Chapter 3

850 21 0
                                    

Chapter 3
Leo’s POV

Isang taon matapos kong manirahan dito sa apartment, I gain a friend. Her name is Iska, dito siya sa apartment tumutuloy. Bukod sa maganda, mabait pa!

Hindi rin siya mahilig magtanong lalo na kapag alam niyang hindi ako handang sabihin, basta madalas ay nakikinig lang siya. She’s actually fun to talk with. Marami kang matutunan sa kaniya. Ang dami ring word of wisdom ng isang ‘to e.

“Saan ka pupunta?”tanong niya sa akin nang makita akong nag-aayos ng make up ko.

“Diyan lang.”sambit ko. Kita ko naman ang tingin niya sa akin na mukhang nagtataka pa ngunit kalaunan ay wala rin namang sinabi. Alam niya naman ang trabaho ko pero pinili niya pa rin akong kaibiganin. Masaya ako dahil hindi niya ako kinamuhian o ano.

“Ingat ka.”aniya at iniabot pa sa akin ang earings ko.

“Alam mo kapag may nabingwit akong boylet bigyan kita para hindi ka masiyadong nakapokus diyan sa crush mo.”pabiro kong saad sa kaniya. Natatawa na lang siyang napailing sa akin.

“Hindi ko nga crush si Silas.”reklamo niya kaya mas lalo lang akong napangisi.

“Sabi mo e.”ani ko habang sinusuot na ang heels ngayon.

“Parang tanga kasi.”aniya na nginiwian pa ako. Inasar asar ko lang siya hanggang sa makapag-ayos na ako.

“Alis na ako.”paalam ko sa kaniya.

“Sige, ingat ka. Huwag kang masiyadong magpagabi, delikado ang daan.”aniya sa akin.

“Grabe, kaya mahal kita e, pakiss nga.”pabiro kong saad at aamba pang halikan siya ngunit agad niya akong sinamaan ng tingin. Napatawa na lang ako dahil do’n. Paborito ko ‘tong asarin dahil gustong gusto ko ang ekspresiyon ng mukha niya kapag napipikon na sa akin. Ang dali kaya nitong maasar but still I like her, she’s very genuine. Natutuwa rin ako sa kaniya dahil mukhang ang taas ng pangarap niya.

Maliban pa roon, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng kaibigan na kaedad ko. Noong high school kasi ayaw din talaga sa akin ng mga kaklase ko dahil masiyado raw ako. They can’t handle me. I was very forward person noon. Hindi ko lang sigurado ngayon, as much as possible ay finifilter ko na ang bunganga ko. Kung may gusto mang sabihin, iniisip ko muna kung makakaoffend ba ako o ano.

Saka pakialamera ako noon, sabi nila’y katulad ko raw ang ina kong pakialamera. Duh. My Mom wants to give them real news, ‘yong walang halong kung ano. But still, naiintindihan ko naman kung ayaw nila sa akin. Hindi ko rin naman gaanong pinipilit sa kanila ang sarili.

Nang makarating ako sa bar na siyang pugad ng mga artista, malapad na ngumiti sa akin si Daren na siyang nag-imbita sa akin dito sa birthday party niya. Well, yayamanin naman kasi ang isang ‘to. Swerte ko lang at nagawa ko siyang kaibiganin. Well, he need me lalo na sa race nila. Sa akin madalas ang pusta nila. Maliban sa nalilibang ako, malaki rin ang kinikita kapag ako ang nananalo, inaabutan din kasi ako nina Daren. ‘Yon ang offer niya sa akin no’n. Mabuti na lang ay kinausap niya muli ako para tanungin.

“Hi,”malapad ang ngiti ko nang makita si Daren na hinihintay ako rito.

“Magagalit na sana ako dahil ang tagal mo pero wow.”aniya habang nakatingin sa akin. Natawa lang naman ako at napailing do’n.

Tinignan naman no’ng guard ang mga gamit na dala ko. Napangisi na lang ako dahil wala talag siyang makikitang camera o kahit na anong phone doon dahil nakatago sa aking dress ang maliit na camerang dala dala ko. Nanatili lang akong kalmado habang kinakapaan ako. Well, hindi talaga pupwede rito ang camera dahil nga mayayaman at kilalang tao ang mga kasama rito sa bar. Takot lang nilang maissue, ang mali lang nila’y pinapasok nila ako.

Nagkunwari lang akong kausap si Daren habang kinakapaan. Gumilid pa ako nang tatama na ang kamay no’ng gwardiyang babae sa hita ko. Natatawa kong hinampas si Daren na wari ba’y nakikinig sa sinasabi nito ngunit ang pokus ko talaga ay ang babaeng nangangapa. Malapad ang ngisi ko nang hinayaan niya na kaming pumasok.

