CHAPTER 27

2.9K 111 53
                                    


"Tao pwooh!" Kilala ko ang boses na yun ah?

Pumanhik ako pababa ng kwarto upang makita kung sino ang nagsasalita sa labas ng aming gate.

"Baklaaaaaa!" Sigaw ko ng makita si Barbie.

"Hoy, lukaret manahimik ka at baka marinig ka ng mga tao. Buksan mo na nga ako bruha ka." Natawa naman ako sa sinabi nito.

Agad ko namang ipinagbukas ito ng gate at niyakap ito tsaka pinatuloy sa loob ng bahay.

"Uy bakla namiss kita. Tara sa loob." Imbita ko dito.

"Namiss din kita bruha. Tara na at marami ka pang ichi-chika sa akin." Nagmamadali naman itong pumasok ng bahay.

"Titaaaaaa!" Tili nito ng makita si nanay.

"Ay kabayo!" Gulat na saad ni nanay ng marinig ang sigaw ni Barbie.

"Mapang-api talaga kayong mag-ina!" Kunwaring nasaktan ito sa sinabi ni nanay.

"Bat ka kasi sumisigaw diyan?" Tanong naman ni nanay kay Barbie.

"Namiss ko po itong anak niyo at kayo na rin." Sagot nito kay nanay.

"Sus! Sabihin mo namimiss mo si Ivan." Wika ko naman dito. Lumapit naman ito sa akin at yumakap sa braso ko.

"Nasaan ba si Papa Ivan ko?" Kumirengkeng na naman ito. Natatawa na lang talaga ako dito minsan.

"Hindi pa umuuwi. Baka andoon pa sa kandungan ng mga girlfriends nito." Sagot ko naman sa kaibigan kong binabae.

"Pain. Ouch. Sakit. Pighati. Pait. Kirot. Hapdi. Dalamhati. Lumbay. Grabe ka manakit ng damdamin frenny!" Pag-iinarte nito sa akin.

"Joke lang naman. Di ko din alam kung anong oras yun darating eh. Sabi ni mama minsan ginagabi ng umuwi ito." Kwento ko naman dito.

"I can't wait to see my prince charming!" Tili nito habang parang kinikilig ito na ewan.

Iniwan naman kami ni nanay upang ipaghanda kami ng inumin ni Barbie.

"Kumusta na pala si Tita Lourdes?" Tanong nito sa kondisyon ni nanay.

"Sa awa ng diyos ay unti-unti na itong gumagaling sa kanyang sakit. Parang mas malakas na ito ngayon kaysa sa dati eh." Sagot ko naman dito.

"Alam ko naman na matapang si Tita. Kaya kayang-kaya niya yang sakit niya." Wika naman nito sa akin.

"Oo nga eh. Sila lang naman ni Ivan ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin para lumaban sa buhay. Kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila." Saad ko naman dito.

"That's my frenny! Swerte talaga ni Tita dahil nagkaroon ito ng anak na tulad mo." Yakap naman nito sa akin.

"Salamat mars." Ganting yakap ko naman dito.

Ilang oras din kami nagkwentuhan ni Barbie hanggang sa napag-usapan namin na rin ang tungkol kay Top. Sinabi ko dito ang lahat-lahat ng namagitan sa amin ni Top. Mula sa una naming pagkikita hanggang sa mga nangyari kanina.

"Whaaaat?! That hot papalicious ay isang bipolar at bilyonaryo? At may nangyari sa inyo?" Ulit nito sa mga sinabi ko.

"Psssst! Wag ka maingay bakla!" Pigil ko naman dito baka kasi marinig ito ni nanay.

"Sorry lang ghorl. Di ko kasi mapigilan ang hindi magulat sa nalaman ko. Nakakagulantang. So hindi ka na isang Via: The virgin?" Tanong nito muli sa akin.

Marahan naman akong tumango dito.

"Ay perfect!! Nakatikim ka na ng mahiwagang talong." Tili nitong muli.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant