CHAPTER 23

2.9K 87 42
                                    


"Sino yun?" Tanong ko sa binata.

Hindi ito sumagot at bigla na lang umalis sa harapan ko. Pumunta ito sa control ng yate at sinimulan buksan ang makina ng sasakyan.

"Ano ang nangyayari kay Top?" Tanong ko sa aking sarili.

Agad ko naman ito sinundan sa kanyang likuran.

"Hey Top, what's wrong?" Tanong ko dito habang nakatutok ang atensyon nito sa controller ng yate.

Wala akong napalang sagot dito. Maya-maya pa ay umandar na ang yate at nagsimula na itong patakbuhin ang aming sinasakyan.

"Top, ano ba ang problema? Can you at least talk to me?" Pakiusap ko dito. Parang nakikipag-usap lang ako sa bato dahil wala pa rin akong makapang kasagutan mula sa kanya.

Pinagmasdan ko ito at tila hindi mapakali ang binata. Malayo ang iniisip nito. Sinusumpong na naman kaya ito ng kanyang kondisyon?

I don't understand what I am feeling right now. Pero kinakabahan ako sa nangyayari. Sino ang tumawag dito at ano ang sinabi nito para maiba na naman ang mood ng binata.

"Pwede bang umalis ka muna sa harap ko?" Mariing utos nito ng akmang magsasalita na naman ako upang magtanong muli kung ano ang nangyayari.

Medyo nasaktan ako sa sinabi ng binata ngunit kailangan kong lawakan ang aking pag-unawa dito lalo na at mukhang naiba na naman ang mood nito.

Masakit man ay umalis na ako sa kinaroroonan nito at pumasok na lang sa kwarto. Doon na ako nagmukmok.

Hindi ako lumabas sa kwarto ng ilang oras hanggang sa maramdaman ko na humihina na ang takbo ng yate. Sinilip ko ang labas mula sa bintana ng kwarto at nakita ko na bumalik na kami sa maliit na pantalan kung saan kami galing bago naglayag sa yate.

Maya-maya pa ay huminto na ang aming sinasakyan.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala akong narinig mula kay Top. Nagtataka man ay naghintay pa rin ako na puntahan niya ako dito sa kwarto.

Isang katok sa pinto ang aking narinig. Agad ko naman tinungo ito upang pag buksan si Top.

Ngunit hindi si Top ang nabungaran ko kundi isang babae na naka uniporme. Kung hindi ako nagkakamali ay ganito ang suot ng mga staff ng hotel na pagmamay-ari ni Top.

"Good day po madam. Ako po pala si Kakay, isang staff ng hotel. Tara na po at pinapasundo ka na ni señorito sa akin." Yaya sa akin ng babae. Medyo morena at patpatin ito kung titignan. Nasa 30's na siguro ang edad ng babae. Mukha itong kalog at palangiti.

"Nasaan na pala si Top?" Tanong ko dito.

"Nauna na po at kasama nito ngayon si Mr. Manuel. May mahalaga po silang pag-uusapan." Balita naman ng babae sa akin.

"Mahalaga? Bakit ano ba ang mayroon?" Takang tanong ko dito.

"Nagkaroon po kasi ng problema ang hotel dahil may isang guest po ang nagreklamo dahil sa kapabayaan daw ng hotel at kakulangan ng lifeguard kaya muntik itong malunod nung nakaraang araw." Kwento nito habang kinukuha na ang mga gamit namin at inilabas na ng kwarto.

Sumunod na rin ako dito pababa sa yate.

"Lalaki ba ang nagreklamo?" Tanong ko dito.

"Naku madam, opo. Ang gwapo nga ng lalaki eh. Di nalalayo sa kagwapuhan ni señorito." Kinikilig naman ang babae habang nagkukwento.

Hindi kaya ang nagrereklamo ay ang lalaking sinagip ko nung isang araw? Hindi kaya si Vernon Smith yun?

Posibleng siya nga ang nagrereklamo base sa kwento ni Kakay sa akin.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now