CHAPTER 19

3.2K 90 10
                                    


Agad na akong pumasok sa banyo na pangbabae tsaka ako umihi. Matapos gumamit at maghugas ay agad na rin akong lumabas. Akmang aalis na ako ng lugar upang pumunta na sa binata ng may makita akong parang may kumakaway sa di kalayuan sa dagat.

Tinignan ko ito ng maayos. Wait? Hindi ito kumakaway. Nanlaki ang mga mata ko sa kaba.

"Sh*t! May nalulunod!" Saad ko sa aking sarili.

Tinignan ko ang paligid ngunit walang katao-tao sa bandang kinaroroonan ko. Wala ring mga lifeguard na pwedeng tumulong sa akin. Nag-isip ako ng paraan paano matutulungan ang taong nalulunod.

"Tatakbo ba ako at hihingi ng tulong?" Ito ang naisip kong ideya pero makakaabot pa kaya ito ng buhay? Sh*t! I need to think fast.

Ako lang talaga ang tao dito kaya no choice! Tinanggal ko ang shawl na nakatali sa aking bewang at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan ng taong nalulunod. Buti na lang ay marunong akong lumangoy.

"HELP!! HELP!! HEL-" Isang boses ng lalaki ang naririnig ko. Humihingi ito ng tulong.

Minadali ko na ang paglangoy hanggang sa makalapit na ako sa lalaki. Parang wala na itong malay. Hinawakan ko ang kamay nito at pahilang inilangoy papuntang dalampasigan.

Hindi na ito gumagalaw ng ihiga ko sa may buhanginan. Pinulsuhan ko ito ngunit parang hindi ko maramdaman ang kanyang pulso.

"Hey sir! Please wake-up!" Pinilit ko itong gisingin pero hindi pa rin ito gumagalaw.

Sinuri ko ang lalaki. Matanggad ito at may magandang pangangatawan. Mapupungay ang mga pilikmata nito at mapupula din ang labi. Sa itsura nito, mukhang turista ang lalaki. At kung hindi ako nagkakamali, kasing-edad din yata ito ni Top. Bukod dito ay hindi mapagkakaila na may angking kagwapuhan ang lalaki.

"Tulong! Tulong!" Sigaw ko ngunit wala talagang nakakapansin sa amin.

Sh*t! I have no choice kundi ang sagipin mag-isa ang buhay nito.

Tiniyak kong walang sagabal na anumang gamit sa daanan ng paghinga nito. Inayos ko ang higa ng lalaki. Hinawakan ko ang batok nito gamit ang isang kamay ko habang ang isa naman ay itinaas ng bahagya ang baba nito. Inilapit ko ang labi ko sa labi nito at tinakpan ang ilong nito gamit ang aking dalawang daliri.

Nagsimula akong ihipan ng dalawang segundo ang binata upang makahinga ito. Wala pa rin reaksyon. Inulit ko muli ang pag-ihip pero ganoon pa rin. Sinikap kong wag mataranta sa mga pangyayari.

Gamit ang dalawa kong kamay ay itinapat ko ito sa kanyang dibdib at idiniin kong patulak ng ilang beses. Ilang segundo pa ang lumipas ay napaubo na ito. Nailabas na rin nito ang tubig dagat na kanyang nainom.

Napapikit na lang ako sa pasasalamat ng makita kong buhay pa ito.

"Thank God!" Sambit ko sa sarili. Kahit papaano ay maswerte pa rin ito. Kung walang tao na nakapansin dito tiyak na kanina pa ito lumulutang sa dagat.

Pinagmasdan naman ng lalaki ang paligid ng makaupo ito. Matapos nito ay tumingin ito sa akin. Nang tumama ang mga mata nito sa akin ay parang naging estatwa ang binata. Bigla itong natulala.

"Hey? Are you still not okay?" Tanong ko sa binata.

"I can't believe an angel would save my life." Saad nito sa akin. Gagi! Bolero yata to eh! Anyway, may accent ang binata. That makes me sure na turista nga talaga ito. Not to mention na maganda rin ang boses nitong magsalita.

"What happened to you back there?" Tanong ko dito.

"I am just swimming away from the crowd when I got cramp." Sagot nito sa tanong ko. So pinulikat pala ito kaya muntikan na itong malunod.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now