Ang mga mata ko’y agad na lumibot nang makapasok kami sa loob. Bungad pa lang ay ang dami ko nang kilalang taong nakita, nangangati na agad ang kamay ko na kuhanin ang camera at kuhanan sila ng litrato pero hindi pupwede dahil kitang kita ako ng mga bouncer kung sakali.

“Doon tayo, Leo, nandoon ang mga kaibigan ko.”ani Daren sa akin. Ngumiti naman ako at tumango.

“Hoy, gago, sino ‘yan? Pakilala mo naman ‘yang chix mo, Daren!”anila sa kaniya. Bahagya naman akong napatawa dahil do’n. Sinamaan ko lang ng tingin si Daren nang akbayan niya ako. Siniko ko pa siya kaya natatawa niyang tinaas ang kamay.

“Gago, si Leo ‘to.”aniya kina Lance na siyang mukha pang nakakita ng multo. Parang tanga. Sanay na sanay kasi silang wala akong ayos kapag nakikipagrace, paano’y kakatapos lang ng trabaho ko no’n.

“Tangina niyo, mukha kayong gago.”sabi ko sa kanila nina Patrick na siyang mukhang hindi makapaniwala.

“Pucha si Leo nga. Chix naman, pakiss nga.”ani Gab.

“Hampas ko sa’yo ‘yang boteng hawak mo para talagang hilo ka.”ani ko sa kaniya.

“Hi,”nakangiti kong bati sa ilang babaeng katabi nila. Napanguso ako nang irapan ako nito. Ang ganda niya, deserve naman magmaldita kahit kaunti.

“Girls, this is Leo, the one we are talking about, hope you can be frienda with her.”pagpapakilala ni Daren sa akin. Malapad naman akong ngumiti sa mga ito.

“Hi! Leo.”pagpapakilala ko at sinubukan pang maglahad ng kamay ngunit hindi nila ‘yon pinansin. Ang tingin pa ng mga ito’y hindi mawari. Para bang hinuhusgahan na ako sa pamamagitan lang ng kanilang mga mata. Ngumiti na lang ako at napakibit ng balikat. Hindi ko naman sila mapipilit kung ayaw nila sa akin. Gustuhin ko man silang kaibiganin kung ayaw naman nila’y wala akong magagawa.

“Dito ka na, Leo!”senyas ni Daren na pinaupo ako sa tabi niya. Ganoon na lang din ang ginawa ko kaysa naman hayaan ko ang sariling maop dito, ‘di ba?

“Leo, next race sa Alpha na.”ani Daren sa akin.

“Gago, laking karera na niyan, baka malugi ka lang sa akin.”ani ko sa kaniya. Lagi kasing nasa Beta lang kami. Malaki rin ang pustahan doon pero mas malaki nga lang sa Alpha dahil mas magagaling ata ang kalaban.

“Hindi ‘yan, lakas mo lang.”aniya nang natatawa.

“Ulol.”natatawa ko ring sambit sa kaniya.

Ang daming kwento nina Daren sa akin, hindi ko naman magawang makinig dahil ang mga mata ko’y nakatingin lang sa mga taong nasa paligid. Bahagya pang napaawang ang mga labi ko nang makita ko si Juana na kahalikan si Julio. Ibang lalaki, hindi ang kalove team niya na si Tiago. Hindi ko naman maiwasang mapanguso habang pinapanood sila. Gusto ko na talagang kuhanan ng litrato, sigurado akong malaki ang kikitain ko nito. 

“Hoy, nakikinig ka ba?”tanong ni Daren sa akin.

“Oo.”tango ko kahit na ang mga mata’y nasa kanila pa rin ang tingin.

“Huwag mong sabihing fan ka ng love team ng Juago, nako, masanay ka na, Leo, hindi lahat ng nakikita mo sa harap ng camera, ganoon na ganoon din sa likod nito. Si Juana? Matagal niya ng nobyo ‘yang si Julio.”aniya sa akin. That was big scoop. Kung ilalabas ko ‘yon, paniguradong magiging malaking controversial iyon kaya lang ang problema’y wala akong gamit pangkuha ng litrato. Kung kakailanganin kong lasingin ‘tong mga kasama ko’y gagawin ko.

“Cr lang.”ani ko at ngumiti pa sa kanila. Habang naglalakad ako patungo sa cr, mayroong mga wasted na na artistang pakalat kalat. Maski ang ilang anak ng mga opisyal ng gobyerno at kung sino sino pa. Basta halos lahat naman dito’y mayayaman ang nakatambay.

“Hi, Miss, mag-isa ka lang?”nakangising saad ng isang lalaki sa akin.

“No, I’m with someone.”aba’t nagawa ko pang mag-ingles.

“Talaga? Parang wala naman?”natatawang tanong nito.

“Tangina mo pala, bakit nagtatanong ka pa?”tanong ko na masama rin ang tingin sa kaniya.

Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa mula sa likod ko.

