Chapter 23

477 16 0
                                    

Chapter 23

Leo’s POV

“Jia…”pabulong na sambit ko sa tulog na kapatid.

“Ate will quit her job. Don’t worry I won’t ever let go of you…”nakangiti kong saad habang nakatingin sa kaniya. Matagal ko ring pinag-isipan ang gagawin. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba ito but I really hope that it is. I hope it’s for the better.

Lumabas naman na ako ng room niya pagkatapos ko siyang kausapin, nang palabas na’y hindi ko maiwasang mapatingin kay Pulo na naghihintay lang sa akin.

“Wala ka bang pasok at lagi kang nakaaligid sa kung saan saan?”natatawa kong tanong sa kaniya. Hindi niya naman maiwasang mapanguso dahil do’n.

“Mayroon pero hindi naman ganoon kaimportante ang mga nakaabang sa aking trabaho.”aniya kaya naningkit lang ang mga mata ko. Sa huli’y natawa na lang ito bago sumunod sa akin.

“Are you sure about it?”tanong niya nang sabihin kong dadaan kami sa palengke. Tumango naman ako sa kaniya roon.

“I tried to search about Karylle. It’s not your fault. You didn’t kill her child.”ani Pulo sa akin. Gusto niya akong pigilan na puntahan si Karylle ngunit buo na ang desisyon ko, gusto kong humingi ng tawad.

“She chose to abort.”aniya pa sa akin ngunit hindi ko pinansin. Alam ko na naging parte rin ako kung bakit siya nagpalaglag. No matter what her reason is, alam kong may mali pa rin ako.

“Anong ginagawa mo rito?”galit na agad ang mukha niya nang makita ako.

“Sorry sa kung ano mang nagawa kong mali, Karylle. I’m really sorry…”ani ko. Nanatili lang matigas ang mukha niya. Ibubuhos nanaman sana ang balde ngunit nagawa kong iwasan. Kahit na paulit ulit pa akong bumalik dito ay gagawin ko. I know na matagal bago magheal ang isang tao at hihintayin ko. I really want to say sorry. Ayaw kong matulog gabi gabi na naisip na may bata akong pinatay at maraming buhay na nasira.

“Ang kapal ng mukha mo, huwag ka ng magpakita pa sa akin dahil malilintikan ka talaga.”masamang masama ang tingin niya at nagbanta pa na ihahagis ang mga gamit niya kaya agad akong hinila ni Pulo paalis doon. Napabuntong hininga na lang ako habang nasa sasakyan.

“Don’t burden yourself too much.”bulong sa akin ni Pulo. Nginitian ko lang naman siya. Kahit anong gawin ko ay hindi ko ‘yon maiiwasan.

Maya-maya ay nagpaalam na rin ako sa kaniya nang makarating sa burger shop. Napatingin naman sa akin si Gani nang sa kaniya ako dumeretso. Ilang araw ko rin kasi ‘tong hindi kinakausap. Parang wala lang kasi sa kaniya ang lahat although lahat ng sinabi niya’y totoo naman talaga.

“Ano? Ayos ka na?”tanong niya sa akin na may ngiti sa mga labi.

“I’ll quit being a paparazzi.”sambit ko kaya nahinto ito.

“Ano? Hindi ka pa rin ba nagigising diyan sa kahibangan mo, Leo?”tanong niya sa akin na kunot na ang noo ngayon, wala na rin ang ngisi mula sa kaniyang mga labi.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now