Chapter 31

480 15 2
                                    

Chapter 31

Leo’s POV

“Seryoso ba?”tanong ko sa kaniya. Hindi ko rin mapigil ang excitement sa tono ko.

“Yeah.”aniya na malapad ang ngiti sa akin. Napatalon naman ako sa tuwa dahil do’n. Ang tagal ko ng sinasabi sa kaniya na magtungo kami sa sandbox sa pampanga. Ang daming extreme things na pupwede mong gawin do’n.

“Kailan?”tanong ko na hindi maitago ang tuwa.

“Hmm, sa Saturday,”aniya kaya agad akong napatango. Tumango naman ako roon. Napatawa naman siya ng mahina habang ginugulo ang buhok ko.

Nang maihatid niya ako sa trabaho’y kumaway lang ako sa kaniya. Ganoon din naman siya sa akin. Nang makaalis ‘to’y papasok na sana ako sa loob ng BLC nang may humila sa akin. Sisigaw na sana ako ngunit nakita kong si Daren lang naman pala ‘yon.

“Hey,”ngumiti pa ako sa kaniya ngunit kita ko na seryoso lang ang mukha nito. Hindi na kami gaanong nakakahang out simula no’ng mawala si Jia. Saka lang din nila nalaman noon na may kapatid ako nang magtungo sila sa bahay.

“How can you smile at me when in fact you were the one who ruin my family?”tanong niya na galit na galit habang nasa akin ang mga mata. Para bang handang handa itong saktan ako. Hindi ko mapigilan ang matakot sa paraan ng pagtingin niya.

“You were the one who wrote an article aboit how my Dad cheated on my Mom, right?”galit niyang tanong sa akin.

“No, but yeah, I was the one who send a photo of your Dad with another woman.”ani ko na nawala na rin ang ngiti sa mga labi dahil sa itsura niyang para bang kasalanan ko ang ginawang kasalanan ng Papa niya.

“How can you do that? Magkaibigan tayo.”aniya sa akin.

“What do you mean how could I do that? Ang Papa mo ang nagloko, Daren. Wake up. Wala akong kasalanan sa bagay na piniling gawin ng Papa mo.”seryoso ko lang na sambit kaya nanatili lang ang malamig na tingin niya sa akin.

“Right, katulad mo? You used me then suddenly iiwan mo para sa ibang lalaki.”aniya kaya hindi ko maiwasang mapatawa dahil do’n. Kunot noo niya lang akong tinignan.

“What are you talking about, Daren? Iiwan? Para sa ibang lalaki? Nasisiraan ka na ba? Walang tayo to begin with kaya huwag kang umastang parang kasalanan ko na nagkagusto sa ibang tao.”natatawa kong sambit. Jokerist na pala ang isang ‘to e.

“Ibinigay ko sa’yo ang lahat pagkatapos ay ganito lang ang igaganti mo?”tanong niya pa kaya nailing na lang ako. Hindi ko pa magawang magseryoso dahil natatawa ako sa pinagsasabi niya, akala mo kasi’y naging kami kung makaasta. Alam ko naman na may utang din ako ng loob sa kaniya pero hindi naman ata tamang isumbat niya ‘yon sa akin ngayon gayong hindi niya nakuha ang gusto.

“Ano ba mga ‘yon? Sabihin mo at ibabalik namin.”agad akong napatingin nang makita ko si Pulo na siyang nasa gilid ko pala. Hindi ko naman siya maiwasang tignan dahil do’n.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now