CHAPTER 18

3.6K 104 21
                                    


TOP HOTEL AND BEACH RESORT

Ito ang nakasulat sa isang gusali nang makapasok kami sa kinaroroonan ng hotel.

"Hey?!" Tawag ko sa aking katabi na binata. Tumingin naman ito sa akin. "Di mo naman sinabi na nasa pinakasikat na hotel and resort tayo." Bulong ko dito.

"What do you mean?" Napakunot-noo ito sa aking sinabi.

"Tignan mo oh, nasa Top Hotel and Beach Resort tayo ngayon. Ito siguro ang pinaka top na hotel sa buong bansa. Well, It should be. Ang ganda kaya dito oh." Natawa naman ito sa aking mga sinasabi.

"Yeah, you're right. This is one of the top hotels and resorts sa bansa. Pero the reason why the name of this resort is like that because this entire place is mine. I am the owner of this place baby girl." Saad nito habang napakamot ng ulo na parang nahihiya pang ipaalam ito sa akin.

Napapanganga na lang ako sa gulat. Ganitong kagandang hotel, yung may ari pala ay ang taong nakaakbay ngayon sa akin?

Hindi pa rin talaga ako masanay-sanay na isang bilyonaryo pala ito. As in gaano kaya ito kayaman? Nakaramdam tuloy ako ng insecurity sa sarili ko. For God sake, hindi kami bagay. Parang langit at lupa ang pagitan namin dalawa.

"Hey, are you okay?" Tanong nito sa akin ng mapansin nito na natahimik ako.

"Y-yes." Utal kong sabi.

"Are you sure?" Paniniguro nito.

"Medyo napagod lang siguro ako sa biyahe." Sagot ko sa kanya.

"Tara na sa loob para makapagpahinga ka na." Suhestiyon nito.

Maraming mga bakasyonista ang makikita mo sa paligid. Yung iba naman ay mga turista pa sa ibang bansa.

Nakatingin kay Top ang iilang babae habang papasok kami ng hotel. Yung iba parang hinuhubaran na nila si Top kung makatingin. Hindi pa rin talaga ako nasasanay na agaw atensyon pala itong kasama ko.

Napansin naman nito na parang naiimbyerna na ako sa mga nakatingin sa kanya kaya hinawakan nito ang kamay ko.

"Seal your property kasi para di ka nagsiselos diyan." Shuta! Nahulaan niya ang nasa damdamin ko. Napangiti na lang talaga ako dito. Infairness. Ang galing magbigay ng sense of security sa relationship namin ah.

Agad naman nataranta ang mga empleyado ng hotel ng makita ng mga ito si Top. Agad lumapit ang isang lalaki sa aming kinaroroonan.

"Good day, Sir. It's nice to see you. Welcome back po." Magalang na bati ng lalaki.

"Nice to see you too Mr. Manuel." Sagot naman ni Top. Agad na kaming iginiya nito sa front desk para magcheck-in habang ipinadala na ni Top ang mga gamit namin sa kwarto na sinabi ni Mr. Manuel. Siya pala ang Head Manager ng Hotel and Resort ni Top.

Matapos makapagcheck-in ay sumakay na kami ni Top ng elevator at pinindot nito ang top floor. Waah? Nasa taas talaga kami?

Pagkabukas ng elevator ay namangha ako sa angking ganda ng lugar. Ang gara at parang mayayaman lang talaga ang makaka-afford nito.

"Do you like it Via?" Tanong naman ni Top.

"Nakakatulala naman dito." Saad ko sa kanya. "Pero bakit parang walang tao ni isa dito?" Dagdag kong sabi nang mapansin ko na parang kami lang dalawa ang tao dito.

"Dahil tayo lang dalawa ang gagamit ng floor na to." Sagot nito sa akin. Napanganga na lang talaga ako sa pagkamangha.

"Pero technically, hindi naman talaga natin to magagamit talaga dahil iba ang pupuntahan natin." Dagdag nito.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz