Chapter 30

518 18 1
                                    

Chapter 30

Leo’s POV

"Pasensiya na po sa mga nasabi ko, Dok Trek, pinagsisihan ko po ang lahat ng 'yon,"ani ko na malungkot na ngumiti sa kaniya.

"Wala 'yon, Leo, naiintindihan ko, patawarin mo rin ako kung ilang beses kong sinabing tigilan mo na ang kapatid mo, sa tingin ko'y gusto ko rin niyang sumaya,"anito sa akin na mukhang maski siya'y ganoon din. Masiyado akong naging makasarili na kalagayan ko lang ang iniisip. Hindi ko namamalayan na nasasaktan na rin ang ibang tao.

After what happened, it was really hard to adjust. Months have passed ngunit hindi ko pa rin magawang masanay. Tuwing gabi hindi ko pa rin maiwasang maisip si Jia at hindi na lang din namamalayan ang sarili napapaluha na lang.

I always seems fine tuwing may kasama pero kapag mag-isa na lang, lahat na ata ng lungkot ay hindi ko maiwasang isipin. It was tiring but I don’t want to stop on living right now.

Matapos mawala ni Jia, napanaginipan ko siya nang ililibing na. She’s smiling at me from ears to ears. She even talked to me katulad nang pinapangarap ko noon, she even said different names, mga kaklase niya raw iyon. It was as if sa huling pagkakataon ako pa rin ang naisip nito. Lahat ng regrets ko? Nasa iisang panaginip. Hindi ko alam kung sadyang gawa gawa lang ‘yon ng aking isipan o ano. But I was really happy. That keep me on moving forward.

“What do you want to eat today?”tanong ni Pulo habang nakahiga sa lap ko. Nandito kami ngayon sa bahay niya. Lumipat na siya nitong buwan na ‘to. Masiyado raw malayo ang condo niya sa apartment. Napakaarte kasi talaga ng isang ‘to.

“Hmm, adobong pusit.”ani ko kaya napatawa siya ng mahina. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil do’n. Umarte naman ‘to tila ba tinitikom ang kaniyang bibig.

“Wala ka ng alam na ulam kung hindi adobong pusit.”aniya sa akin kaya inirapan ko siya.

“Nagtatanong ka, ‘di ba?”tanong ko kaya natawa siya ng mahina.

“Fine, that’s what you want e.”aniya sa akin kaya malapad akong napangiti.

“I brought you pala a mini table for your mini studio.”saad niya kaya agad ko siyang nilingon.

“Huh? I already brought one!”hindi ko mapigilang sambitin. Kung gaano ‘to kasupportive, ganoon din siya kagastador.

“Then just set it up here tutal ay dito ka naman lagi.”aniya na malapad ang ngisi. Nginiwian ko naman siya dahil do’n. So that was his plan to begin with. Katagal niya na akong kinukulit na magset up na lang din ng maliit na studio kahit doon lang sa gilid ng bahay niya pero dahil ayos naman na ako roon sa akin. Hindi ako pumayag.

Suportado niya rin ako sa mga bagong hobby na gusto kong gawin. Katulad na lang nitong paggawa ng base gamit ang mga recycle material then posting it on my account. Randomly selling those things na ginagawa ko. Minsan nga’y gusto niya pang bilhin gayong alam ko naman na wala siyang paggagamitan. Gastador lang talaga ang epal.

Nang matapos siyang magluto’y sakto rin naman na tapos na ako sa pagtutupi ng mga magazine na hindi na nagagamit.

“Sarap naman!”malapad ang ngiti ko nang tikman ang niluto niya.

“Syempre, masarap din ang nagluto.”aniya kaya hindi ko maiwasang matawa. Feeling talaga. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.

“I’m really glad that Iska is receiving all the things that she deserve.”hindi ko mapigilang sambitin. She’s finally getting the recognition na talaga namang para sa kaniya. She’s very hard working.

Noong namatay si Jia ay ilang linggo rin siyang nanatili sa tabi ko. Akala ko noon ay hindi na talaga si tatapak pa sa Manila but she’s been a really good friend to me. Masasabi kong ang swerte ko pagdating sa mga kaibigan.

Flash News: Paparrazi InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon