CHAPTER 17

3.7K 100 5
                                    


Top is planning to bring me tomorrow somewhere we could enjoy. That's according to him. To be honest, I don't have any idea kung saan yun. But I don't want to ruin his surprise kaya hindi na ako nag usisa pa. Hahayaan ko itong gawin ang gusto niya.

I am so excited actually. I know it would be fun. Makasama lang ito ay sapat na, but with him in a trip? For sure mas masaya yun.

But before going there, I gave him a condition "Strictly no touch, no sex" for tonight. Wala naman itong nagawa kundi ang pumayag. Kahit alam kong tutol ito sa kalooban niya. Well, sorry na lang dito, I need to do this. Di pa nakakarecover kasi ang pearly shells ko. Haha.

But syempre, hindi ko tatapusin ang gabing ito na hindi magiging challenging sa kanya ang kondisyon ko. Kaya isang pilyang ideya ang naisip ko.

Kasalukuyan na akong nagbibihis dahil kakatapos ko lang maligo habang si Top ay nandoon lang nanonood ng TV sa baba. Tapos na kaming kumain ng dinner kaya nagrirelax na lang ito. Walang kamalay-malay ang binata na pahihirapan ko siya ngayong gabi.

Nagsuot ako ng isang spaghetti lace dress na kulay glossy pink. Litaw sa damit na to ang hubog ng aking katawan. Bumagay din ito sa kutis ko. Sinadya kong hindi magsuot ng bra upang mapansin ang nakaumbok kong korona sa aking dibdib. Nagsuot lang ako ng kulay pulang t-back na underwear.

Yes! I am going to seduce Top. Titignan ko kung makokontrol niya ba ang kanyang sarili.

This is like hitting two birds with one stone. Titignan ko kung kaya ba nitong kontrolin ang kanyang sex drive. Kung kaya niya nga, possible na kakayanin niya din kontrolin ang kondisyon niya lalo na paggalit at pagmalungkot o depress siya.

Lumabas na ako ng kwarto at agad kong tinungo ang kinaroroonan ni Top. Umupo ako sa tabi nito at nagkunwari na manonood din ng palabas sa tv.

Nakasuot lang ito ng kanyang kulay blue na jersey shirt at kulay itim na boxer. Di ko lang alam, pero baka nagbabasketball talaga ito dati. Pati nga ang pinapanood nito ngayon ay NBA playoffs eh.

"Hi." Bati ko dito.

"Oh, tapos ka na bang mali-" Hindi na nito natapos ang kanya sanang sasabihin. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"F-f*ck! A-ano yang suot mo?" Pautal nitong tanong sa akin.

"Ano ang problema sa suot ko?" Patay malisya kong tanong dito. Nag-uumpisa na ang mga plano ko.

"Bakit sobrang daring naman niyan?" Usisa nito sa suot ko.

"Bakit ba? Tayo lang naman ang narito sa bahay ah?" Saad ko dito sabay nagde-kwatro ako habang nakatingin ito sa akin. Sinadya ko talagang mapansin nito ang aking legs.

Tumingin naman ito sa aking legs at napalunok ito ng laway.

"Hindi ako makapag-concentrate sa pinapanood ko dahil sa suot mo." Wika nito sa akin.

"Naku! Hindi ko na yun problema. Nakakainis naman oh! Nanonood ako dito, pinapansin mo pa eh." Nagkunwari ako na nagagalit kuno. Haha. Pero ang totoo hindi ako ang galit kundi ang bagay na nasa boxer nito. Masyadong halata na tinitigasan ito.

"Paano kasi sobrang iksi ng suot mo." Wika nito sa akin.

"Ay! Ewan ko sayo! Makatulog na nga." Tumayo na ako upang tumungo sa kwarto niya. Pinalipat niya na kasi ako doon eh. Pero bago ako pumanhik sa kwarto nagkunwari akong naihulog ko ang pantali sa aking buhok.

Yumuko ako at pinulot ko ito ngunit sinigurado ko na makikita ni Top ang aking bilugang puwet habang suot ko lang ay isang t-back na panty.

Pagpasok ko sa kwarto, umupo lang ako sa taas ng kama habang nakalitaw ang aking mapuputing mga hita. By the way, bago na pala ang kama nito dahil pinalitan niya na ang kamang nasira noong nakaraang araw.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now