Chapter 35

504 13 0
                                    

Chapter 35

Leo’s POV

Nagising ako kinaumagahan na nasa kama ako ni Pulo. Hindi ko mapigilang tuktukan ang sarili sa sobrang inis. Napakalandi mo, Leo! Ano nanaman ba ‘yang katangahang ginawa mo? Napapikit na lang ako nang mapagtanto na ako pa talaga ‘tong nagsimula ng lahat. Pinairal mo nanaman ang kagagahan mo, Leo, bobo ka.

Aalis na sana ako nang agad akong mahawakan sa palupulsuhan ni Pulo na akala ko’y tulog pa. Hindi ko rin kasi sinubukang lingunin dahil hiyang hiya ako para sa sarili. Alam kong natuto na akong lumandi pero hindi dumarating sa ganitong sitwasiyon.

“Let’s stay for five minutes.”aniya na ikinulong pa ako sa kaniyang dibdib ngunit nagawa ko a siyang sipain dahil do’n kaya mahina siyang natawa.

“Para kagabi lang—“hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin, agad ko lang siyang hinampas ng unan at tumayo na.

Inis pa akong kumuha ng ilang damit sa drawer niya dahil punit punit ang damit ko roon. Gago talaga. Wow, Leo, parang hindi natuwa roon, ahh? Napairap na lang ako sa sarili bago ako nagtungo sa cr niya para magshower. Ganoon pa rin ang shampoo nito at pati na rin ang sabon. Ang bango pa rin talaga. Amoy Pulo.

Mas lalo lang nagsisink in sa akin na talaga ngang nandito ako sa bahay niya ngayon at kung ano ano pang pinaggagawa. Nakakahiya ka talaga, Leo.

Nang lumabas ako’y nakita ko naman agad siya na may saplot naman habang nakaupo sa kaniyang kama. Hinihilot nito ang kaniya sentino at ngumiti pa nang makita ako.

“Let’s eat first before you head out.”aniya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapairap dahil do’n. Paano’y umaarte ito na para bang hindi kami mag-ex. Leo, may karapatan ka nga bang sambitin ‘yan gayong ganoon ka rin?

“Hindi na, uuwi na ako.”ani ko kaya tumaas lang ang kilay niya.

“Okay, ikaw bahala, sayang naman ang adobong pusit.”aniya kaya hindi ko mapigilang mapangiwi, akala niya naman ay mauuto niya ako roon.

“Sabi ko nga, uuwi na ako pagkatapos kong kumain.”ani ko kaya bahagya siyang napatawa sa akin dahil do’n. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya napatawa siya sa akin dahil do’n.

Pinigilan ko naman ang magreact habang kumakain. Ang sarap pa rin talaga ng adobong pusit nito. Hindi ko maitatanggi na namiss ko ang luto niya at syempre higit sa lahat, namiss ko siya.

“Your hair suit you, ang ganda mo.”aniya kaya halos mabulunan ako. Bakit ba kasi biglaan siyang namumuri?

“Thanks, ex.”ani ko kaya napairap siya sa akin, pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil do’n. Anong gusto niyang itawag ko sa kaniya? Jowa?

Parehas kaming natahimik habang kumakain pero dahil parehas din kaming hindi mapakali kapag ganitong sobrang tahimik ng lugar, nagawa pa naming mag-usap ng kaswal, para bang hindi kami mag-ex.

“Thanks for the meal. Uuwi na ako.”ani ko na nakahanda na talagang umuwi at hindi na magpapapigil pa sa kaniya kaya lang ay hindi pa nakuntento ang isang ‘to at tinawag pa muli ako.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now