Chapter 17

515 20 3
                                    

Chapter 17
Leo’s POV

“Huwag na! Baka mamaya’y may marinig akong hindi kanais nais!”natatawa kong sambit sa kaniya kaya agad niya akong pinagkunutan ng noo.

“Ano naman ba ‘yang iniisip mo, Leo?”tanong niya na nagawa pa akong irapan. Napatawa naman ako ng mahina roon.

“Baka imbis na maluha’y umurong dahil sa ungol niyo.”sabi ko pa bago tumayo, balak ng pumasok sa loob.

“Anong akala mo naman sa akin, walang kapaguran? Araw araw—“natawa naman ako dahil do’n.

“Ayy, bakit? Hindi ba?”natatawa kong tanong na pinagtaasan pa siya ng kilay. Napasimangot naman ito roon habang ako’y tawa lang ng tawa sa naging itsura niya. Halatang naiinis na inaasar siya ngayon samantalang mukhang proud na proud pa siya dati. Nakasunod naman siya ng pumasok ako sa loob. Duneretso ako sa kama ko habang siya naman ay sa kama niya.

“Baka kapag ikaw, natikman mo ako, hanap-hanapin mo--“bago niya pa matuloy ang sasabihin ay naihagis ko na ang mga unan na nandito sa kama. Sinamaan ko pa siya ng tingin habang ang mokong ay tuwang tuwa dahil naaasar niya ako.

“Kadiri ka.”natatawa kong saad bago hinampas sa kaniya ‘yon.

“Kapag ikaw, kinain mo ‘yang pinagsasabi mo.”aniya na malapad ang ngisi sa akin.

“Ulol, asa ka pa.”sambit ko rin na natatawa siyang inirapan. Nahawakan niya naman ang mga palapulsuhan ko para huminto sa paghampas sa kaniya. Parehas naman kaming natigilan nang magkatitigan. Bumaba rin ang tingin sa labi ng isa’t isa. Napangisi naman ako nang marinig ko ang mahinang paglunok nito dahil sa tahimik na lugar. Kita ko pang napaiwas siya ng tingin dahil do’n kasabay ng pamumula ng buong mukha.

“What the heck? Don’t tell me nahihiya ka?”natatawa kong tanong habang tinutusok ang tagiliran niya.

“The wild Apolonio? Nahihiya? We?”mapang-asar ko siyang tinignan ngunit inirapan niya lang ako at ipinatayo bago niya ako tinulak patungo sa aking kama.

“Antok lang ‘yan, itulog mo na lang.”sambit niya na nagpatawa sa akin. Inasar ko pa siya lalo nang makitang nakaharap siya sa akin kaya naman tinalikuran lang ako ng mokong.

I can’t believe na may side din pala siyang ganito. I always thought that he was always the wild one. Ikaw ba namang kung saan saan na lang ginagawa ang kababalaghan.

That night, I sleep peacefully, pakiramdam ko nga’y nakangiti pa ako nang matulog dahil sa tuwa sa kaniya.

Nagising lang ako kinaumagahan sa mabangong amoy na nagmumula sa labas. Aroma ng kape at iba’t ibang putahe ng pagkain.

“Morning,”bati ni Pulo na mukhang tatawagin na rin ako. Ang fresh naman ng papabols mo. Bagong ligo ito at bagsak ang laging nakaayos na buhok. Nilapitan ko naman siya at nagawa pang amuyin. Agad naman siyang napalayo sa akin dahil do’n, wari’y napapaso? Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil do’n. Natawa na lang din ako kalaunan.

“Good morning.”bati ko sa kaniya na malapad na agad ang ngiti.

“What’s with you? Ang hyper.”aniya na napanguso pa. Napakibit naman ako ng balikat dahil do’n bago naglakad na patungo sa lamesa. Nagawa naman naming magkwentuhan habang abalang abala rin sa pagkain.

Nang matapos ay parehas na rin kaming nag-ayos para sa magsisimula ng mamasyal. Una kaming nagtungo sa Drunk Shakespeare, halos mamatay kaming dalawa sa tawa roon. It was really fun.

Sumunod naman ay sa isang art gallery. Ilang beses ko siyang kinuhanan ng litrato, napapatingin naman sa amin ang mga dumadaan dahil parehas kaming maingay. Isa pa’y para kaming sirang dalawa na ginagaya ang mga pinta. Tawa lang din ako ng tawa habang nagpapakuha kami ng litrato dahil sinubukan pang itaas ni Pulo ang paa ko tulad no’ng nasa pinta. Parang tanga talaga.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now