“She’s with me.”anang baritonong boses bago niya ako akbayan. Hindi ko naman mapigilan ang pagkunot ng aking noo dahil doon.

“Oh, sorry, bro.”anang lalaki na ngumiti pa muli sa akin at kumaway. Malakas ko namang siniko ang lalaking umakbay kaya agad siyang napatawang lumayo sa akin.

“Tanginang ‘to, isa ring manyak.”bulong ko bago siya lingunin. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha nito.

“Pulo?”pabulong na tanong ko sa sarili na mukhang napalakas pa sa sobrang gulat ko.

“You know me?”nagtatakang tanong niya ngunit may ngisi pa rin sa mga labi. Agad naman akong nakabawi sa gulat dahil do’n. Gusto kong umiwas at umalis na rito ngunit hindi pupwede dahil baka makahalata ito.

“Ahh, oo, slight lang, they said you’re hot in person daw and matinik daw sa kama but I don’t think it’s true, you’re not that hot. If you may excuse me.”ani ko at ngumiti pa sa kaniya pero maling mga kataga ata ang nasabi ko dahil agad niya akong hinawakan sa pulsuhan.

“Hmm, why don’t you try me?”nakangisi niyang tanong sa akin.

“Ulol, try mo mukha mo.”sabi ko na iritadong sinipa siya. Napangiwi siya sa sakit kaya napairap na lang ako at naglakad na patungo sa cr.

“Luh, parang tanga naman.”bulong ko sa sarili nang makitang nawarak na agad ang bagong bili kong damit sa bandang tagiliran. Masiyadong madaling masira ang tela. Nakita ko namang nakatingin si Juana na siyang nandito rin sa cr ngayon.

“How cheap.”aniya na tumawa pa. Napaawang naman ang labi ko roon. Kahit na ilang beses ko ng naranasan ito sa mga artista. Hindi ko pa rin maiwasang magulat na ibang iba nga talaga sa image nila ang ipinapakita ng mga ito.

Hindi ba ‘yon nakakapagod? I mean ako ngang nagpapanggap lang na masaya kahit hindi naman ay pagod agad. Sila pa kayang nagpapanggap na buong buhay nila? Napakibit na lang ako ng balikat doon. Ano nga bang pakialam ko? Buhay nila ‘yon. Ikaw ngang naninira ng buhay ng iba, walang nangialam, Leo.

“You look like you don’t belong here.”aniya pa nang natatawa. Hindi ko na lang din pinansin. Wala naman kasi akong planong makipag-away no. Nang matapos siya’y umalis na rin kalaunan.

Lumabas na rin ako nang magawa ko ng alisin ang camera sa legs ko. Palihim ko lang ‘yong hawak hawak habang naglalakad ako. Pasimple na rin na kumukuha ng ilanh litrato.

Nang makita ko si Pulo na may kaakbay si Ladia habang naglalakad patungo sa taas ng bar kung nasaan ang resto kapag umaga. Wow, bigatin talaga ang mga chix nito. Sikat na modelo si Ladia, madalas ay mga malalaking kompanya ang kumukuha sa kaniya bilang ambassador o kung ano ano pa. Saka ang alam ko’y kauuwi lang nito sa pilipinas, galing siyang new york. Kinuha rin doon.

“Ang sexy.”bulong ko sa sarili habang pinanonood sila na naglalakad. Hindi ko sigurado kung dapat ko nga bang sundan o huwag na.

Simula no’ng araw na muntikan niya na akong mahuli, nag-lie low muna ako sa pagsunod sunod sa kaniya. Medyo natakot ako na namukhaan ako nito, hindi naman kasi tinted ang helmet. Ang bracelet ko naman, hanggang ngayon ay nasa kaniya pa rin.

Nakita ko ang paghalik niya sa babae kaya hindi ko maiwasang sumunod sa kanila. Agad kong inalis ang camera nang paakyat na sa taas. Ang saya lang dahil natakasan ko ang mga bouncer at nakasunod sa kanila. Hawak hawak ko na ang camera ko.

Hindi ko pa maiwasang mapatingin sa paligid nang makaakyat sa second floor. Wala na sina Pulo.

“Nasaan na ‘yon?”inis kong tanong habang tinitignan ang sulok ng resto.

“Malas.”bulong ko pa sa sarili.

“Looking for me, Babe?”hindi ko alam kung paano ako gagalaw nang makaramdam ng tao mula sa likod ko.

“Shit.”bulong ko sa sarili. Sinubukan kong maglakad ngunit agad niya akong naharang hanggang sa maisandal sa screen wall ng resto. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw kung bakit ko nakikita ang mga mata nitong tila agila na mukhang nagiging uwak pa dahil pinagmamasdan lang ako.

Maya-maya lang ay kumurba ng ngisi mula sa mga labi nito.

“Nice to finally meet you, sneaky little rat.”nakangisi niyang saad habang nakatingin sa akin.

Flash News: Paparrazi InloveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang