Chapter 21

502 16 0
                                    

Chapter 21

Leo’s POV

Hindi ko alam kung ano talaga ang mayroon kay Pulo but he didn’t really stop courting me. Halos araw araw ay kaming dalawa ang magkasama.

“Huwag mong sabihing hindi pa rin kayo sa lagay na ‘yan?”natatawang tanong ni Esme na siyang tambay na talaga dito sa apartment, kapag wala si Iska sa pwesto niya ito nakahiga pero dahil nandito ‘to ngayon, nandito siya sa akin nakikisiksik.

“Ewan ko sa’yo.”sabi ko na naiiling na lang, tinignan ko naman si Iska na siyang malalim nanaman ang iniisip.

“Hoy, malunod ka riyan.”puna ko sa kaniya kaya nilingon niya ako. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.

“Hindi mo pa rin kinakausap si Silas?”tanong ko. Nagkibit naman siya ng balikat doon. Halos mag-iisang buwan na at hindi pa rin sila nag-uusap na dalawa. Pataasan kasi ng pride, hindi naman sila sabon.

“Kausapin mo na kasi, Girl, hindi ‘yong mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa riyan.”natatawa kong sambit sa kaniya. Napanguso na lang ‘to sa aking tinuran.

Nagpaalam naman na ako sa kanilang dalawa ni Esme na siyang prente ng nakahiga sa kama ko. Simula no’ng nagtungo siya rito habang umiiyak, araw araw na siyang tambay diyan.

“Good morning,”bati ko kay Pulo. Malapad ko agad ‘tong nginitian. Binati niya naman ako pabalik bago pinagbuksan ng pinto.

Tutungo kami sa bahay nila ngayon, ramdam ko ang kaba, hindi ko alam kung paano ako babati sa lagay na ‘to. Inihahanda ko na nga ang speech ko e. Charots.

“Don’t worry, si Papa lang naman ang nandoon.”aniya sa akin. Inimbitahan ako ng Papa niya dahil hindi natuloy noong nakaraan. Nahiya nga ako dahil do’n e.

Maya-maya lang ay huminto kami sa isang napakalaking bahay or should I say mansiyon? Ang dami pang katulong na bumati sa amin nang pumasok kami. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa mga mamahaling muweblas.

“Maganda umaga ho.”nakangiti kong bati pabalik sa ilang katulong.

“Good morning, Hija.”napadiretso naman ako ng tayo nang makita ko si Mr. Demillio na siyang malapad ang ngiti sa akin, ang Papa ni Pulo.

“Good morning, Sir!”nakangiti kong saad sa kaniya.

“Call me Tito, Hija.”

“Tara sa hapag, Hija, nakahanda na ang mga pagkain.”sambit niya kaya napasunod kami ni Pulo doon.

“Simpleng salu-salo lang talaga ‘to?”bulong ko kay Pulo nang makita na sobrang daming nakalagay sa hapag. Akala mo’y fiesta sa sobrang dami ng mga putaheng kanilang niluto.

Nang lingunin ako ng Papa ni Pulo’y ngumiti lang ako. Nagsimula simula na rin itong magtanong tungkol sa akin na siyang sinasagot ko rin naman. Hindi ko nga lang alam kung anong isasagot ko kapag tinanong niya ako tungkol sa trabaho ko.

“My Mom and Dad died from an accident po.”sabi ko kaya agad na humingi ng paumanhin ito.

“Ayos lang po, matagal na rin naman po.”sambit ko na nagkibit ng balikat.

“How did you met my son?”tanong niya. Nagkatinginan naman kami ni Pulo at parehas na natawa nang maalala ang first interaction namin. Kuryoso naman kaming tinignan ng Papa niya dahil sa pagtawa.

“Sa resto, Pa.”ani Pulo na may ngisi pa rin sa mga labi, hindi ko naman maiwasan ang mapailing dahil sa itsura nito.

“How?”tanong pa ni Tito na nanliliit ang mga mata. Ako naman ang natawa ngayon dahil pakiramdam ko’y pinagbibintangan niya ang anak na nay ginawa nanamang kababalaghan.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now