CHAPTER 29

2.9K 114 63
                                    


"Frenny saan ka pupunta?" Tanong ni Barbie ng makasalubong ko ito sa hagdanan.

"I need to get him." Wika ko dito bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko ng magtama ang mga mata namin ni Top.

Halata sa mga mata nito ang kaba at pag-aalala.

Basang-basa ito ng ulan. Kanina pa kasi ito nakabilad sa ulanan.

"Ate Vianca?!" Sigaw nito sa akin sabay takbo palapit sa akin. Niyakap ako nito ng mahigpit. Tuwang-tuwa na makita ako.

Parang pinaglalaruan talaga ng tadhana ang damdamin ko. Dapat galit ako dito. Pero hindi ko magawang magalit sa binata ngayong ganito na naman ang kanyang kalagayan.

Ayoko mang isipin pero ang pangyayari kanina ay magtitrigger na naman sa kanyang kondisyon. Bumababa na naman ang tsansa nito na gumaling.

Hindi ko alam. But, my guilt is starting to grow. Pakiramdam ko, ang pagtataboy ko sa kanya ang naging dahilan kung bakit ito nagkaganito ngayon. Sa tuwing malungkot o depress ito, bigla na lang nagiging isip-bata ito.

"Bakit mo po ako iniwan dito ate Vianca? Nasaan po ba tayo?" Tanong nito sa akin. Napangiti naman ako ng payak. Alam kaya nito na kanina lang kami nag-away?

"I'm sorry for leaving you Top. Andito na si Ate." Wika ko dito sabay yakap na rin sa binata.

"Giniginaw ako Ate." Saad ng binata sa akin.

"Tara pumasok muna tayo ng bahay." Agad ko itong dinala papasok ng bahay. Pareho na kaming basa ng ulan nito.

Hindi ko namalayan na nakatayo na rin sina nanay, Ivan, at Barbie sa aming harapan. Nakatitig sa amin ni Top ang mga ito.

Agad naman nakabawi si nanay at binigyan kaming dalawa ng tuwalya.

"Oh, magpunas muna kayong dalawa at baka magkasakit kayo." Pag-aalala ni nanay ng makalapit ito sa amin.

"Salamat po ma'am." Nagpasalamat ang binata kay nanay habang nakangiti ito.

Kinikilig naman si Barbie habang pinagmamasdan si Top habang si Ivan ay walang emosyong tinititigan din ang binata.

"Hijo, mabuti pa at maligo ka na muna. Baka magkasakit ka." Pag-aalala ni nanay rito.

"Sige po. Ate Vianca tara na po paliguan mo muna ako." Bigla naman ako napaubo sa sinabi nito. Halatang nagulat din si nanay at Barbie sa sinabi nito habang napapantastikuhan naman si Ivan.

"Hindi pwede. Matanda ka na para paliguan." Saad ni Ivan sa binata. Lumabi naman si Top sa sinabi ni Ivan.

"But I'm only seven-year old. Baby pa ako eh." Atungal nito sabay pinakita ang pitong daliri nito na parang bumibilang sa edad niya kuno.

"Anak, ano ang ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong sa akin ni Nanay.

"He's suffering from a mental disorder. Ang inaalagaan ni Ate ay may bipolar disorder at D.I.D. Iba-iba ang nagiging mood nito at kapag natitrigger ang kanyang kondisyon ay nagiging isip-bata ito." Si Ivan na ang sumagot kay nanay na ikinagulat nito. Habang nagsasalita ito, si Top naman ay palinga-linga sa paligid na parang nililibot ng paningin nito ang kabuuan ng bahay.

Napakunot naman ang noo ko kay Ivan. Paano kaya nalaman ni Ivan ang lahat ng mga pangyayaring ito? Psychic ka dude?

"How did you know?" Mariin kong tinitigan si Ivan habang naghihintay sa sagot nito.

"I already told you, I have my source." Maiksing sagot nito sa akin.

"What the hell Ivan. Saan mo nalaman ang lahat ng ito." Bulong ko na lang sa hangin.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now