog ang mga ito. Ang kumot lang ang nagsisilbing takip sa kanilang katawan.

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha ko mula sa aking mga mata. Totoo na ito. Hindi na ito isang panaginip.

"Ano ang ibig sabihin nito?!!!" Tanong ko habang sumisigaw sa kanila kahit pa alam na alam ko na kung ano ang nangyayari.

Nagising naman ang dalawa ng marinig ang boses ko. Nakahawak pa ng ulo si Top ng tignan ako nito na parang nagtatanong kung bakit ako nagsisisigaw. Nagulat naman ito ng makitang pareho silang hubad ni Analexa.

"Mga hayop!!!" Napapaiyak na ako habang minumura ko sila. Grabe sa sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Bumaba naman si Top sa kama habang nakatapis ng kumot at lumapit sa akin.

"Via let me explain." Isang sampal ang ibinigay ko sa binata.

"Explain? Malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawa niyo! Ang galing niyo naman at tinaon niyo pa na wala ako dito!" Galit na tulak ko sa binata at binalingan ko si Analexa.

"At ikaw malandi ka! Hindi ka pa ba nakontento sa paninira mo sa buhay ni Top?! Hindi ka pa nakontento na may asawa ka na hinay*pak ka?!" Pinagsasampal at pinagsasabunutan ko ito. Nanlaban din ito ngunit wala siyang nagawa sa lakas ng pananakit ko sa kanya.

"Aray! Ano ba?! Top tulungan mo ako. Gusto yata akong patayin ng babaeng to." Sigaw naman ng malanding Analexa sa binata.

"Patayin? Kulang pa to sayo babae ka! Dapat sayo ay ipasunog sa impyerno! Isa kang dakilang higad!" Pinagtatadyakan at sampal ko na rin ito. Papatikimin ko ito ng BUGBOG VIA.

Kahit gaano pa ang pag-iwas at pagsalag nito sa akin ay walang nagawa.

"Via, please stop that." Mahinahong pakiusap ng binata. Lumapit na si Top sa akin upang awatin ako sa pananakit ko kay Analexa.

"Huwag mo akong hawakan!" Isang sampal muli ang inabot nito sa akin. Pinagsusuntok ko na rin ang dibdib nito sa sakit ng aking nararamdaman.

"Simula ngayon ay magsama na kayo ng babaeng yan! Total ay mas mahalaga naman sayo si Analexa kaysa sa akin! We're done now Top! Ayoko na!" Dagdag ko pa dito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Nahihirapang bigkas nitong tanong.

"Simula ngayon ay hiwalay na tayo!!!" Mariing sagot ko dito.

Agad akong nag-impake ng gamit. Lahat ng gamit ko ay inilagay ko na sa maleta at bag.

"No! No! No! Please Via. Don't leave me. You promise me na hindi mo ako iiwan." Nagmamakaawang awat nito sa akin habang umiiyak at namimilipit naman sa sakit si Analexa.

"Hindi mo na ako kailangan Top. Bumalik na si Analexa. Alam ko naman na siya ang mahal mo. Saling pusa lang ako dito. Kaya mas makakabuting umalis na ako dito ngayon." Pilit man akong pinipigilan nito ay wala ng nagawa ang binata dahil desidido na ako na umalis.

Agad akong nakatawag ng Taxi at sumakay sa loob. Hinabol pa ako ng binata ngunit hindi na nito ako naabutan.

Napapatingin naman sa akin si manong driver habang umiiyak. Inabutan naman ako nito ng tissue.

"Salamat po manong." Pasalamat ko dito kahit umiiyak.

"Walang ano man po ma'am. Hindi ko po alam ang pangyayari pero gusto kong sabihin sa inyo na lakasan niyo lang ang loob niyo. Darating din ang oras na maaayos din ang problema mo." Mabait na saad nito sa akin.

Sana nga. Pero sa tingin ko ay malabo ng mangyari iyon. Ngayong bumalik na si Analexa sa buhay ni Top. Wala na akong puwang ngayon sa buhay nito.

Alam kong may kontrata pa ako kay Donya Teodora, pero sa ngayon gusto ko munang lumayo kay Top. Tsaka ko na lang sasabihin na umaayaw na ako sa kontrata kapag nagkalakas na ako ng loob.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now