CHAPTER 28

2.9K 118 43
                                    


"Via! Please lumabas ka diyan! Kausapin mo ako! Via please!" Wait? Pamilyar sa akin ang boses na iyon.

Agad kami napasilip ni nanay sa labas ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang sumisigaw sa labas.

"Top?" Saad ko sa hangin.

"Kilala mo ba kung sino ang lalaking yan anak?" Tanong naman ni nanay sa akin.

"Sa kanya po ako nagtatrabaho nay." Amin ko dito.

"Oh papasukin mo dito." Utos naman nito sa akin.

"Hindi na kailangan nay, aalis din yan." Pagmamatigas ko dito.

"Anak? Ano ba ang nangyayari? Tsaka diba pamilya niya ang tumulong sa mga problema natin?" Paalala naman ni nanay sa akin.

"Tama ka nay, at bawat tulong nila ay pinapalitan ko ng sipag sa pagtatrabaho ko kaya wala tayong dapat ipagpasalamat sa kanila." Wika ko naman dito.

"Via, anak? Bakit ka ganyan magsalita? May ginawa bang hindi maganda sayo ang taong yan?" Tukoy nito kay Top na hanggang ngayon ay tinatawag pa rin ang pangalan ko sa labas ng bahay. Hindi ko na sinagot ito.

Tinignan ko ulit ang kinaroroonan nito at nakita ko din na papalapit na sina Ivan at Barbie dito.

"Sino ka at bakit ka sumisigaw dito?" Tanong ni Ivan kay Top. Napatingin naman ito sa kapatid ko. Kalaunan ay nakilala ni Top si Barbie.

"Hey, kaibigan mo si Via diba? Please tell her na kailangan ko siyang makausap." Nilapitan at hinawakan ni Top si Barbie sa kamay upang makiusap. Inalis naman ni Ivan ang kamay ni Top na nakahawak kay Barbie.

"Don't touch Barbie." Wika nito habang walang ekspresyon ang kapatid ko. Hindi naman pinakinggan ni Top si Ivan. Muli nitong binalingan si Barbie.

"Do you work in Rick's Real Estate?" Tanong nito muli kay Barbie ng mapansin nito ang uniform na suot ng kaibigan ko. Marahan naman itong tumango. Inilabas ni Top ang I.D. nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Barbie sa nakita.

"I'm begging you. I need to talk to her." Pakiusap nito sa aking kaibigan.

"Titignan ko po ang magagawa ko sir." Sagot naman nito kay Top. Akmang papasok naman si Barbie sa loob ng bahay nang pigilan ni Ivan ang kamay nito.

"Ano ang kailangan mo sa kapatid ko?" Tanong ni Ivan dito. Dito na pinansin ni Top si Ivan ng malaman nito na kapatid ko ang binata.

"I need to talk to your sister. Gusto kong magpaliwanag sa kanya." Sagot naman ni Top dito.

"For what?" Matalim na tingin ang ibinigay nito kay Top.

"We have some misunderstanding. I need to talk to her. Please! Let me talk to her." Pakiusap nito kay Ivan.

"Are you in a relationship with my sister?" Tanong muli nito kay Top. Tumango naman ang huli.

"How could you hurt a girl who just wanted to love you?!" Galit na saad ni Ivan sabay kinuwelyuhan si Top.

"I did not mean to hurt her. That's why I want to talk to her right now." Hindi naman nagpatinag ito kay Ivan.

Pinigilan naman ni Barbie si Ivan sa ginagawa. Ngunit huli na dahil iniangat na ni Ivan ang kamao nito sabay suntok kay Top.

Pero nagawang pigilan ni Top ang suntok ni Ivan gamit ang isang kamay nito.

"You can hurt me after this. But I want to talk to your sister first. Please?." Pagsusumamo nito kay Ivan.

Lalabas na sana si nanay pero pinigilan ko ito habang napapaluha sa harap nito. Narinig ko pang nagsalita si Barbie.

"Ivan please. Stop it!" Pigil naman ni Barbie sa kapatid ko. Tinignan naman ng binata ang kaibigan ko bago inayos ang sarili.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now