Chapter 14

509 17 2
                                    

Chapter 14
Leo’s POV

Habang naglalakad kami pabalik sa kaniyang kotse, nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano ano.

“Tangina, nanantsing ka?”masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya nang makaramdam ako na may humawak sa bandang pwetan ko.

“Hoy, gago, nandito kamay ko.”aniya na tinaas pa ang dalawang kamay na may hawak na mga gamit naming dalawa. Agad nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto.

“Pucha, magnanakaw!”malakas kong sigaw nang hindi na makapa ang wallet sa bulsa ko. May dalawang daan pa ako roon. Punyeta talaga oh. Agad kong iniabot ang hawak hawak ko kay Pulo at hinabol ang lalaking nakita kong may hawak no’n. Sanay na sanay akong tumakbo dala na rin ng trabaho ko. Sa pagiging paparazzi, hindi pupwedeng mabagal kang kumilos. Hingal na hingal ako nang sa wakas ay maabutan ko ‘to. Nagawa ko pang sipain ang basurahan dahil magtatangka pa siyang tumakas ngunit sa huli’y ako rin ang napatakbo nang makita ko siyang may dala dalang kutsilyo.

Aba’t kung pabilisan lang tumakbo’y kayang kaya ko pero wala akong alam sa self defense no! Saka wala akong balak magpakamatay, mukha pa namang hindi magdadalawang isip ang isang ‘yon.

“The heck, Leo!”malakas na sigaw ni Pulo nang makasalubong ko siya at hinila pa. Hingal na hingal naman ako nang makarating sa maraming tao.

“Anong nangyari? Bakit bumalik ka?”naguguluhan niyang tanong.

“Saka bakit kasi humabol ka pa?”hindi na maipinta ang mukha nito habang napatingin sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang mapatawa habang hinihingal pa rin.

“May dalang kutsilyo, hindi naman ako imortal.”patawa tawa ko pang saad, mas lalo namang nanatili ang malamig niyang tingin dahil sa sinabi ko.

“Alam mo naman pala, edi sana umpisa pa lang hindi mo na hinabol pa.”sermon niya sa akin. Nang mapansin ko namang wala na ang ibang hawak niya’y binalik ko rin ang masamang tingin niya sa akin.

“Gago ka, ‘yong mga gamit ko! Hinayaan mong mawala.”hindi ko mapigilan ang mapasimangot lalo na nang makita ko pa ang cup niya, ‘yon lang ata ang inalalala sa lahat. Hindi rin naman siya nagpatinag, nanatili pa rin ang sama ng tingin niya sa akin. Parang hindi pa rin talaga kakalma.

Para kaming tangang dalawa na nagtatalo lang, paano’y nakakainis naman din kasi talaga. Ang init init na nga’y nananakawan pa.

Nang bumili kami ng ice cream at talagang pabalik na sa kotse niya, nagkatinginan kaming dalawa at parehas na lang na natawa.

“What a date!”sabay naming sambit.

“I’ll never forget this, that was really effect.”natatawa niyang saad. Natawa na lang din ako pero hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin sa dalawang daan ko at sa ilang gamit na pinamili but yeah, this is just hard to forget.

Hindi pa agad kami umuwi dahil nagtungo pa kami sa Rizal Park kinagabihan.

“Hulaan mo kung saan unang binaril si Rizal.”sambit ko sa kaniya.

“Sa likod.”sigurado namang sagot niya.

“Mali.”

“Paanong mali? Doon siya unang binaril, una pa lang ay plano na nilang barilin siya roon upang kung sakaling babagsak ay diretso sa lupa. Mamamatay daw ng walang kadangal dangal subalit ang sabi ni Rizal, hindi raw siya taksil sa gobyerno kaya hiniling niya na sa harap na lang siya barilin kaya lang ay hindi siya pinagbigyan pero dahil pinanganak na siyang may dignidad, ginamit niya ang pwersa ng baril para iharap ang sarili, kaya ‘yon namatay siyang nakaharap sa kalangitan, namatay siyang may dangal.”napatitig tuloy ako sa kaniya roon.

Flash News: Paparrazi InloveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin