Chapter 36

507 17 0
                                    

Chapter 36

Leo’s POV

“Leo, may naghahanap sa’yo.”tawag sa akin ni Aling Nora. Hindi ko naman pinansin ang tawag nito at ipinikit na lang ang mga mata para makatulog muli.

Naging payapa naman ang tulog ko at nagising na lang din sa ingay ng mga kasama ko sa apartment. Hindi naman na ako nagreklamo dahil dapat naman talagang gumising na ako saka isa rin ako sa maingay kaya ayos lang.

“Leo, oh.”ibinigay sa akin ni Esme ang binili ata niyang empanada mula sa kabilang kanto. Agad akong ngumisi sa kaniya dahil do’n.

“Bumabait, ahh.”natatawa kong sambit.

“Hindi ‘yan galing sa akin, galing sa ex mo.”aniya kaya napaawang ang mga labi ko.

“Sinong ex?”tanong ko. Ngumisi naman siya sa akin tila alam na kung anong nasa isip ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil do’n.

“Galing daw kay Pulo sabi ni Aling Nora.”aniya kaya hindi ko mapigilan ang gulat ko. He said that he will court me pero hindi ko naman alam na tototohanin niya nga talaga. Ayaw ko siyang entertain-in dahil alam kong masasaktan lang ako sa huli.

Noong nakaraang nagtungo kami sa bar, laking pasasalamat ko na lang talaga na wala siya roon kung hindi, hindi ko na talaga alam kung paano ko nga ba pakakalmahin ang puso.

“Sana all may taga-bili ng empanada tuwing umaga.”ani Esme kaya napatawa ang ilang kasama namin dito sa apartment.

“Sana all may ex na hanggang ngayon—“bago ko pa matapos ay agad niya akong nalapitan at nadamba para takpan ang bunganga. Kung mapang-asar siya, mas lalo ako.

Pasimple naman akong lumabas para silipin kung nandoon pa nga ba si Pulo, well, kahit paano’y pasimpleng landi rin talaga ako. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba sa sarili o ano.

“Si Pulo ba hinahanap mo, Neng? Kanina pa umalis, balik na lang daw siya, susunduin ka mamaya.”ani Aling Nora sa akin nang mapansin ang paglinga linga ko. Hindi ko naman mapigil ang pagtikhim lalo na nang makita ko ang itsura ni Aling Nora na malapad ang ngisi sa akin. Halatang nang-aasar kasi siya.

“Hindi ko po siya hinahanap, tinitignan ko lang po kung nandiyan na po ba ang binatog, ang issue niyo po.”sambit ko kaya mas lalo pang natawa si Aling Nora sa akin. Mukha pang wala siyang balak tantanan ako kaya napailing na lang. Ang kulit kasi.

“Saka okay lang ho kahit hindi siya bumalik.”saad ko pa ngunit halos matumba ako sa pagkakatayo nang marinig ko ang tinig ni Pulo mula sa likod ko.

“I’m true to my words.”aniya kaya nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.

“Hinahanap ka nitong si Leo, Hijo, kanina pa.”ani Aling Nora habang malapad ang ngiti sa aming dalawa, wari ba’y siya ang presidente ng fans club naming dalawa. Bahagya naman akong natawa sa naiisip kaya napatingin sa akin si Pulo at pinagtaasan ako ng kilay.

Flash News: Paparrazi InloveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora